Ayaw Ko nang Lampang Tauhan, Magnus:

1302 Words

Nang alam kong wala nang nakasunod sa akin ay mas matulin kong pinatakbo ang kotse ko papauwi sa bahay ko. Inis na inis talaga ako sa lalaking ‘yun, ang sarap lang suntukin nito. Sobrang higpit tuloy nang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse ko. Siguro naman ay tatantanan na ako ng lalaking ‘yun. Lintek na ‘yun! Kung ano-ano pa ang binibintang sa akin, kahit wala naman akong alam doon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin, ‘di ko na sana tinanggap ang kasong inilapit nito sa secret weapon ng bansa. Nakakasura lang! Agad kong kinabig papunta sa kaliwa ang manibela ko, hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa tapat ng gate ng bahay ko. Isang busina ko lang sa aking kotse ay bumukas na ang gate. Hindi naman basta makikita ang aking bahay. Kahit ipahanap niya ang aking addres

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD