CHAPTER 8 SHE WANTS "Kristina, may naghahanap sa'yo," ani nang yaya ko habang umuUpo ako sa loob ng kwarto. Nagsalubong ang kilay ko nang tumayo. Kabanas, tinatapos ko pa nga yung activities namin ni Naiel. Tapos sasabat pa itong lintek na bisitang ito. "Andiyan na yaya!" Sigaw ko sa kasambahay. Tamad akong tumayo at pinunta. Wala na ang maid nang buksan ko ang pinto kaya dumeretso na ako sa labas para makita kung sino ang naghahanap saakin. "Kael? Bakit ka andito?" Tanong ko sakanya. Sinabi kasi nang yaya namin na andito siya sa kabilang side ng gate namin na dinaanan rin namin noong huling gabi. May bitbit siyang papel. Nangunot naman ang noo niya. Ngayon ko lang din naman nakita na guwapo pala siya kapag nakanuot ang noo. Kapag lang. Hindi ko naman sinasabi na, guwapo talaga siya

