Hunter's point of view Nagtataka ako dahil kung nadapa lang si Ellie ay hindi dapat ganun kalala ang kanyang dalawang tuhod. Ilang beses na akong nadapa sa training ground at hindi konting maga lang. Pagkatapos naming kumain ay dinala ko na sa kanyang kwarto. Sa kama ko na siya pinagsipilyo pero dinala parin sa banyo para umihi. "Babalik din ako." Sabi ko habang inaayos ang unan na papatungan ng kanyang dalawang paa. "Huh, okay na ako salamat. Kaya ko na kahit hindi ka na bumalik." Sabi niya at nagsalubong ang aking kilay. Pumayag ako na hindi na matulog sa kanyang kwarto dahil gusto kong mapanatag ang loob niya. "Ngayon lang ako matutulog, dito sa kwarto mo don't worry I will bring my portable bed." Sabi ko sabay napahinga ng malalim. Hindi na siya sumagot pa at umalis na ako. Pagdat

