Yolly's POV: Tatlong linggo na ang nakakalipas at bumalik na naman ang lahat sa normal. Pagkatapos ng date namin ni Zodiac ay hindi na niya ulit ako pinansin. Sa tuwing magugutom ako o maglilihi ay nagpapabili na lang siya hindi kaya ay umoorder. Nakakainis, haters ko na ba siya? Kasali na rin kaya siya sa fansclub ng mga haters ko sa probinsya na #NotoYollyflat? Masyado siyang busy sa trabaho niya. Ang yaman yaman niya na kanda-kuba pa rin siya sa trabaho? I cannot believing this, my ache is heading ha. Dinaig niya pa ang kalabaw namin na si Bangaw kumayod. Baka naman kasi naghihirap na si Zodiac? Bigyan ko kaya siya ng pera? Pwede na kaya ang bente? Wala kasi akong cash eh. Kawawa rin pala ako. Nagbihis na ako dahil pupunta kami ngayon sa airport ni Zodiac para sunduin si Inay at

