" Maam, andito na po tayo" sabi ng driver pero mukhang d sya nadidinig no Yana
kaya tinapik tapik sya ng anak sa mukha nya.
" Mom, mom are you there." Pag tapik tapik ni Kelly sa kanyang mommy
" Yes anak, andito na pala tayo, manong pakibaba na lang din ung gamit namin"
Nagtaka si Yana dahil wala naman syang nakikita bahay sa pinuntahan nila kundi mapunong bundok at isang daan lang habang naka sulat ang isang Ocampo's Private Property sa napaka garbong gate na natatanaw nila. Agad sya nag door bell at lumabas ang mga security at parang alam inexpect na talaga nila na darating sila. Dinala sila ng anak nya sa isang puting van at dun nilagay ang kanilang mga gamit. At pagkalipas ng 30 minuto nilang pagmamasid s mgandang tanawin, nmangha sya sa nakitang mansyon na hinanda ng kanyang mga kaibigan. Doon ay mkikita kung gaano kagarbo ang pamilyang De Ocampo. Oo. Andito kmi dahil ayaw pa rin nya mkasama ang mga magulang nya dahil natatakot sya marinig ng anak nya un masasakit na salita n mag mumula s kanyang ama. Dala dala nya ang isang maliit na banga na kulay asul at akay naman ng kaliwang kamay si kelly habang pumapasok s loob ng bahay.
"Oh andito na po pala kayo maam, ipangbilin po ni sir Theo na tumawag daw po agad kayo sa knila pag andito na po kayo, nakapatay daw po yata un phone nyo at saka po pinasasabi din po wag daw po kayo mag alala dahil kontrolado daw po nila ang pag uwe nyo dito, ako nga po pala si Shelevy" sabi ng isang babaeng mukhang kasing edadin ko lang, maganda at may hanggang balikat na buhok at may magandang pangangatawan.
"Wag mo n ako i Maam, call me Yana and this is my daughter My Kelly, meet tita Shelevy call her Mama Shel, okay?" Binigyan nya ito ng isang matamis na ngiti habang gulat na gulat ang mukha ni Shelevy dahil d nya inasahan ang ganitong pagtrato s knya ng sinsabing bisita ni Theo.
" Hi Mama Shel, so Mom sya po ba yun kinukwento ni Papa na beautiful witch sa mansyon nya, kaya wag daw po ako naughty girl sayo mom" sabay takip nya sa bibig nya dahil naalala nya sinabi Theo n secret lang nila un dalawa.
" Sinabi ba un ng Papa mo" kaagad naman tumango si Kelly sa tanong ni Shel. "Ako nga po un at ganito un gingawa ko pag my mga naughty na pumupunta dito" sabay buhat kay Kelly at kiniliti at hinalik halikan nya sa may sofa.
Napuno ng tawanan nilang tatlo ang malaking mansyon dahil sa kakulitan na tinuro ni Theo kay Kelly. Nakita nyang may peklat si Shelevy sa may labi nya at may ilang bakas ng pasa sa may braso nya. Kaya nag karoon sya ng kutob na sa likod ng maamong mukha nito at malakas na pagtawa ay may tinatago eto lungkot at kwento. Kaya nung nakatulog si Kelly nag girls talk sila about their pain. At doon nalaman nya na may pinagdadaanan pala sya kaya sya nag iisa dito s mansyon. Nakaramdam sya ng awa pero humanga din sya sa tapang at kinaya ang lahat ng ito, hangad nya na sa huli ay magkaroon sya ng Happiness.
Habang nakahiga sya sa kama na inokupa nilang mag ina, niyakap nya ang isang larawan ng 2 bata. Andun un lungkot at sakit na bumalik sa alaala nya. Nakatulugan nya ang pag iyak habang hawak ang litrato ng mga baby nya.