Chapter Four

1316 Words
COLLEN POV Papunta na ako ng school at ang unang nakita ko sa gate palang ay isang anghel na hinulog ng langit para sa akin na tila hinihintay ako. Ang anghel ng buhay ko. Si Angelo. Makita ko lang siya,buo na araw ko. Nang tumigil ang sasakyang sinasakyan ko ay binaba ko muna ang bintana nito. Pero bago ko binaba ang bintana ay hinanda ko muna ang napaka tamis tamis kong ngiti na para lamang sa kanya. Siyempre, special siya sa buhay ko eh. Oh,Angelo ng buhay ko, Anu't nandito kana? Ako ba'y hinihintay na? Umaga ko'y binuo mo na. May pa aksyon aksyon pang pagtutula ko sa harapan nito. Narinig kong tumawa si Mang Berto. At yung kaharap ko naman ay nakasimangot na lumalakad papunta sa harap namin at nung nasa harap na namin ay dumungaw ito kay Mang Berto. Nideneadma lamang ang beauty ko. Good morning po, Mang Berto. Salamat po sa paghatid sa baliw na ito. Next time po sa mental nyo na idiritso ah. Napasimangot nalang din ako sa kanya. Di manlang ako binati. Buti pa si Mang Berto binati niya samantalang ang beauty ko,hindi pinansin Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako para makalabas. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa siko ko at ang isang kamay naman ay sa likod ko. Kinilig tuloy ang intestine ko at ramdam naman ito ng atay ko. Ehhhhhhh... Bumitaw na siya sa akin ng makalabas na ako ng tuluyan. Nakaramdam tuloy ako ng paghinayang. Kung alam ko lang na bibitawan nya ako,sana di na ako lumabas. Bumaling siya kay Mang Berto at kapagkuwan ay Kumaway para magpaalam. Ingat po. Pagpaalam pa nito sa huli bago kami Nag umpisang lumakad papasok ng school. Nauna siya lumakad sa akin. Sira ang beauty ko dahil tinalikuran lang ako at iniwan. Siyempre dahil mahaba ang hair ko,di ako papayag sa ganun. Hinabol ko siya at di ko na pinalagpas ang pagkakataon. Humawak ako sa braso niya. Libre tsansing din ito nuh..Mehehehe. Minsan nga naisip ko, panu kaya kung itali ko nalang to sa bewang ko. Hmmmpp. Magandang idea pero baka mapatay na nya ako pag ginawa ko yun. At pag namatay na ako, naku,sayang yung lahi ko. Walang magmamana. Kaya erase. Erase.. erase.. Anakan ko pa to nuh. Di pa ako pweding mamatay. Napa bungisngis ako sa tinatakbo ng utak ko. Parang baliw kana talaga. Tumatawa ng walang rason. Napapailing nitong sabi na parang di makapaniwala. Baliw nga ako. Baliw na baliw sayo. Pagpapacute ko pa. Pero hindi niya ako tinitingnan. Sa daan lang ito nakatingin habang patuloy kami sa paglalakad. Bakit ba kasi ako pa ang gusto mo? Maganda ka. Pasado ka nga ata sa pagiging model. Ewan. Di ko din alam,basta isang araw nagising nalang ako na mahal na kita. Sincere na sabi ko sa kanya. Tiningnan ko muna siya sa mata para sabihin ang dapat kong sabihin. Mahal kita Angelo Jake. At sorry kasi ikaw lang tinitibok nito. Seryosong sabi ko. Tumahimik siya bigla. At nung makabawi naman ay bigla itong nagsalita. Wag mo nga akong madaan daan sa mahal,mahal na yan. Ayoko pa niyan. Tapusin muna natin pag-aaral natin. Isipin mo napakamahal ng mga bilihin ngayon. Anu ipapakain ko sayo? "Eh di ako nalang kainin mo, promise di ako magrereklamu,. Sabi ko sa mahinang boses. Sinigurado na hindi niya marinig para hindi ako makatikim ng instant batok mula sa kanya. Ang sakit pa naman niya manakit,nakakasakit ng damdamin. Anung sabi mo? Kunot noong tanong nito. Na parang pinapaulit sa akin yung sinabi ko. Ahehehehe. Sabi ko ako nalang magpapakain sayo. You know,I am rich. Kaya ko naman supurtahan ang magiging pamilya natin. Ang mga anak natin. Ang magiging apo natin. Kaya ko na yun. Ako pa. Pag iiba ko sa sinabi ko at dinaan sa pagbibiro. At hinihiling na sana ma kumbinsi siya. At nagtagumpay naman ata ako pero nakatikim naman ako ng mahiwagang pitik mula sa mahiwagang kamay nito. Araayy.Bat palagi ka nalang nananakit? Child abuse kana ha. Pagrereklamo ko habang hinihimas ang noo ko. Pinitik niya lang naman ang noo ko kaya ako napa aray. Ikaw ba naman pitukin kung di ka masasaktan. Pamilya mo lang rich. Hindi ikaw. Kaya wag kang mag mayabang. At isa pa,di kana bata. Matanda kana. Sira. Tumalikod na ito at na abutan ko pang ngumiti ito bago iniwas ang mukha. Asuuuss. Itago pa talaga. Ayaw pang malaman na napangiti ko siya. Aiiisttss.. ngumiti siya.. Biro ko sa kanya at sinusundot sundot yung tagiliran niya. Napatigil ata ang mundo ko dahil susundotin ko sana siya ulit pero hinuli nito ang mga kamay ko. Dinala nito sa bibig nito ang mga kamay ko at hinalikan. Mas lalong nayanig ang mundo ko nung nilapit niya ang mukha niya. Nalalanghap ko yung mabangong hininga niya. At nang ibulong nito ang mga katagang iyon ay nanlambot ang tuhod ko... Sa susunod na gawin mo yan, baka di na ako makapigil at labi mo na hahalikan ko. Bumitaw siya sa pagkahawak sa akin at nginitian ako. Yung tipong makalaglag panty na ngiti. Tumalikod na siya samantalang ako naman ay parang estatwa padin na di makagalaw dahil sa nangyari. Mamayang lunch. Sunduin kita sa room mo. Ikaw naman manliliibre mamaya ha. Wala akong pera. Sigaw nito at kumaway kaway pa habang naglalakad palayo sa akin. Umatake na naman yung pagka kuripot nito. Ngumiti nalang ako at kinawayan din siya pabalik. Okey lang na ako gumastos sa pagkain namin basta makasama ko lang siya. Mas lalo mo akong pinapaibig sayo dahil sa ginagawa mo sa akin Angelo. At di ako nagsisisi o magsisisi na ikaw ang minahal ko. Lunchhhhh timmmee.... Yuck. Ang pangit ng mukha. Ewww.. gross. May naligaw ata na pulubi dito sa room. Iilang negative na salita ang narinig ko sa labas ng room at alam ko na kung sino ang tinutukoy nila. Uminit bigla yung ulo ko dahil sa narinig ko. Kung makapanlait naman ang mga to akala mo naman mga magaganda eh mukha namang mga shokoy. Mas lalong uminit ang ulo ko nang tumawa sila ng nakaloloko. Nagmamadali akong lumabas para makita ito. Yung mga babaeng nanlait sa kanya ay wala na. At nakita ko nga siya. Nakatayo sa labas ng pinto. Nakatalikod ito sa direksyon ko kaya napagmasdan ko siya ng mabuti. Nakapamulsa yung right hand nito habang ang isang kamay ay naka hawak sa strap ng bag niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. At nung naramdaman niya ang presensya ko ay humarap siya akin ng nakangiti. Kaya nginitian ko din siya. Pinagsalikop ko yung kamay naming dalawa. Bago mag salita. Let's go?San tayo kakain? Saan mo gusto e treat? Dahil sa excited ako sa lunchdate namin ay sunod sunod ang tanong ko. San ba gusto mo? Basta ba libre mo,kahit saan okey ako. Sagot naman nito. At nag umpisa na kaming lumakad palabas ng paaralan. Lunch date ang tawag ko sa lunch namin ngayon dahil gusto ko siyang e date ngayon. Nangingiting hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Marami namang pweding bilhan sa labas ng school. May Jollibee, may mcdo, Chowking at maraming pang iba. Lakad lang kami ng lakad na naka holding hands. At dahil holding hands while walking kami, maraming kumento ang naririnig ko sa paligid. Ginayuma niya siguro yung babae pare. Sana ako nalang kaholding hands niya. Ang pangit ng lalaki tapos ang ganda ng babae. Walang ka taste taste naman yung girl. Yuck.. nasisikmura niyang makasama yan? Hindi ko pinansin ang mga salitang iyon. At sa tingin ko ay ganun din ang katabi ko. Walang expression na naglalakadang ito. Dahil nga magka holding hands kami ay abot hanggang tenga ang ngiti ko. Mas lalo ko pa iyong hinigpitan at masayang naglakad palabas. Kinikilig yung heart ko dito. Wag kayu magulo diyan. Tumigil kami sa Jollibee at si Angelo na ang nag order ng food namin. Pag ganito palagi ang mangyayari araw araw ay di ako mag aabsent buong taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD