Chapter 10

590 Words
GELLA's POV Nasaktan ako sa mga ibinibentang sa akin ni Chase. Di ko akalain na e judged nya ako sa ilang araw pa lang nitong pagkakilala sa akin.Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang mga ibinebentang sa akin.Na tinraydor ko raw si Chelsea. Di ko lubos maisip na ang baba ng tingin nya sa pagkatao ko.At kahit anong mangyari ay di ko magagawang traydurin ang kaibigan ko.Kaya di ko maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi ni Chase. Pagkatapos ng eksena sa kotse nito kanina ay napag desisyonan kong iwasan ito.Ayoko na ulit pang makatanggap ng masasakit na salita mula rito. Pero paano ko naman sya iiwasan?Gayong anak ito ng may-ari ng apartment na tinutuluyan ko.Malabo namang di magkrus ang landas namin dahil magkalapit ang tinitirhan namin. Minsanang nabanggit ni Chelsea sa akin na kararating lang daw nito from Singapore. 'Yon naman pala eh.Sana bumalik nalang ito dun at ng matahimik naman ang loob ko. At sana rin wag na itong bumalik pa. Buti nalang at naging busy ako sa office today.Na divert ang attention ko sa mga itinuro ni Sir Franco sa akin.Kaya saglit kong naisantabi ang tagpo kanina sa kotse ni Chase. At ng magsiuwian na ay dumiretso na ako ng sakay pauwi. Pagkababa ay agad akong dumiretso sa karenderya at ng makapag early dinner.Wala na akong balak pa bumaba ulit mamaya. Pagkatapos ay naglakad na pauwi ng apartment.Nagpasalamat ako at di ko nasilayan kahit anino ni Chase ng mga oras na ito. Papasok na ako ng building ng mahagip ng mata ko na nakabukas ang ilaw sa room ni Chelsea. Ng makita ito ay agad akong nagpunta sa room nito para kamustahin sya after ng proposal ni Brad. Nadatnan ko itong nag impake ng mga gamit.At ng makita ako ay nagpasalamat sya at maaga akong umuwi.Talagang hihintayin nya ako bago raw sila aalis ni Brad.Pinalilipat na pala ito ni Brad sa bahay nito dahil nalaman kong buntis pala si Chelsea.Pagkatapos daw ng proposal nila ay saka din nya sinabi kay Brad na 2 months pregnant sya. Ayaw raw ni Brad na dito sya mag stay dahil medyo malayo sa office nito at gusto ni Brad na mahatid-sundo ang fiancee sa opisina nito. Napakasaya ko para rito.Maya-maya pa ay dumating di Brad at isa-isa nitong kinuha at inilagay sa loob ng sasakyan nito ang mga gamit ni Chelsea. "Pasensya ka na Gel ha,maiiwan kitang mag-isa dito. Itong si Brad kasi,sinabi ko naman na kaya ko.Eh sobrang OA...ito yata ang naglilihi dahil nais daw akong makita sa oras-oras." "Okay lang Chels.Basta ,ingat lang kayo ni Brad at ng baby natin dun ha.Ako nalang ang bibisita sa inyo para di na masyadong ma stress si Brad sa atin." sabay pa kaming nagkatawanan sa tinuran ko. "Basta ingat ka din dito.Kung may problema ka o kailangan mo ng kausap,tawagan mo ako. Kahit pa anong ginagawa ko,o namin ni Brad,ay iiwan ko para sayo. " malisyosong biro nito sabay kindat sa akin.Napalakas lalo ang tawa ko sa dagdag nya. Matapos magpaalam sa isa't isa ay umalis na sila.Hinatid ko sila ng tanaw hanggang sa mawala ang sasakyan ng mga ito sa paningin ko.Pagkatapos ay tuluyan na akong umakyat sa second floor at pumasok ng unit ko... Habang nakapag-isa ay naisipan kong maghanda na rin.Uuwi na lang ako bukas ng probinsya dahil sabado naman. Wala naman akong gagawin buong weekend dito kaya mas makakabuti na sasaglit muna ako sa amin.Babalik nalang ako sa linggo ng hapon. Mabuti na rin ang ganito para makaiwas ako sa anino ni Chase at ng mapanghusga nitong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD