Gamot

1408 Words

Ilang beses muna akong napahinga nang marahas, nakausap ko na rin si Agent Hazel at ano mang oras ay darating na ‘yun sa tagpuan namin. Kaya naman magdesisyon na akong pumunta sa loob ng banyo para maligo nang mabilis. Kailangan kong makabalik ka agad dito sa Isla Barcelona, lalo at bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang bahay ni Mr. Senator Dash Max. Siguro naman ay may haharap sa akin doon sa bahay ng lalaking crush ko. Pagkatapos maligo at magbihis ay nagmamadali na akong umalis dito sa inuupahan ko na bahay, agad naman akong nakasakay ng tricycle. Pagdating sa lugar na pagkikitaan namin ni Agent Hazel ay nakita kong nandito na rin ang aking kaibigan. Ngumisi pa nga ito sa akin at tila inaasar ako. “Nagdasal ka na ba ng sampung beses, Cm?’’ baliw na tanong sa akin ni Agent Hazel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD