Sa pagkain nakatuon ang atensiyon ni Lianne. Panay lang ang tango niya habang nagkukuwento si Russel. Minsan naman ay natatawa siya dahil sa mga biro nito. Hindi niya maiwasang ikumpara ito kay Gerard. Waring ibang-ibang ito sa kaniyang asawa. Napakalayo ng agwat ng dalawa kung sa pag-uugali at pakikisama ang pag-uusapan. Mas malalim na tao si Russel kumpara kay Gerard. Mas sweet din ito at gentleman. "So, Issy told me your dad left you when you were a kid," saad ni Russel matapos uminom ng tubig. Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya. "Did she...?" Napaawang ang bibig niya. Wala siyang kaalam-alam doon. Hindi man lang siya sinabihan ni Issy, basta na lang ito nagsalita kay Russel ng kung anu-anong kasinungalingan. "Yup!" Hinawakan nito ang kanang kamay niya. "Don't worry, Honey. I

