MIRA: MATAPOS makasiguro nila Daddy na maayos na ang kalagayan ko, bumalik na rin sila ng syudad nila Kuya. Naiwan kami nila Mikael at Shiela dito sa hospital. Palabas na rin naman ako, hinihintay lang namin ang released paper ko bago makalabas ng hospital. Hindi na rin ako nagulat na sila Elijah ang may pakana ng pag-trap sa akin. Sinabi din ni Shiela na si Elijah mismo ang nagsabi na si Brianna ang nag-utos sa kanya para gawin iyon. Ipapaaresto na nga dapat ni Daddy si Brianna. Pero pinakiusapan ko na hwag na muna. Gusto kong bigyan ng magandang laro si Brianna. At 'yon ang magtapat kaming dalawa sa final. "Are you sure you're okay, misis ko? Baka kailangan mo pang manatili kahit ngayong gabi pa dito?" nag-aalalang tanong nito. Si Shiela ang umaasikaso sa bill ko dito sa hospita

