MIRA: NANGINGITI akong pinapakiramdaman si Mikael na pinunasan ako ng maligamgam na tubig at face towel. Alasdos na ng madaling araw at antok na antok na ako. Ayaw naman nitong mag-shower kami kaya pinunasan niya lang ako para presko pa rin akong makapag pahinga. "No, hwag na, mayor ko." Inaantok kong saad na akmang dadamitan ako nito. "Ha? Pero. . . panty lang ang suot mo, misis ko. Torture naman ito sa puson ko," anito na ikinahagikhik ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay na naka-panty lang akong matulog. Kahit ilang beses na kaming nagtatabi sa kama. Alam ko naman ang paghihirap nito na nagtitimpi sa sarili lalo na sa tuwing naghahalikan na kami nang mapusok. "Ayoko. I'm not comfortable to sleep na may damit ako, mayor ko. Sige na. Magpunas ka na rin. I'm reall

