Hunter's point of view Mahimbing na ang tulog ni Ellie at nagliliwanag na rin dito sa labas. Problema ko na ngayon kung paano ko siya ipasok sa loob ng kanyang kwarto. Agad kong tinawagan sina Dark. Ang tagal niyang sagutin. Dark: Bakit? Agad na sagot niya. Me: Pumasok ka sa kwarto ni Ellie. Dark: Ano bakit? gising na ang mga magulang niya. Dinig na dinig ko sa kusina nagkakape sila. Sagot niya na mahina ang boses, napamura ako dahil baka mas lalong magalit ang tatay ni Ellie sa akin. Pinatay ko na ang tawag at hinaplos ang magandang mukha ni Ellie. Dahan-dahan ko siyang binuhat at umalis na kami sa sasakyan. Lumapit ako sa kanilang pinto at kumatok. Mabuti nalang at ang Inay niya ang nagbukas. "Bilisan mong ipasok nasa, cr ang tatay niya." Mabilis na sabi niya. Agad naman ako

