Flashback Vincent's POV "WHAT???!!! Are you out of your mind??? I can't marry her!! Walang nangyari sa amin!" Halos sigaw na sabi ni Vincent sa ama nang sabihin nitong kailangan niyang pakasalan si Ella. Nang dahil lang sa nangyari sa loob ng Library ng mga Ynarez. Iniisip ng mga ito na may nangyari sa kanila ni Ella. Na napaka-imposibleng mangyari. Unang-una, malaki ang respeto niya kay Ella at sa mga magulang nito. Pangalawa, hindi niya papatulan si Ella dahil para sa kanya, nakababatang kapatid lang niya ito. Aaminin niya, naakit siya rito kanina nang maghubad ito sa harapan niya. Pero nasa tamang pag-iisip pa siya at hindi siya mapagsamantala tulad ng ibang lalaki. Kung ibang lalaki ‘yon, marahil sinamantala na ang sitwasyon ni Ella. Masasabi niyang mula pagkabata,

