Napansin ni Kiel ang namuong luha kay Yana, nabasa nyang muli ang sakit na tinatago nya sa mga taong nakakaharap nya. Sinundan nya to sa C.R at nadinig nya ang munting pag iyak nya at maya maya lang ay naging tahimik na. Umalis na sya at bumalik na sa sala sakto naman tinawag na din sila ng mommy ni Yanna. Habang palapit sila sa dining table, napaisip si Kiel kung anung nangyare kay Yana sa nag daang 6 na taon. Para san un pag iyak nya at bakit may sakit at lungkot syang nababasa sa kbila ng mala anghel nyang mukha habang ngumingiti.
Maya maya lang ay sumunod na din si Yana, natakpan ng make up ang pag iyak na ginawa nya kanina. Halatang nag madali sya kumain, at idinahilang napagod sa biyahe para makaiwas sa kanya. Naunawaan naman ng kanyang Daddy ang dalaga kaya hinyaan na lang ito, humalik muna ito sa pisngi ni tita at tito at nagulat ako ng hinalikan nya din ako sa pisngi. Bumilis ang t***k ng puso ko na parang nangangarerang kabayo.
" Goodnight, Ingat ka sa byahe pauwe, pasensya ka na napagod ako kaya maybe next time na lang ulit tayo mag bonding " ngumiti ito sa kanya na parang di sya umiyak kanina.
Magaling syang magpanggap sa isip ni Kiel. Pero madami na agad plano si Kiel na nabuo.
"Okay lang, aasahan ko yan ha My Princess, susulitin ko iyan. pag dumating na yan next time na yan ay kukuwentuhan mo ako ng mga nangyare sayo sa ibang bansa" halata nya nagulat si Yana dahil sa pag banggit nya ng endearment nya dito.
Nag diretso na si Yana sa kuwarto nakatulugan nya ng matulog. At hindi alam ni Yana na hindi pinayagan umalis ng Mommy nya si Kiel at dun na pinatulog. At hiniling naman ni Kiel na dun na sya matulog sa tabi ng dalaga tulad nung college life nila, dahil sa may tiwala naman sila kay Kiel pumayag ang mag asawa dahil alam nila wala naman masama, at matagal n din naman sila magkaibgan na parang mag kapatid ang turingan. Alam nila namiss ni Kiel ang anak nila katulad din nila.
Pero sa loob ng Mommy nya siguro eto na yung time para maayos nila un relasyon nila para sa apo nila. Kaya sya pumayag. Alam nyang umiiwas ang anak nya kay Kiel at pinipilit lang maging okay sa harap ng Daddy nya.
Habang sinasara ni Kiel ang pinto ng dahan dahan. Narinig nya nanaginip si Yana at umiiyak. " Im sorry baby Kyle, please wag mo kami iwan ni Kelly, ginawa ni mommy ang lahat para marevive ka Baby kyle. Im sorry!" Ginising nya ito matapos nya marinig ang lahat, ramdam nya un sakit. Pero niyakap lang sya nito at nag salita ulit " Thank you Theo for always keep on me and kelly's safe",masakit pero nakita nya ang pag alaga ni Theo sa dalaga habang magkasama sila. At ibig sabihin natupad ni Yana ang pinangarap na kambal na anak pero mukhang hindi sya pinalad bigyan ng mahabang buhay.
"Bakit kelangan mo pag daanan un habang wala ako. Akala ko masaya ka nung nilayuan mo ako. Akala ko un ang ikakasaya mo? Bakit Baby" sabi nya dito habang mahimbing na ulit itong natutulog . Namiss nya to ng sobra. Yung yakap at pangungulit nya. Para syang pinapatay habang nag papasalamat sya kay Theo sa panaginip. Gusto nyang mainis sa pinsan dahil alam nyang tinago nila ni Thea si Yana. Alam nila kung gaano ako nalungkot nun. Wala n akong ibang babae na tiningnan dahil tanging si Yana lang ang gusto ko. Naging bulag ko nung panahon na nandun si Yana sa tabi ko. Huli na ba ang lahat sa atin?