Kamalasan

1108 Words
NAHILOT ko tuloy ang aking noo, hindi ko akalain na sa isang halik lang na ginagawa ko'y magkakaroon ako ng kaso. Hanggang sa muli na naman akong tumingin sa harap ng tv upang alamin pa ang mga sasabihin ni Mr. Dash Max at mga itatanong ng reporter rito. “Mr. Dash, tingin ko lalong hindi na magpapakita sa ‘yo ang babaeng nagnakaw ng halik sa ‘yo oras na malaman niya na kakasuhan mo pala siya,” anas ng reporter sa lalakig crush ko. Nakita kong ngumiti muna ang lalaki. Peste ang gwapo talaga nito, ngumiti pa lang nakakahimatay na. Paano pa kaya kung ako mismo ang bigyan ng magandang ngiti ng lalaking ito? Ano kayang gagawin ko? Baka maglupasay pa ako sa lupa kung sakali. Ngunit bigla akong napanganga nang marinig ko ang sinabi ng crush ko sa babaeng reporter. “Bibigyan ko siya ng tatlong araw na palugit, ngunit kung hindi siya magpapakita sa mga araw na aking binigay pasensyahan na lamang kami!” Napalunok ako nang magkasunod-sunod, tila kasi nanuyo ang aking lalamunan dahil sa aking narinig. Mas lalong hindi ako magpapakita rito. Kailangan kong pumunta ng parlor upang baguhin nag aking buhok. Kaya naman dali-dali akong umakyat sa aking kwarto para kumuha ng pera. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Isang simpleng short at t-shirt lang ang aking suot. Kinuha ko rin ang sombrero ko upang ilagay sa aking ulo. Hindi na rin ako naglagay ng sunglasses at face mask at baka iyon pa ang maging dahilan upang makilala pa ako ng crush ko. Hindi ako magpapakita rito, aba! Baka ikulong na lang ako nito ng basta, lalo at basta ko na lang siyang hinalikan ng walang paalam. Nagmamadali akong humakbang papalabas ng kabahayan at sumakay sa aking kotse, agad ko naman itong pinatakbo papalayo para makarating ka agad sa parlor na aking pupuntahan. Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nakarating sa aking pakay, tuloy-tuloy akong humakbang papasok sa loob ng parlor at agad naman akong sinalubong ng isang babaeng nakangiti. Sinabi kong papalitan ko ang kulay ang aking buhok at gawin nitong light brown, pinapulutan ko na rin ito. Hahaba pa rin naman ito kaya ayos lang na papulutan ko hanggang sa balikat ko. Kaysa naman makilala ako ng aking crush. Ipinikit ko ang aking mga mata, ito ang ayaw ko kapag pina-aayos ko ang aking buhok, dahil inaantok ako para bang hinila ang mga talukop ng aking mga mata. Agad ko namang kinuha ang aking sombrero upang ipangtakip sa aking mukha para naman hindi makita ang bibig kong nakanganga kung sakaling tuluyan akong makatulog. “Mr. Senator, mabuti nama po at bumalik ka ulit, itinabi ko na po ang cellphone na naiwan mo rito kahapon.” Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinambit ng babae na senator raw. Napalunok tuloy ako. Ngunit hindi ako nagtangka na gumalaw para tingin ito. Kahit ang sombrerong nakalagay sa mukha ko’y hindi ko inalis. Lintik! Kapag minamalas nga naman, oh! Sana ibang senator ang dumating. “Okay, thanks,” sagot ng lalaking dumating. Lalo tinambol ang aking dibdib nang mabosesan ko ito. Kahit saglit ko lang narinig ang boses nito ay nakatatak na ito sa aking utak. Sana lang ay hindi ako makilala nito. Kailangan ko yatang tumawag ng mga sampung santo para iligtas nila ako. “Maupo ka muna, Mr. Senator at kukuhanin ko ang cellphone mo. Itinago ko po kasi ka agad iyon kahapon,” narinig kong anas ng babae. Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaking crush ko. Ngunit narinig kong naupo na ito sa couch. “Ms, Cm, puwede muna pong tingnan ang buhok mo,” anas naman ng babaeng nag-aayos ng aking buhok. Kuyom ang mga kamao. Lintek! Sana lang ay ‘di ako makilala ng lakaking ito. Ah! Bahala na nga! Kaya naman kahit kabado ay agad kong inangat ang aking kamay upang alisin ang nakatakip sa aking mukha. Ilang beses muna akong nagbuntonghininga bago ko imulat ang mga mata ko. Hanggang sa tumingin ako sa malaking salamin sa harapan ko. Bigla tuloy akong napangiti nang makita kong bagay pala sa akin ang huhok na hanggang balikat lamang ang haba. Inangat ko rin ang aking kamay upang hawakan ang buhok ko. Hanggang sa bigla akong mapatingin kay Mr. Senator. Parang gusto kong mahimatay dahil seryoso itong nakatingin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at baka hindi naman ako ang tinitingnan kundi balak din magsalamin. Saka, baka makilala pa ako nito oras na tingnan ko ito nang matagal. Agad naman akong kumuha ng pera para magbayad, hindi ko na nga kinuha ang sukli ko sa babae. Lalo at pakiramdam ko’y nakasunod ng tingin sa akin si Mr. Senator. Malalaki ang hakbang ko papalabas ng parlor. Ngunit sobrang lakas ng kabog ang aking dibdib. Parang mahihimatay yata ako. Jusko po naman! Dali-dali tuloy akong pumasok sa loob ng kotse. Doon lamang ako nahimasmasan. Ngunit parang nakatatak pa rin sa utak ko ang malagkit na tingin ni Mr. Senator sa akin. Nag-fe-feeling na naman ako na ako ang tinitingnan nito. Iiling-iling na lamang ako at tuluyan nan pinatakbo kotse ko. Ngunit parang gusto na namang lumipad ng utak ko papunta sa aking crush. Kaya naman magkakasunod kong ipinilig aking ulo upang magbalik sa normal ang takbo ng isipin. Hanggang sa bigla kong kabigin papunta sa kanan ang manibela ng kotse ko, subalit isang malakas na lagabog ang naririnig ko. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil mayroon pala akong na bangga na kotseng nakahinto. Doon ko lang nalaman na napasobra pala ang kabig ko papunta sa kanan, kaya nahagip ko ang kotseng nakahinto lamang. Itinabi ko muna ang aking kotse. Kailangan kong harap ang may-ari ng sasakyan. Kakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo. Agad akong lumabas ng aking kotse, tumingin naman ako sa sasakyan na nabangga ko. Nakita kong lumabas din ang driver ng kotseng nakahimpil lamang at Kakamot-kamot din ito sa kaniyang ulo. “Manong,” pagtawag ko sa lalaki, habang tinitingnan nito ang gilid ng kotse na natupi dahil sa malakas na pagkabangga ko. Lumingon naman ito sa akin at nakikita kong kabado ang mukha nito. “Huwag po kayong mag-alala, Manong, ako po ang sasagot ng lahat, dahil kasalanan ko po kung bakit natupi ang kotse, siguro’y kakausapin ko na lang po ang Amo mo,” anas ko sa matandang lalaki. “Paki-hintay na lang po si Senator, pabalik na rin po ‘yun para makausap mo, Ms.” Awang ang bibig ko nang marinig ko ang sinabi nitong senator. Bigla na namang kumabog ang aking dibdib. ”What’s going on here?” Is there a problem?” Peste naman, oh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD