CHAPTER 9
As lola said. Kinabukasan din ay nagtungo kami ni tita sa paaralan na sinasabi niya. Maganda ang paaralan ng Dapo Leon. Hindi nga lang kasosyalan pero matatawag mo pa naman na paaralan kung baga.
Higit sa kaalaman ko na marami palang mga estudyante ang nagpapa-enroll rito. No wonder, siguro ito lang talaga ang paaralan na mayroon sila.
"Thank you," sabi ng guro sa akin. Kakatapos ko pa lang magpapirma sa registrar para sa schedule ko for this upcoming school year.
"Tara na," aniya ni Tita at sumunod naman ako sa kanya.
Maraming mga estudyante ang nakatingin sa aming dalawa, may nag-bubulungan pa. Siguro ay naninibago pa sila sa mukha ko.
Dahil nga masyadong awkward ay tinuon ko na lang ang atensyon ko sa cellphone. Wala paring texts sa akin sina Carhea, o maging si Devis at Venice. Alam kong masama ang loob nila na umalis ako nang walang paalam.
"Can I go out tita?" Tanong ko sakanya ng nasa kalagitnaan na kami ng byahe.
"Sige, pero hindi ako makakasama sa 'yo," sabi niya habang may pinipindot sa kanyang telepono..
"Ipapa-assist nalang kita sa pinagkakatiwalaan ko. Don't worry, safe naman dito sa lugar natin. Walang masasamang tao, at talagang ibang-iba siya sa Maynila." Sabay ngiti nito at tumingin sa labas ng kotse.
Tumango naman ako kahit hindi niya nakita. Madali lang ang papuntang eskwelahan mula sa mansyon. Pero kung lalakarin mo ito ay paniguradong napakalayo. Sementado na rin ang mga kalsada, at infairness malakas ang signal. Mabuti na lang din at may wifi kina Tita.
"Uhmm." napatikhim ako. "Can I ask?" tanong ko. Medyo awkward kasi.
Feeling ko may gustong ilabas ang bibig ko. I want to ask tita for something deeper na hindi ko alam ang kasagutan.
"Hmmm." naging hudyat ang sinabi niya para ibuka ko ang bibig ko.
"Bakit po ba, uhhhmm. W-wala pa kayong asawa, I mean-- Naunahan na po kayo ni Papa," medyo awkward ngayon ang scene naming dalawa.
Halatang mas lalong lumalim ang mga mata ni tita Hilda nang sabihin ko iyon sa kanya. Kahit na anong gawin ko nung una kaming magkita ay kakaiba. Malalim ang pinapahiwatig ng kanyang paningin. Iyong tipong mararamdaman mo na, nag-iisa siya, malungkot, at parang walang kasiyahan.
Pakiramdam ko, pinipilit niya lang na ngumiti sa akin tuwing magkasama kami. Kahit ang mga ngiti niya ay hindi kayang matakpan ang kalungkutan niya.
"Hindi nasusukat sa edad kung kailan ka magmamahal," sabi niya.
Eto yata yung pakiramdam na kasama mo 'yong taong kabaliktaran mo. Tita told me that she did'nt love a lot of men, but once. Ako, marami na akong naging nobyo, simula high school ako. Tita wants to find the right person for her. Pero ako, gusto ko lang i-explore ang mundo. Kung ano nga ba ang pinagkaiba ng mga lalaki sa iba. Kung paano ba sila maging gentle sa akin, o clingy.
"But about lola-" naputol ang sinabi ko nang dugutungan niya ito.
"Mama can't change my decision," matigas niyang sabi sa akin.
Malapit na kami sa mansyon nila. Pero parang gusto ko pang pabalikin ang kotse para magtanong ng kahit ano sa kanya. Hindi naman ako ganitong tao, siguro ngayon lang dahil kamag-anak ko ang kausap ko..
"What decision? To not marry anyone else? The business needs you," matigas ko ring ani.
Kung hindi nga iyon mangyayari ay baka ako ang maging next generation kapag tapos na si Tita. Tita also has a business, ang sakahan. At hindi niya kayang pagsabayin ang dalawang iyon na nag-iisa, she needs a husband to help her.
"That's not what I mean Tina. Enough for that question." Bumaba na siya ng kotse.
Ngayon ko lang napansin na nasa loob na kami ng mansyon.
"Mama was against me," aniya niya. Naglakad na siya palayo sa akin. Rinig ko iyon dahil nakabukas pa ang pinto.
I think I should say sorry to her. Masyado ko yatang pinabigat ang damdamin niya.
Tita was not here. Pumasok na siya sa work niya, hindi ko pa naman nakikita ang pinagtatrabahuhan niya pero malapit lang naman daw iyon sa bayan. She is just connecting papa's company to her para mas madali ang kanilang pag-asenso. Kay lola naman ay iba, dumadayo siya sa kalapit na bayan na nagtataasan rin ang mga gusali, that was too far away to visit kaya minsan daw ay nakakadalawang araw siya bago umuwi.
"Miss rito ho kayo." inalalayan ako ni Kaer sa pagbaba sa maputik na hagdan. This time hindi na ako choosy na tao, ako naman ang may gustong mamasyal.
Kaya wala akong dahilan para mag-demand nang kahit na ano sa kanya.
Anyways, siya pala yung pinagutusan ni Tita na mag-assist sa akin rito. He is good, I mean totally all of them, they are good to me.
"Thank you," sabi ko ng makababa na kaming pareho sa hagdang marupok.
Nakailang hakbang pa kami ng may humuni sa akin. Katabi niya ay isang medyo matandang babae, at si Mikay.
"Kuya! Don't witwiw her!! She is Ate Kristina!!" Singhal ni Mikay sa kuya niya- well, mukhang kuya niya kasi mas matanda sa kaniya pero magkamukha.
Hinampas niya pa gamit ang kamay niya ang hita ng Kuya niya.
Nakangiwi lang ang kuya niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Psst Ranson!! Itikom mo ang bibig mo," aniya ni Kaer sa kanya.
Are they allowed here in our farm? Ilan pa ba ang kapatid nitong si Kaer? Lima? Sampu?
Napa-iling nalang si Ranson sa aming dalawa. Umalis na ito at pumasok na sa isang bahay dito sa harap namin.
"Sorry Miss Tina. Siguro mamasyal ka na muna tayo sa ibang-"
"I want to know Mikay's family. I mean, your family, Kaer." Aniya ko sa kanya.
"Mama!" si Mikay nang kawayan niya ang isang babae na may ginagawa sa may kalayuan.
Kita kong busy ang Mama ni Kaer sa paghahabi ng silk ng banana tree. Si Mikay naman ay palapit sa akin ng nakangisi pa.
Walang nagawa si kaer ng hilahin ako ni Mikay. "Tara ate Kristina!!" Dala niya ako habang si Kaer ay nakasunod sa akin.
Ano ba 'yan, ang boring naman ng tour guide ko!
Nakita ko siya kanina sa school, siguro ay nagenroll rin. I hope na maging magkaklase kami o magkaparehas lang ng school level. Siya palang kasi yung kilala kong tagarito maliban kay Mikay na panigurado ay grade school palang.
"Papa. Si Ate kristina po." Una naming pinuntahan ang isang lalaki. "Ate kristina si Papa po. Papa Tonyo," pakilala ni mikay saaming dalawa.
"Mano po." iginawad niya naman ang kamay niya para magmano ako.
Nakakagalak palang makakilala ng simpleng tao. Hindi naman ako masyadong socialized na tao, pero magaan lang talaga ang loob ko sa mga simpleng tao na katulad nila.
"Pasok muna kayo sa bahay... Mukhang uulan yata." nakapangsaka pa siyang damit ngayon. "Jeenah! Pasok na muna at ma-ulan!!" Sigaw niya sa asawa niyang naghahabi pa hanggang ngayon.
So, this is not entirely our farm? Hanggang saan ang scope ng palayan namin? Sabi kasi ng mga maids eh malawak daw kaya nag-anticipate ako na sa amin pa ito, o baka naman nakikitayo lang sila ng bahay sa lupa namin?
Whatever.
Maybe kung sinama ko sina Carhea, dito ay ma-be byernesanto ang mukha nila. WHATEVER!, I want to turn them out to realize a simple life is so fun!
I let out a heavy sigh nang makapasok kami. As usual, maliit ang bahay nila, maraming namang gamit at malinis.
"Upo ka muna miss Tina," saad niya.
Kaer was a gentle man. Inusog niya ang upuan para makaupo ako. I mean, that's not a big deal to me. Ginagawa niya lang naman ang mga ito dahil napag-utusan siya ni tita. Ano ba yan! Masyado yata akong naaattract sa mga tao dito.
"Ikaw ang anak ng kapatid ni Hilda hindi ba?" Usisa ng ina ni Kaer saakin.
"Opo. Ako nga ho iyon" tumabi sa akin si Mikay at pinaglaruan ang buhok ko.
"Kamukha mo nga ang tita mo, Kristina. Naaalala ko ang kabataan niya saiyo."
"Tonyo. Huwag mo ngang halungkatin 'yan/"
Napatawa naman si manong tonyo. Hindi ko gets ang nasa isip nila. What's with Tita? Ewan ko. Oldies nga pala sila, wala akong alam sa isip nila.
"Wala namang masama doon, Jeenah. Gusto ko lang. Gusto ko lang na balikan ko ang ala-ala natin noon."
"Uhmmm. Magkakaibigan ba kayo ni tita noon?"
"Mukhang" nagtaas nang balikat si manong Tonyo. "Ganun nga."
"Mas malalim pa- este malalim ang pinagsasamahan namin noon, Tina. Para na kaming magkakapatid noong kapanahunan." bakas sa mukha ni aling Jeenah ang saya.
"Kung ganoon po ba, alam niyo ang dahilan kung bakit wala pang pamilya si Tita?"
Natigil ang ngiti sa labi nilang dalawa. Napataas ako ng kilay, anong problema nila? I wonder if kung bakit magkakaibigan sila ni tita, they have the same thinking! Natanong ko lang kung bakit wala pang asawa si tita natigil na rin sila.
Napatikhim na lang ako at napaupo nang maayos dahil sa awkwardness naming lahat.
Tumingin na lang ako sa kusina nila. There was Kaer preparing for the food, with Ranson helping him.
"Ranson! Hindi pa ba tapos yan!" Sigaw ni manong Tonyo. Tinutukoy niya yata ang meryenda na hinahanda nina Kaer.
"Tapos na!" Napangiwi pa si Ranson habang nakatingin saakin.
They both walk through us, binigyan ako ni Kaer ng pansit na bagong luto, puto naman at juice ang binigay ni Ranson sa akin.
We started to eat. Mukhang nakalimutan na nga nina aling Jeenah na sagutin ako sa tanong ko. That's not a big deal to them, but for me. Malaki. Malaking malaki.
"Kumain ka nang marami, Kristina. Masarap magluto iyang dalawa kong anak," si aling Jeenah. Ngumiti naman ako sa kanya bilang pasasalamat sa pagpapakain saakin.
Sumingit naman si Ranson.
"Naku mama. Kaunti nga lang ang sinandok namin para sa kanya. Baka tumaba si miss Tina kapag nakadami ng kain." nagtama ang paningin namin. "Siya palang ang nakikita kong perpekto ang hubog ng katawan." ngumiwi ito sa akin.
"Ranson," banta ni manong tonyo sa anak niya.
"Shut up kuya Ranson!!" Bungisngis ni mikay habang may kumakain ng puto.
Napatingin ako kay Kaer na tahimik lang kumain. They have the same gesture with Ranson. Mas matangkad si Kaer kaysa kay Ranson. Pero mas maputi naman si Ranson kaysa sa kuya niya. They have the same shape as their face. Mas matangkad lang kaso ang ilong ni Kaer pero matangos pa rin naman kay Rason.
Kung titingnan, ay hindi ka makakadesisyon kung sino sa kanila mas lamang. Pero parang mas lalamang si Kaer kung puputi siya ng kaunti, I mean pumuti talaga ng todo. Hindi kasi bagay sa kanya ang katamtamang morenong kulay ng balat niya.
Napatingin siya sa akin. Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin.
O crap! Ano bang nasa isip ko?!
"Pupunta tayo doon sa kanto. Nandoon kasi yung mga kaibigan namin eh." sabay nguso ni Ranson sa malayo. Nakatingin lang ako sa malapad na likod ni Kaer.
Tapos na kaming kumain. But Ranson didn't stop chanting about me. Gusto niya kasing sumama ako sa kanila ng kuya niya. I want that too, no I won't. Pagabi na, baka kung nakauwi na si tita.
"Ranson. Si Miss Tina ang magdedesisyon kung saan siya pupunta. Nagpapasweldo siya sa akin kaya huwag kang sumabat," matigas na ani ni Kaer. Nalaglag ang panga ko.
What the heck is he talking about? I'm good to him tapos sasabihin niyang nagpapasweldo lang ako?
Boring na nga siya... tapos bitter pa.
Nalukot ang magandang mukha ni Ranson ng ma-realize ang sinabi ni Kaer.
"Sayang-"
"Sige. I want to know more about your friends." I stopped him.
Nagliwanag naman ang mukha ni Ranson nang sinabi ko iyon. I want that idea, sana nga lang ay may babae silang kasama kahit ni isa. Wala pa kasi akong kaibigan bukod sa kanila.
I mean, I dunno kung kaibigan ba ang turing saakin ni kaer o taga-sweldo lang. Nakakatawa.
"See? Sabi sayo sasama siya eh," usal ng kapatid ni Kaer sa kanya. "Tara na!!"
Nagulat naman ako nang bigla niya akong hilahin sa pulsuhan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sakanya.
"T-teka." napalunok ako dahil agad akong napagpawisan. "Baka hindi makahabol ang kuya mo," aniya ko.
Hindi ko naman malingon si Kaer. Mabato kasi ang dinaraanan namin, at kung hindi ako mag-iingat sa pagtakbo ay baka madapa ako at pati na rin si Ranson.
"Hayaan mo yang si kuya Kael!" sigaw niya nang lumakas ang ihip ng hangin.
Medyo napatigil si Ranson sa pagtakbo. "Sorry kung nahila kita-"
"Anong sabi mo? Kuya Kael?"
Tumango naman siya, parang naguguluhan.. "Oo bakit?" Binitawan na ni Ranson ang kamay ko.
Nalaglag ang aking balikat at panga.
All this time, I call him as Kaer.
Damn it, that's not his real name!