ZYDUS POV Nakatanggap ako ng tawag na nagmumula sa bansang Italya sa Roma na nagmumula sa isang taong mortal, nagulat ako pagkarinig ko ng pangalang sinabi ng secretary ko kung sino ang taong gustong kumausap sakin......it's Ikor Reynolds.............Sa tagal at haba ng panahon ngayon lang muling nagparamdam sa akin ang taong yun ang Reynolds brothers si Ian at Ikor ang twins na vampire slayer... Sikat at tanyag ang magkapatid na yun bilang isa sa mga slayer na pumapatay sa mga katulad naming bampira at werewolves na pumapasok sa mundo ng mga tao.....sila ang pinakamagaling sa mga slayer ng isang grupo noong mga panahong yun. Isa na ring immortal ang reynold twins dahil hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang mga nayo nila. Nabubuhay na rin sila sa napakatagal na panahon. Hindi ko

