Chapter One-The Throwback (part one)

3077 Words
Angelo's POV Angeeelllooo!!! Babe!! Wait! Sigaw ng babae sa likod ko. Ayan na naman. Sira na naman ang araw ko dahil sa babaeng to. Hindi ko siya pinansin bagkus ay binilisan ko pa ang pag lakad para hindi niya ako maabutan. Pauwi na ako ngayon at palabas na ng school. Kakatapos lang ng klase namin ngayong hapun at uwian na nga. At ito ako ngayon nag lalakad palabas ng gate ng tawagin ako ng babaeng makulit na to. Naiinis na nga ako dahil araw araw ay ganito siya sakin. Siya na ata ang pinakamakulit na babae sa mundong ito. Hindi ko po siya girlfriend ah. Sadyang ganyan lang tawag nito sakin at buntot ng buntot sa likuran ko. Parang aso. Mali! "Magandang ASO, na maganda sanang iuwi kung hindi lang subrang makulit." "Anung aso ang sinasabi mo diyan? Asan yung aso? Aampunin mo ba? Gawin nating baby? Uuwi na ba kami sa bahay mo?" Masayang tanong nito at animo'y excited pa. Eto na naman siya sa kakulitan niya. Hindi na talaga ako nakaiwas dahil tumakbo itong humabol sa likuran ko. Pinabayaan ko nalang siyang sumabay sa paglakad. Hindi ko sinagot ang mga tanong nito. Hindi ko siya pinansin, naglakad lang ako ng naglakad. "Babe naman. Iniiwasan mo na naman ako." Reklamu nito habang naka pout pa sabay nangunyapit na naman sa braso ko. Hindi ko padin siya kinikibo. Hinayaan ko nalang siya. Kasi kapag pinansin ko to, mas lalo pa itong mangulit ng mangulit. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makalabas na kami ng gate. Dumiritso na ako sa bantayan ng jeep. Ayoko din sana ng ganitong set up yung mag bantay ng jeep para makauwi. Makipag unahan sa iba at makipagsiksikan. Ang hirap kasi paunahan at siksikan pa. Pero dapat kayanin ko to. Dahil ito ang pinili ko. Kahit nahihirapan ako sa pag sakay, pero nung kalaunan naman ay medyo nasanay na rin. "Babe ko. Sabay tayu uuwi ah. Baka merong magkagusto sayu. O di kaya, meron ka nang magustuhan. No. No.no...dapat ako lang." Napatigil pa ito bigla sa paglalakad at napapailing iling pang salita nito. Na para bang ayaw niya talaga mangyari yun. Di na ko naka tiis. Hinarap ko siya at binatukan ko na. Poink!!! "Aray naman babe. Palagi ka nalang ganyan. Di mo na ba ako mahal?" Acting pa nito na kunyari maiiyak na . Sanay na ako sa kanya. Ganito naman siya palagi. "Tigilan mo nga ako Collen. Anu na naman ba yang pinagsasabi mo? Sa tingin mo ba may magkakagusto sa panget kong mukha na to? At isa pa,tigil tigilan mo ko sa mahal,mahal na yan. Mahal bigas ngayon. Kaya tumigil ka. Huwag mo akong paglaruan" Pagkasabi ko nun ay humarap na ko sa kalsada at nag abang ng sasakyan. Tama kayo ng nabasa. Hindi ako gwapo kagaya ng iniisip nyo. Panget nga ako. Panget ako, period. At siya? Napakaganda niya. Parang model. Matangkad. Sexy. Matangos at pointed ang ilong. Curly yung dulo ng buhok. May natural na red lips. Medyo may pagka blue yung mata. Yung light na light na kulay blue. Parang ganun. Kaya nga marami ang nag sasabi sa kanya, bakit siya humahabol sa akin na pati ako di ko din maintindihan kung bakit. "Ah bahala ka. Basta para sakin, ikaw ang pinaka gwapo sa lahat. At mahal kita. At correction, hindi ako mahilig sa laro. Kahit nga jackstone,di ako marunong." Nakangiti at may pa blink blink pa na pang iinsist nito at mas hinigpitan pa lalo ang pag kapit sa braso ko. Imbis na sumagot ay tiningnan ko ito ng masama. At salamat naman at dumating na yung jeep. Sumakay na ako at sumunod na din siya. Umupo na ako at tumabi siya sakin. Dumukot na ko ng dalawang twenty pesos para sa pamasahe naming dalawa at inabot iyon sa driver. At habang sakay kami ng jeep ay tahimik kaming dalawa sa loob. Iisang street lang kami ng inuuwian ni Collen. At ang di ko maintindihan ay kung bakit siya sumasakay din ng jeep gayong mayaman sila. Meron siyang sariling sasakyan at ako naman WALA. Mayaman siya. At May malamansiyon na bahay. "Bakit ka na naman ba sumakay dito? May sasakyan ka naman. Hindi ka ba nahirapan?" Nag alalang tanong ko sa kanya. Hindi iisang beses lang si Collen sumabay sakin sa pagsakay ng jeep. Kundi maraming beses na. Pareho kaming graduating college na ngayon. Siya ay magtatapos ng kursong fashion designer at ako naman ay business management. Naiinspire kasi ako sa mga business man. Kaya gusto ko din maging katulad nila. "Ilang beses ko bang Sabihin sayo babe na kahit saan kaman mapunta ay gusto kitang samahan." Nangingiti pang sagot nito na tila proud na proud pa. At di ko maiwasang di mapatingin sa paligid namin dahil sa mga tingin nilang mapanghusga. Yung iba naman,napapaismid sa narinig.At di nga ako nagkamali dahil sa narinig ko. Sayang na bata. Napakaganda pa naman. Ginayuma niya siguro yung babae kaya nakuha niya. Baka tinakot kamo,kaya sumama. Yumuko nalang ako at tumahimik. Pero yung katabi ko naman ay walang pakialam. Mas lalo pa ngang dumikit sa akin. Umusog nalang ako ng kunti para medyo makalayo sana sa kanya pero umusog naman ito palapit sa akin. Hinayaan ko nalang hanggang sa makarating na nga kami sa kanila. Bumaba na kami at hinatid ko na siya sa kanila. Mas nauna kasi yung bahay nila bago yung apartment ko. "Bye babe. Daanan mo ko dito bukas ah.Sabay na tayong pumasok. Pahatid nalang tayo bukas." Nakangiting paalam nito na naka kapit padin sa braso ko. Hindi ko siya tiningnan. Nakatayo lang ako sa harap niya ng biglang. Tsuuuppp.. Parang pinako ako sa ginawa niya. Di ako makagalaw dahil sa subrang gulat sa paghalik niya. Matagal bago ako nakabawi. Nung makabawi na ay tiningnan ko siya ng masama. Pero siya naman ay pasipol sipol na humahakbang paatras sa kinatatayuan ko. Nung makalayo layo siya ay kumaripas ito ng takbo papuntang gate ng bahay nila. Bago nito e sara ang gate ay nag flying kiss pa ito. At sinarado na ang gate. Napailing at napangiti nalang ako sa ginawa niya. "Baliw talagang babaeng to." Itong babaeng to talaga. Hindi pumapalyang pakiligin ako. Sounds gay pero totoo yun. At kunti nalang mahuhulug na ako. Pero bigla nawala ang ngiti ko ng may ibang mukha ang pumasok sa utak ko. Napakuyom nalang ako ng kamay at naglakad ulit. ------------------------------------------------------ Andito na ako sa bahay at naka bihis pambahay na din. Kinuha ko ang laptop ko at nag open ng f*******: ko. Maraming notification at messages ang na receive ko. Nang biglang nag beep ang phone ko. Beep* From:Mom How are you son? I hope you're doing so well. Dad and I miss you and love you. Napangiti nalang ako ng mabasa ko ang message ni mom. Di na ako nag alinlangan at nag reply na din. To: mom I'm doing great mom. How about you and Dad? I love you both. Please tell Dad that I'm ok here. Miss you. After kung e send ang reply ko ay hinarap ko ulit ang laptop ko at nag scroll scroll lang sa f*******: ko. Hanggang merong isang post ang nakakuha ng attention ko. Collen Hart Posted one hour ago My so handsome boyfriend. Love you babe. Caption nito sa picture ko na naka sideview. Di ko mapigilan ang sarili ko na di mapangiti dahil sa nabasa ko. And i don't like it. But I can't help it. Yeah, I admit. Kinikilig ako kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa nito. Napapasaya niya ako kahit wala itong ginagawa. At buo na ang araw ko kapag nakita ko siya lalo na kapag ngumiti siya. At ayoko ko sa nararamdaman kong ito. Collen's Pov Andito ako ngayon sa room ko. Nakaharap sa laptop ko. Nag re research ako ng e rereport ko para bukas. Binigyan kasi kami ng assigned topic kada isa samin ng teacher namin tapos pinapareport samin individually. Katamaran ba naman ng mga teacher sa ngayon kesyo para daw madevelop yung self confidence namin. Hayyss. Makaopen nga ulit ng f*******:. Pagka open ko nga ay Oyyy!!!90 notifications 100 messages...at.. 100 friend requests pa. Ang haba talaga ng hair ko.. Tiningnan ko isa isa hanggang sa Nakuha ng attention ko ang mga comment sa post ko at automatic na napataas ang kilay ko. Pinost ko lang naman kasi yung picture ng babe ko. Ahhhehehehe.. kilig much si ako.. My so handsome boyfriend. Love you babe. Caption ko sa picture nya na naka sideview. Hehehe, kinuha ko ito nung nasa beach kami. Stolen pic niya kumbaga. Ang gwapo niya kasi eh. Nakasideview na nakangiti habang nakatanaw sa dagat. Kaya di ko napigilan ang sarili ko na di siya kuhaan ng picture. Di ko naman talaga siya boyfriend. Ewan ko,di ko man lang namalayan ang sarili ko na nahuhulog ako sa kanya everyday. Alam ko naman na hindi siya gwapo. Eh anu naman? Basta mahal ko siya kahit anu pa siya. Para bang gusto ko araw araw ay gusto ko siya makita. Makita ko nga lang siya,buo na araw ko eh. Ganun ka lakas ang epekto ni Angelo sa akin. Napangiti nalang ako sa isiping iyon. Sound and feels weird na sa ganda at yaman kong ito ay mahuhulog lang sa isang katulad niya. Hindi mayaman at pangit pa. Pero sabi nga sa kanta.. ??Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang puso Lagot kana Siguradong huli ka.?? Naniniwala na ako sa kantang ito ngayon. Kapag tumibok ang puso natin wala na tayong magagawa dun kapag sinu man ang tinitibok nito. Kahit pilitin man nating ayawan o takbuhan,tayo at tayo pa din ang mahihirapan at masasaktan. Sarili natin ang sinasaktan natin. Binalik ko na ang attention ko sa mga comments na yun at binasa ulit. Puro panlalait katulad nalang nito... Sira ka ba girl? Proud ka pa talaga sa kanya ha.tssk. Nasisiraan ng bait 'kamo. Bulag ka ba? Sa pangit na iyan kapa nahulog?hahahaha. Di ko mapigilan ang di mainis sa comments nila. Pakialam ba nila kung si Angelo ang gusto ko? Kaya di na ako naka tiis. Nag comment din ako. Fyi. Mahal ko siya at wala kayung pakialam. Hindi naman kayu ang nagmahal. Maghanap kayu ng taong gusto nyong laitin. Mga wala kayung kwenta. Hindi naman ako pumapatol sa mga makikitid ang utak. Pero pag yung taong mahal ko na ang inaapakan,hindi na ako pweding manahimik. Di naman panget si Angelo ah. Ang gwapo niya kaya. (Weeeehhh) Ok aminin ko na. Di siya gwapo tulad ng iba. Pero, i find him cute parin especially his eyes. Yung matang yun,na parang hinihigop ka.Parang inosente kumbaga. His blue angelic eyes. Yung mata niya na bumihag sa puso ko. Di ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan. Nag scroll pa ako. Scroll.... Scroll... Puro panlalait lang ang comment. Aiiissshh.kainis talaga sila. Sa kakai scroll ko ay natuon ang attention ko sa isang comment. Binasa ko muna yung name. "Anne Thonette Ash Tone" Ang haba naman ng pangalan. Paki ko naman sa pangalan niya. Di naman ako ang nahihirapan sa pagsulat nun diba? Masisira ang beauty ko pag isinama ko pa to sa problema ko. Binasa ko ulit yung comment niya. "Luma love life na pala, di manlang ako nainform. Ang gwapo naman ng Jakey(jekey) ko pag naka sideview. PagnakaSIDEVIEW nga lang. Hahaha" Teka,parang inangkin ata si Jake ah. Jakey ko? Pagmamay ari na ba niya si Angelo? Nakaramdam ako ng sakit sa feelings dahil dun. Nag reply ako sa comment niya. "Gwapo naman siya palagi ah. Bulag lang ang di nakakita nun". Totoo naman kasi. Gwapo siya pag tinitigan mo siya ng matagal doon mo makikita yung gwapo niya. Bunos na at mabait pa siya. Naghintay pa ako ng ilang minuto kung rereplyan ba niya o hindi yung comment ko. Pero wala naman kaya nag log out na ako. Humiga ako sa kama para matulog pero mukha na naman ni Angelo ang nakikita ko. Malakas na ata talaga tama ko sa Angelo na ito. Ginayuma ba niya ako. Kasi simula nung nakita ko siya, nahulog na ako. Pero nag eexist ba ang gayuma sa mundo? Hello!! 21st century na kaya tayo. Pero kasi,simula nung nakilala ko siya,nahulog na ako sa kanya. Unti unting nahulog ang puso ko ng di ko alam. Unti unting minahal ko ang panget na si Angelo. ------------------------------------------------------------ THROWBACK!!!!!!! First day of school ngayon at papasok na ako ng gate.4th year college na ako sa kursong fashion designer. Mahilig kasi akong mag design ng mga damit.At dream ko ang makapag patayo ng business kung saan ipapakita ko sa buong mundo ang mga gawa ko. Napangiti tuloy ako at feel na feel ko na talaga ang dream kong ito. Iniimagine ko yung self ko na inirarampa sa entablado yung gawa ko. At dahil feel ko ang mag rampa today,taas noo akong naglakad na parang model. Habang nag lalakad ako ay may nakabunggo akong isang lalaki. Dahil sa katangahan sa pag de dreaming ayun,nabunggo ko pa yung nasa tabi ko. Kung saan kasi napadpad ang utak ko. "Akala mo pag-aari mo na ang daanan nuh?tssk..Wag kang rumampa sa daan,di ka maganda." Mahinang bulong ng katabi ko. Na hindi naman lingid sa pandinig ko. Bumulong na nga,e yung maririnig pa. Nahiya tuloy ako kaya naman humingi na ako ng paumanhin. ".sorry ha . sorry.. Kita mong mabunggo ka di ka manlang umiwas." Pasaring ko rin dito.Hindi ko na pinagkaabalahan na tingnan pa ito dahil baka masuntok ko pa ito. At dahil na rin sa nagkandalaglag yung mga gamit ko dahil sa katangahan ko. Nagmamadali akong lumuhod para kunin ang mga gamit ko nang akmang kukunin ko na sana yung last book ko ay may naunang kamay na bigla nalang dumampot sa libro ko. Abah! May tinatagong kabaitan din pala ito. Tumayo ako para sana tingnan at kukunin nadin ang libro ko. Nakita ko ang mukha ng lalaking tumulong sakin. Ngayon ko lang ito nakita sa school na ito.Siguro transferee ito. At di ko mapigilan ang di mapangiwi dahil sa mukha nito. Ang lakas ng loob na sabihin na hindi ako maganda yun pala,mas pangit pa sa akin. Nilahad niya sakin yung libro ko. First day of school pero ang malas ko naman. "Sorry ah. Di kita napansin. Nabunggo pakita." Paghingi niya ng paumanhin na ikinabigla ko kahit kumukulo na yung dugo ko sa kanya ay natigilan ako. Ang ganda kasi ng boses niya. Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko nalang na siya ang mag sorry. Kinuha ko na yung libro ko sa kamay niya. Tumingin ako sa mata niya. Naaaninag ko pa sa mata niya ang sincerity sa kulay asul na mata nito. Cute at napaka angelic ng mata. At Natigilan ako bigla. Parang merong magic na humila sa akin na mas titigan pa ito. Parang minamagnet ako na hindi ko magawang alisin ang tingin ko. At yung mukha niya. Napangiwi ako nung makita ko ang mukha niya. May peklat ito sa may bandang ilong nito pero kunti lang, May mga maliliit na scars sa ilalim ng mata nito. Naka salamin. Pero kahit naka salamin siya ay di mo parin mapigilan ang di tumitig sa mapang hipnotismo nitong mata. May mga maliliit na pimples. na parang di bumagay sa mukha niya. Ang kapal kapal pa ng kilay niya. May braces sa ngipin. Pero yung mga labi nito ang pupula. Grabbeeeehh.. Sooo Yummmy!!! Dikta ng utak ko.Napalunok ako bigla. Parang nanuyo tuloy yung lalamunan ko. "Miss..miss..ok kalang ba?" Pukaw sakin ng kaharap ko ngayon. Kaya naman napakurap kurap ako para bumalik sa huwesyo yung sarili ko. Ang tanga tanga mo naman. Kung saan saan naglakbay utak mo. Pati ba naman tong panget na ito pagnasaan mo. Bulong ko sa sarili ko at napatapik na nga ako sa noo ko para tumigil sa panlait ang utak ko. At yung kaharap ko naman ay dali daling hinawakan ang kamay ko at bakas sa mukha ang pag alala. Bigla kong iwinaksi ang kamay nito dahil parang nakuryente ako sa hawak nito. "Ahh..yes...yes ..ok ..lang ..ako. May lamok kasi kaya tinampal ko. Ang sakit niya mangagat. Tama,may lamok na nangagat. ahhhmmm.hehe..Thank you." Nagkanda utal utal pa ako sa pag sagot dahil sa hiya. Pilit ko siya ningitian para itago ang hiya ko at mabilis na tumalikod para makalayo sa kanya. Kakahiya ka Collen. Sita ko sa sarili ko. Arrrggghhh.. Inis na pagpapadyak ko habang patuloy na lumakad papasok sa 1st subject ko. Pagdating ko sa room ay naghanap ng ako ng vacant sit at tamang tama nasa may likuran banda ay may vacant sit pa. Umupo na ako at inayos ang gamit ko. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang professor namin at nag simula ng mag turo. Natapos ang first day of school na boring dahil puro nalang pag bibigay ng mga rules, overview sa subject namin at kung anu anu pa ang mangyari sa kada subject sa mga susunod na araw. Di pa sila nag start ng pag tuturo. Bukas nalang daw. Mga tamad ka'mo. Eh di ok. Makapag pahinga naman ako nito buong gabi dahil walang gawain. At dahil uwian na ay lumabas na ko ng school at pumunta ng parking area dahil nandon na ang sundo ko. Di ko nga alam kay Dad eh. Matanda na ako eh . Twenty na kaya ako,pero di pa ako pinapayagan na mag drive. Sumakay na ko ng kotse namin at umuwi na. Mabuti na din ito para di na ako mahirapan sa pag da drive. Saka nalang ako mag pa practice pag meron na akong boyfriend. Para maipag drive ko siya kahit saan man siya mapunta. Mag ro-roadtrip kami. Elilibre ko siya sa labas. Mag de-date. Ayiieeehhhh.. Kinikilig ata mga bulate ko sa loob. Mehehehe.Teka ,baliktad na ata mundo ngayon. Babae na ang driver ngayon. Teka!Bakit ko ba pinoproblema to? Wala pa nga akong boyfriend eh. Bago ako mamroblema ng date,problemahin ko muna boyfriend. Aiisshh. Maganda naman ako pero wala akong boyfriend. Sekreto kasi dun,ayaw ko pa ng istorbo sa buhay ko. Ayaw ko pa ng may mga distraction sa study ko. Hindi naman ako bitter or mapili,sadyang ayaw ko pa talaga. Sabihan nyo man akong boring ang love life ko,wala akong pakialam dun. Nag eenjoy naman ako sa single life ko. At marami na ang nag mamahal sa akin at siguradong di pa ko sasaktan. Andyan yung parents ko. Family at friend. Sa school naman. Wala akong friend. Ayoko kasi maulit yung nangyari samin dahil sa isang kaibigan. Isang kaibigan na akala ko totoo. ----to be continued -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD