Madison's point of view continues Pagkabukas ng pintuan ng cr ay agad ko siyang inalalayan, dapat magpakabait ako sa kanya dahil baka matulungan niya akong na kausapin ang kapatid niyang si Kuya Sander. "Baby wife, pwedeng makapagpahinga?" "Huh! e wala nang available na kwarto dahil ang sa mga bisita pati nga yung kwarto ni Made may matutulog din. Akala ko ba uuwi kayo agad?" "Yes, but I just need to rest a bit. Ang sakit talaga." Sagot niya na namimilipit na naman. "Sige sa kwarto ko ka nalang." Sagot ko at inalalayan ko siya pero muntik na kaming nahulog sa hagdan. "Kumapit ka ng mabuti kuya." Utos ko at mahigpit na siyang yumakap sa aking katawan. Kahit malakas ako ay parang hinihila niya ako dahil nasa likuran ko siya. Dapat ay sa kwarto na ng mga kasambahay ko dinala ang lala

