CHAPTER 5

2500 Words
Yolly's POV: Nasa opisina pa rin ako ni pogi. Kasama namin iyong tatlong gwapong kaibigan niya, 'yong babaeng ang sama ng tingin sa akin at si Dra. Avi. Umalis na kanina iyong dalawang babaeng kapatid yata ni pogi. Grabe sila, ang gandang lahi naman. Makapagpalahi rin kaya? Ay harot, baka tahiin ni inay ang puday ko niyan. Mag-aalas kwatro na baka hinahanap na ako ni inay, ayaw pa niya akong paalisin. Hindi naman ako kasali sa pinag-uusapan nila eh. Ewan ko ba rito kay pogi, siguro crush niya ako? Ayaw akong paalisin eh, baka sumisilay pa. Pagbigyan ko na, baka kasi umiyak. Hays, how to beat me? I'm so beautifullest. Kailangan ko na yata lumapit kay Dra. Vicky Belo at pabawasan ang ganda ko. "Mr. Heat pasensya na po talaga, hindi ko po sinasadya-" "Shut the f**k up." Galit na sabi ni pogi kay Dra. Avi, ang road naman niya. "So what's the plan?" Tanong nung isa sa tatlong gwapong kaibigan ni pogi sa kaniya. "I think iabort natin kung may mabubuo-" "You shut the f**k up also, Niveya. Pagbabayaran mo ang lahat, baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan nang lahat ng ito in the first place." Galit na putol ni pogi ro'n sa babaeng mataray. "Out of address na ako rito, pwede bang umalis na ako? Hinahanap na ako ni inay eh." Putol ko sa pag-uusap nila kaya napatingin silang lahat sa akin. "Maganda ka miss, may lahi ka ba?" Tanong nung isa sa tatlong gwapo. "Wala eh, human po ako. Pinakamagandang uri nga lang." Seryosong sagot ko. Napatampal naman sa noo itong road na poging nakabangga sa akin kahapon. "That's what I'm telling you all." Sabi niya sa tatlo pero nginisian lang nila siya. Apat silang pogi rito, pwede bang akin na lang ang isa? Thanks in advance na agad, hihi. "Pananagutan ko kung may mabubuo man. Kailangan ko rin naman ng tagapag-mana." Dugtong ni pogi at umupo sa swivel chair niya. "Hoy, kung pwede na nga akong umuwi? Baka hinahanap na ako ni inay eh." Sabi ko sa poging englishero na ito. Patay na ako kay inay, baka habulin na naman ako ng tambo no'n. Kahit matanda na ako ay pinapalo ako ni inay kapag pasaway ako. I'm the fetus of my mother in law that's why she babysitter me. "Do you even know what is happening here?" Tanong sa akin nung babaeng masungit at namewang pa sa harap ko. Bakit ba galit ito sa akin? Inaano ko ba siya? Siguro inggit siya kasi beautifullest ako, minsan lang kasi may makakita ng beauty ko. Sabi nga ng kapitbahay namin sa probinsya, endangered daw ang beauty ko kaya naiinggit sila. "Pakialam ko ba sa pinag-uusapan niyo, privacy is the new policy kaya hindi ako nakikialam. Hindi ako chismosa ano." Mataray na sabi ko sa kaniya at umirap. Malaki lang ang dede niya pero mas maganda ako. Malaki rin ang pwet niya, pero mas maganda pa rin ako. Ang mahalaga beautifullest ako at intelligence. "See? Are you choosing her over me, Zodiac? Baby pag-isipan mo 'to." Sabi nung babaeng galit sa akin kay pogi. Zodiac pala ang pangalan niya at may anak na yata sila. Asawa niya pala iyang babae na iyan baka nagseselos sa akin, beautifullest kasi ako eh. Tapos ayaw pa nila akong paalisin, ano ba ang atraso ko sa kanila? Baka naman pinagkamalan nila akong nagdedeliver ng Lazada? May ganoon din sa probinsya namin eh. "I'm choosing my child. Sino ka para kausapin ako ng gan'yan? Dahil sa ginawa niyong mag-ina, babawiin ko ang lahat ng shares ko sa kompanya niyo. Bahala kayong mamatay sa gutom!" Sigaw ni Zodiac doon sa babae. Nanonood lang kami ni Dra. Avi sa kanila habang hinihimas ko ang buhok ni Bulbolita, Bulbs for short na lang. Masyadong mahaba eh, sayang ang laway ko. Nagtoothbrush pa man din ako ngayon. "You can't do this to us Zodiac!" Sigaw nung babae kay Zodiac. Bakit parang viewers lang kami rito ah? Para akong nanonood ng televisioning, mukha silang mga artista at model. Hinihintay ko na lang magsabunutan sila, baka lang naman. "Yes I can, Niveya. Get the f**k out of here." Utos ni Zodiac doon sa babae. Fuck pala ang pangalan nung babae, ang panget naman. May fuckfuck kaya siya? May fuckfuck din kaya ang napkin niya? O isa siyang alifuckfuck? Nakakatuwa talaga ang sense of humid ko, napaka amazing. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Zodiac!" Galit na lumabas si f**k kaya nagba-bye ako sa kaniya. "Ba-bye Miss f**k, mag-iingat ka!" Sabi ko sa kaniya at kumaway. "You b***h!" Sigaw niya. Lalapit sana sa akin si f**k pero kinaladkad na siya palabas nung tatlong poging kaibigan ni Zodiac. "Ako rin ba pwede na akong umuwi?" Tanong ko kay Dra. Avi at kay Zodiac. "Ihahatid ko na si Ms. Dimatatak. You will be her personal doctor in case na mabuntis siya. I'll try to talk to her parents about sa nangyari." Paalam ni Zodiac kay Dra. Avi at hinila na ako. Muntik ko pang mabitawan si Bulbs. "Aray ko, bakit mo ba ako hinihila!? Patay ako kay inay nito wala akong nakuhang trabaho. May bakante ba rito sa accompany na 'to? Can I applying to be a member of the society of your boss business?" English ko sa kaniya, pinapakitaan ko lang siya ng english skillers ko. "Pag-iisipan ko." Sabi sa akin ni Zodiac pero hindi niya ako tiningnan. Nakatingala naman ako sa kaniya dahil hanggang balikat niya lang ako, para siyang kapre. Take notes ha poging kapre. Pagkarating namin sa parking lot ay pinasakay niya ako sa kotse niya, iyong sasakyan niyang muntik na makasagasa sa akin. "What are you looking at? Get in." Seryosong sabi niya at tinitigan ako. Sa kaniya naman ako nakatingin ah, bakit tinatanong niya ako kung saan ako nakatingin? Duling ba siya o banlag? Gwapo pa naman sana siya. Ang gulo niya ha he is so unpredictability. "Sabi ko pumasok ka na sa loob, baka gusto mo pang iupo kita?" Iritadong sabi niya sa akin. Ang bait naman niya masyado, tutulungan niya pa akong umupo. Kahit medyo crush ko siya eh ayaw ko naman siyang pahirapan, nakaka shyness naman kaya. "Salamat na lang pero kaya ko naman umupo." Sabi ko. Umupo na ako sa loob at isinara na niya 'yong pinto. Umikot naman siya at umupo sa tabi ko. Mukha naman siyang mayaman pero hindi niya afford ang kotseng maraming upuan. Maganda na sana ang kotse niya kaso walang upuan sa likod, ang poorer naman niya. Hindi ba kapag maraming upuan mas mahal ang sasakyan? Kaya kapag yumaman ako, bus ang bibilhin ko. Lalaglag ang panga ng mga kapitbahay namin sa probinsya. Mapapa 'Wow si Yolly na ang beautifullest billionaire!' sila. Nagmaneho na siya kaya tumingin-tingin lang ako sa paligid. Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong kotse eh. Tulog naman ang new pet kong si Bulbs dito sa hita ko. Ang talanding rabbit, napagod sa kakaharot kanina. Biglang kumulo ang tiyan ko kaya napatingin sa akin si Zodiac. Naalala kong hindi nga pala ako kumain ng tanghalian at wala na rin akong pera, babayaran ko pa siya dahil ihahatid niya ako. Patay ako nito kapag siningil niya ako ng forty pesos, sa highway na lang ako magpapababa para sampung piso lang. "Here, kainin mo na 'yan." Sabi niya at inabutan ako ng cloud 9 kaya kinuha ko naman 'yon. Gutom na ako choosier pa ba? "Salamat ha. Siya nga pala, sa may highway mo na lang ako ibaba ro'n sa muntik mo na akong mabangga. Wala akong pangbayad kapag pinasok mo pa sa looban eh. Baka mamaya ipakulong mo pa ako, I'm so beautifullest para maging prisoner." Sabi ko sa kaniya at binuksan na itong cloud 9. "What the f**k? Hindi naman kita sinisingil ah?" Tanong sa akin ni Zodiac at kinunutan ako ng noo. "Libre ba? Salamat ha hindi ka ba malulugi? Part time mo yata ang pagiging Taxi Driver." Sabi ko sa kaniya kaso bigla siyang nagpreno. Buti na lang nahila niya agad ako kung hindi sumubsob na ako sa unahan. Hawak-hawak ko pa rin si bulbs na nagising na. Napatuon ako sa dibdib niya kaya langhap na langhap ko ang pabango niya, ang bango rin ng kili-kili! Mukhang lagi siyang naliligo ah, type ko na siya! "I'm not a f*****g taxi driver lady, I am a f*****g businessman." Sabi niya at tinulungan ulit akong makaupo. Kinabit niya naman iyong parang tali na nahihila mula sa gilid katulad nung kaniya. Tahimik siyang nagmaneho at hindi na rin ako nagsalita. Baka itulak na niya ako palabas dito, ayoko namang magcart wheel sa kalsada. "Saan ka nakatira?" Tanong sa akin ni Zodiac. "Sa Batangas kami nakatira sa probinsya. Pansamantala kaming lumipat dito gawa ng kailangan kong magpatingin sa doktor." Paliwanag ko sa kaniya habang nakain. "What I mean is, ngayon saan ka nakatira?" Paglilinaw ni Zodiac sa tanong niya. "Sa bahay alangan namang sa pugon." Pilosopong sagot ko. "Puta!" Napatampal siya sa noo niya at umiling pa. "Hoy bad ka. Don't say badding words kasi paparusahan ka ni Lord gusto mo ba iyon ha?" Saway ko sa kaniya at itinigil niya na itong sasakyan. Nandito na kami sa lugar kung saan muntik niya ako mabangga, dito sa kanto namin. May mga ilang tao rin at chismosang nilalang na napapatingin dito sa sasakyan ni Zodiac. Lumabas na siya ng kotse at naiwan ako rito sa loob. Nasa labas lang siya at nakatayo. Sinubukan kong lumabas at itulak 'yong pinto pero ayaw bumukas! Hindi rin ako makaalis dahil sa tali na ito. Hala patay! Baka nga papatayin niya na ako kasi hindi ako nagbayad ng pamasahe! "Tulungan mo ako huwag mo akong ikulong dito! Bata pa ako at may pangarap sa buhay!" Sigaw ko at kinalampag itong salamin ng kotse. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. Parang bumagal ang paligid habang unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako at hinintay na halikan niya sa labi. Ilang segundo na at wala akong nararamdamang humalik kaya nagmulat na ako. Tinanggal niya pala iyong tali, hala nakakahiya naman. Ang feeler ko naman masyado. "Saan ang bahay mo rito?" Bored na tanong niya kaya iminuwestra kong sumunod siya sa akin. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao. Naririnig ko pa iyong mga chismosa ritong pinagnanasahan si Zodiac. Inirapan ko naman sila at hinimas-himas si Bulbs, mainggit kayong mga hampas lupa. "Zodiac, ayon ang bahay namin!" Turo ko sa kaniya at hinila. Binawi naman niya ang kamay niya kaya napanguso ako. "Huwag mo akong tawaging Zodiac, hindi tayo close. First name basis, huh?" Pagtataray niya. Ang taray naman niya, edi huwag tse. Mas mataray ako sa kaniya, laban pa kami ng mapochi 1. Paniguradong wala siyang palag sa akin. Pumasok na kami sa loob at nakita ko si inay na kumakain habang may hawak na walis tambo kaya ibinaba ko na si Bulbs. Hala patay! "Hoy ikaw na bata ka! Yule gabi na hindi ka pa- aba boypren mo ba ang isang 'yan? Napakagwapo naman! Pumunta lang tayo sa Maynila ah nakabingwit ka na agad anak! Manang-mana ka talaga sa akin!" Masayang sabi ni inay at binitawan ang pamalo niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Magandang gabi po ako si Zodiac Martin Heat. " Nagpakilala si Zodiac kay inay at inilahad ang kamay niya. Nagmano naman si inay kay Zodiac. Nakakahiya mali si inay, dapat si Zodiac ang nagmano. Napatampal na lang ako sa noo. "Ako naman si Ester, mommy na lang for shortest." Pagpapakilala ni inay. Inalok naman ni inay na umupo si Zodiac. Umupo naman ako sa tabi nila. "Babycakes, makikikain ka ba kaya hindi ka pa nauwi? Hindi mo naman sinabing nagugutom ka, mukhang marami ka namang pera bakit hindi ka na lang bumili?" Tanong ko kay Zodiac kaya pinanlakihan niya ako ng mata. Tanong lang naman galit na agad. Zodiac's POV: "Babycakes, makikikain ka ba kaya hindi ka pa nauwi? Hindi mo naman sinabing nagugutom ka, mukhang marami ka namang pera bakit hindi ka na lang bumili?" Yolly asked. What the f**k, babycakes? What a grost endearment. "Shut up will you?" Bulong ko sa kaniya at binalingin ng tingin ang nanay niya. I need to talk in tagalog for the mean time, damn it. Baka kapag nag-english ako at sumagot sila matunaw ang utak ko sa pag-intindi. "Uhm Mrs. Dimatatak kaya po ako nandito dahil by next week kailangan ho ipa-check up ni Yolly. I'm really sorry dahil po sa nangyari. Aksidente hong na-inseminate ang semilya ko kay Yolly at may posibilidad na mabuntis siya. Pananagutan ko ho kung may mabubuo-" "Jusmiyo Yolly, kakatapak pa lang natin sa Maynila nagpabuntis ka na hindi pa kayo kasal!? Kayong mga bata kayo ibibitin ko kayo eh! Kapag nabuntis ang anak ko dapat panagutan mo ha! At talagang sa ospital pa pala kayo gumawa ng milagro susmaryosep!" Putol sa akin ni Mrs. Dimatatak. Napatampal na lang ako sa noo. Anong lenggwahe ba ang naiintindihan nila? "Ha inay, ano ba ang sinasabi niyo!? Eh kakakita lang namin ni babycakes kanina!" Sigaw naman ni Yolly. Tumayo ang mag-ina at nagtalo. Damn it! How can I f*****g explain this sa kanila? Dalawang alien ang nagtatalo sa harap ko, anong gagawin ko? "Ladies, please calm down. Mrs. Dimatatak wala hong nangyari sa amin ni Yolly. Noong nagpunta kayo sa ospital, aksidenteng naiturok ni Dra. Avi Ramos ang semilya ko kay Yolly. Nasabi ni Dra. Avi na nagkamali kayo nang pasok ng kwarto kaya ganoon ang nangyari. I'm really sorry po." I calmly said at pumagitna sa dalawa. Pareho naman silang gulat na gulat. "Hala bakit hindi mo sinabi sa akin? Ibig sabihin pwede akong mabuntis kahit virgin pa ako? That is impossibleness, I am no like this with people!" Sabi ni Ms. Dimatatak at iginalaw ang balakang niya paatras at abante. Ibig sabihin niya ay hindi pa siya nakikipag-s*x kaya imposible siyang mabuntis. Damn it, naiintindihan ko na ang language ng mag-inang 'to. Konting tiis na lang at aalis na rin naman ako rito. "Yes it's possible. Babalik kayo roong mag-ina next week for the check-up. I need to go now, ito po ang calling card ko in case you need anything. Tanggapin niyo naman po ang perang ito bilang danyos perwisyo." Sabi ko at hinarap si Mrs. Dimatatak. Naglabas naman ako ng sampung libo. "Nako iho hindi namin matatanggap ito pero maraming salamat." Sabi ni Mrs. Dimatatak at siya na mismo ang kumuha ng pera sa kamay ko. Ipinaliwanag ko na sa kanila ang lahat before we bid our goodbyes. Nakatulala lang si Ms. Dimatatak sa akin. She is in a deep shock. Well honestly, it's not my fault. Nagmamagandang loob pa nga ako sa kanilang tumulong. Ang habol ko lang ay ang bata, I know na hindi nila masusustentuhan ang bata at mapapalaki ng ayos dahil sa estado nila. I don't want my heir to feel poverty kaya kukunin ko ang bata whatever it takes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD