Lumilipad Na Plato

1101 Words
Ramdam ko ang pagkagulat ng lalaking hinalikan ko nang basta na lamang. Hindi ako marunong humalik kaya hanggang sa pagdikit lang ng mga labi namin ang ginawa ko. Ngunit biglang nanlalaki ang mga mata ko nang hawakan nito ang aking beywang nang mahigpit. Nataranta tuloy ako. Kaya naman agad kong inalis ang labi ko sa labi ng lalaki. Mabilis din akong kumawala mula sa pagkakahawak nito sa aking beywang. Binalot din ako ng hiya lalo at nakikita kong maraming tao ang katingin sa amin at isa na roon ang kasamang babae ng aking crush. “Hala! Bakit niya hinalikan?” narinig ko pang tanong ng mga tao sa buong paligid. At doon lamang ako natauhan dahil sa kalokohang ginawa ko. Naku naman! Nakakahiya! Malalaki tuloy ang hakbang ko para iwan ang lalaking basta ko na lamang hinalikan ng walang paalam. Nagmamadali na lamang akong lumiko papunta sa kanang daan. At nang alam kong malayo na ako sa karamihan ng tao ay roon lamang bumagal ang paglalakad ko. Agad ko ring hinawakan ang aking dibdib dahil sa kaba. Ramdam kong sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na tila may nagtatambol sa loob. Bigla ko ring nahilot ang aking noo. Hanggang sa umikot ang paningin ko sa buong paligid upang maghanap ng masasakyan na taxi. Agad naman akong nakakita at mabilis na sumakay papasok sa loob. Kahit nasa loob na ako ng taxi ay abot-abot pa rin ang kaba ng dibdib ko. Jukso po! Dahil ngayon lang akong sinapian ng hiya sa katawan. “Ahhhh! Nakakainis!” biglang bulalas ko, habang hila-hila ang aking buhok. “Ms. Ayos ka lang ba?” Halos lumawa ang mga mata ko dahil sa boses ng driver. Agad akong tumingin dito at nakita kong nakakunot ang noo nito. At kung ‘di ako nagkakamali ay iisipin nito na baliw ako. “A-Ayos lang po, kuyang drive, naiinis lang ako sa aking ginawa kani-kanina lang,” alanganin kong sabi sa drive. Nakita kong ngumiti lamang ang driver ng taxi. Nahihiya tuloy akong umiwas ng tingin sa lalaki. Siguro’y kailangan ko munang magpahinga dahil kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak ko na kabaliwan. Kailangan ko na rin pa lang pasukin ang bahay ni Mr. Ron, mamayang gabi. Dapat makuha ko na ang bata mula sa mga kamay nito. Hanggang sa bigla akong napatingin sa labas ng binata nitong taxi na aking sinasakyan. At nakita lang naman ng dalawang mga mata ko si Mr. Ron na papasok sa loob ng restaurant. Tumingin din ako sa tauhan ni Mr. Ron, na may hawak-hawak na bata at kung ‘di ako nagkakamali ay natutulog ang bata. Hindi ako puwedeng magkamali kilala ko ang batang buhat-buhat ng tauhan ni Mr. Ron, hindi na ako nag-isip, agad kong pinatigil ang taxi sa driver. Nagmamadali rin akong kumuha ng pera upang magbayad sa taxi driver. Mabilis ko ring kinuha ang aking face mask sa bulsa ng suot kong pantalon at agad ko itong isinuot, hanggang sa nagmamadali na akong lumabas ng taxi. Narinig ko pa nga na tinawag ako ng driver dahil may sukli pa raw ako, ngunit hindi ko na ito pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa pagtakbo. Para akong ipo-ipo sa bilis nang mga galaw ko, wala akong pakialam kung may mga sasakyan ang mga tumatakbo sa kalsada dahil ang nais ko’y sundan ang aking target dahil pagkakataon ko na ito. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng restaurant agad kong hinanap ang bulto ni Mr. Ron, na siyang nakita ko agad naman. Nasa pinakang dulo sila nitong restaurant upang wala sigurong makapansin sa kanila. Kaya naman malalaki ang hakbang ko papalapit sa isang table na malapit lang sa kanila. Pagkaupo ko pa lang sa silya ay narinig ko na ka agad ang sinasabi ng lalaking may dala sa bata. “Bossing, ano’ng gagawin natin sa bata kung hindi magbigay ng pera ang mga magulang niya?” narinig kong tanong ng tauhan ni Mr. Ron. “Ano pa nga ba ang gagawin natin sa kanya, eh, ‘di papatayin natin at ang ulo ng batang iyan ay ipapadala natin sa mga magulang niya, akala siguro nila hindi ko kayang gawin ang patayin ang anak nila, pwes! Tingnan natin kung anong gagawin nila!” galit na sabi ng pesteng si Mr. Ron. Kuyom naman ang mga kamao ko dahil sa mga narinig ko mula sa bibig ng lalaki. Umikot muna ang mga mata ko sa buong paligid upang alamin kung marami bang tao ang nandito sa loob ng restaurant, nakita kung iilan-ilan pa lang ang kumakain. Kaya naman naghanda na ako sa aking plano. Bahala na, ang mahalaga ngayon ay makuha ko muna ang bata, lalo at balak na pala nilang patayin ang kawawang paslit. Muli ko na namang na ikuyom ang mga kamao ko dahil sa galit kay Mr. Ron. Wala naman kasalanan ang bata ngunit dinadamay nito sa galit nito sa mga magulang ng paslit. Nakita kong pinagdikit ni Mr. Ron ang dalawang upuan. Pagkatapos ay roon nila inilagay ang katatawang bata na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Balis akong umalis sa kina-uupuan ko at malalaki ang hakbang ko na lumapit sa aking target. Saktong paglapit ko sa harap ng table nila ay agad kong kinuha ang plato na may lamang pagkain at walang habas kong hinampas sa ulo ng isang tauhan ni Mr. Ron. Umigkas din ang kamao ko sa nguso ni Mr. Ron at alam kong gulat na gulat ito sa aking ginawa. Inangat ko rin ang isang paa ko upang sipain ang isa pa nitong tauhan na balak tumayo mula sa pagkakaupo. Hanggang sa bigla akong mapatingin sa likuran ko at roon ko nakitang may dalawang lalaki ang papalapit sa aking pwesto! Mabilis kong kinuha ang dalawang plato at ubod lakas ko itong pinalipad sa dalawang lalaki at sapol na sapol sila leeg. Mabilis kong ginalaw ang aking katawan papunta sa kanan ko dahil naramdaman kong may tatama sa aking balikat, ngunit singbilis ng kidlat ko ring kinuha ang baso na nakapatong sa ibabaw ng table. At walang pakundangan kung ibinato sa taong balak akong patamaan ng bala ng baril nito. Nanlalaki ang mga mata nito dahim sa noo tumama ng basong ibinato ko. Bigla akong napatingin sa kanan ko at nakita kong papatakas si Mr. Ron kasama ang isang tauhan nito na may dala-dalang bata. Mabilis na gumana ang utak. Hanggang sa mapatingin ako sa upuan, agad ko itong kinuha, pagkatapos mabilis akong umikot sa ere habang hawak-hawak ko ang upuan, hanggang sa ubod lakas kong ibinato sa likod ni Mr. Ron. “Animal ka!” bulalas ko. Hanggang sa tuloy-tuloy nang lumipad ang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD