Ellie's point of view continues Bago kami kumain ay bumili na muna si Inay ng ulam dagdag sa ulam namin. Mas kinakausap pa niya si Dark kaysa sa akin. Si Dark naman ay naligo muna dahil iniputan siya ng manok. Habang wala pa si Inay at nasa banyo naman si Dark ay kakausapin na ako ni Itay. "Anak, bakit mo kasintahan ang hunter na iyan, hindi ba balak na ninyon magpakasal ni Nick?" "Itay, hindi ko mahal si Nick. Kaya hindi lang naman kinasintahan ko siya noon dahil gusto kong ilayo niya ako dito sa atin pero hindi niya kaya. Tapos noong makipaghiwalay na sana ako sa kanya ay iniligtas naman niya kayo at nasa hospital siya." Pagpapaliwanag ko kay Itay. "Gaya ka na din ba ng Ina mo na mukhang pera?" Seryosong tanong ni Itay at nasaktan ako. "Itay mahal ko si Hunter dahil inalaagaan at

