I woke up to the sound of my alarm clock. I usually woke up early to do my routine. I made sure I did a 30 mins.work out before taking a bath. Pagkagising na pagkagising ay nag-unat ako sa terrace. This is what I normally do and naksanayan ko na talaga sya.I often do some stretching before starting my work out. Nalingunan kong parang napasilip si Gella sa gawi ko na agad namang nawala ng lingunin ko. It's still too early and I bet she woke up ahead of me. Baka may maaga itong lakad.Why would I be curious? Bakit ba bigla ko naman ulit siyang naiisip when I have things to worry and think on my own. Napapailing akong bumalik sa loob para simulan mag lift ng weights and do a 15min. treadmill. Once done with my work out ay bumalik ako sa terrace upang lumalanghap ng malamig na simoy ng hanging umaga. Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang banayad na pagdampi nun sa mukha ko.I need some of this before starting what I need to do for today. Nang magmulat ako ay naitukod ko ang mga kamay sa terrace at sa di kalayoan ay nakita ko si Gella na bahagyang nakangiti habang hawak nito ang cellphone. Napakaganda nitong pagmasdan kahit na nakashorts at tshirt lang.Bagong paligo ito at napaka fresh ng look nya.May bitbit itong plastic at parang galing ito sa labas. I don't really understand my feelings but I kind of hate the fact that someone made her smile that way.And damn she looks so cute. Di ko maiwasang sundan ang bawat galaw nya. Kahit na nung ibalik nito ang cellphone sa bulsa ay di parin mapalis sa labi nito ang ngiting kanina pa nakasilay dun.At kita sa mukha nito ang bakas na kasiyahan. Napansin yata nito na may malalagkit nanmga matang nakatitig dito ay napatingin ito sa gawi ko.Bahagya naman itong natigilan ng makita akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Dahil di agad ako nakabawi ay pinakita ko dito ang mukhang wari ay walang pakialam at kunot noo akong tumalikod dito. Napapamura na naman ako sa epekto ng babaeng ito sa akin. Parang kasisimula pa lang ng araw ay ito na agad ang laman ng isip ko.
Bumaba nalang ako ng kusina at saka nag agahan.Mom was the one who always prepare my breakfast.Kahit na noong andito pa ang mga kapatid ko ay nakasanayan na nya ito.Gusto nya sya ang gumagawa nun kahit na may mga katulong naman kami.Personal nya talaga kaming inasikaso at alagaan kahit dati pa.Ako lang naman ang bunso sa anim naming magkakapatid. Mga kapatid Ko ay may kanya kanya ng mga pamilya.Ako at si kuya Ariston nalang ang tanging wala pa. Ang tatlo kong kapatid na mga babae ay nasa L.A. and are working in the same hospital.They were all nurses and nagkataon na may opportunity for them to work in one hospital kaya panatag si Mama sa kanila kahit malayo. Si kuya Jarvis naman ay sa Bukidnon,nag eenjoy with his family while venturing in a farming business.
Maya-maya pa ay sinabayan na ako ni mama mag breakfast. While we were eating,nagkwento si Mama about the new tenant. Nababaitan daw sya dito.And base sa kwento ni Chelsea ay panganay daw ito sa apat na magkakapatid.Supposedly on it's 3rd year sa college but had to stop dahil sa kakapusan sa pera. Kaya narito at napilitang mag apply ng trabaho. Chelsea and Gella were very good friends daw sa province nila.Kaya din ito napadpad sa pangungupahan sa kanila ay dahil dito ito gustong mag rent ni Chelsea para magkalapit lang sila.And Brad, Chelsea's boyfriend has been very close na rin daw kay Gella.Sa katunayan ay ini -endorse daw ni Brad ang application ni Gella sa kumpanya nito. Talagang mapalad si Gella dahil ani ni Mama ay mayroon itong mabubuting mga kaibigan na tulad nina Brad at Chelsea.
Tatango-tango lang ako habang nagkukwento si Mama.Sa sobrang bait ni Mama sa mga tenants ay nagiging kaibigan na rin niya ang mga ito.Tulad nalang ni Chelsea at ng iba pa.At alam rin ni Mama ang mga buhay buhay ng mga tenants nya. Sabi pa nga nito,na habang malayo ang mga tenants sa parents nila ay sya muna ang tatayong magulang ng mga ito.Kaya sisiguraduhin din nya naligtas at di mapapahamak at kahit ni isa man sa mga tenants nya.
Pagkatapos kumain ay umakyat uli ako sa kwarto.Dahil di ko nakalimutan ang sabi ni Mira kagabi na makikipag-usap sya sa akin ngayon ,ay sinubukan ko na syang tawagan ngayon pa lang. Nang maka ilang ring sa kabilang linya ay sinagot naman nito ang tawag.
"Good morning babe. How's your sleep? Have you slept well last night? malambing kong sabi dito as if we were still a couple.
Bumuntong hininga naman ito bago sumagot.
"I somehow had. "
maikling sagot nito.
""nagbreakfast ka na?baka may gusto kang kainin,sabihan mo lang ako"
"Look Chase," putol nya sa sasabihin ko.
"I'm trying to move on.I'm sorry if had to be harsh but I ask you to please stop."natigilan ako sa sinabi nya.Di ko iniexpect na wala na pala talaga sa kanya ang lahat. Nagpipigil ako sa sakit na naramdaman ko ng muli itong magsalita
"I really need to talk to you in person though. I just want to be fair to you Chase."
"Yes,I'd love that too.Sabihin mo lang kung kailan."
"Later,pupuntahan nalang kita sa restaurant mo around 4pm today. " tila nabuhayan naman ako ng loob.Kakausapin nya ako in person.I still got the chance.Iba naman kasi pag kaharap mo ang kasuap mo kaysa thru phone lang. Checking the time and I see na maaga pa naman.Muli sana akong babalik sa terrace ng mapansin ko ang room ni Gella.Parang busy ito preparing something at inilapag iyon sa bed nya.Aalis ba ito? San naman kaya ang punta nito.Putcha!May malaking pinoproblema pa nga ang puso ko ay poproblemahin ko pa ba sya? Anong laking tama naman nito sa akin.
Suddenly I got an idea. Naligo ako at inihanda ang sarili... Mira wants to meet me at 4pm later pero gusto kong agahan nalang ang punta doon. I will ready myself so when Gella leaves,I will leave from here too. I will give her a ride muna bago ako tutuloy sa Pablito's. But wait!...She barely know me and I knew she's not the type that would just hop into someone's car. Parang napakapresko naman ng dating ko sa ganun. I need to establish a good impression sa kanya. If I want to know her better,kailangan siguro sa paraan na di ito mabibigla.
Ready na ako and I was just waiting for Gella to come out from the apartment. Pasilip silip at pasulyap sulyap lang ako sa lalabasan nya. When I went down ay nadatnan ko si Mama. Nagpaalam ako sa kanya and God!... I lied that a friend would come pick me up so I won't be driving today. Tumango lang naman ang mama tanda ng pagsang-ayon. Ilang minuto pa ay nakita ko na si Gella na kalalabas lang ng unit. Napakadisente nitong tingnan sa pale yellow dress nito.She really knew how to dress well.I'm impressed even though napakasimple ng suot nito.She accessorized the dress with thin belt na nag add up sa formality ng look nya. Pinaresan nya ito ng high heeled shoes .Sa kaliwang balikat nito ay may nakasukbit na maliit na bag at sa kanang kamay naman ay hawak nito ang white na blazer. I honestly was in awe looking at her.Ng makabawi ay agad akong nagpaalam kay Mama at sinabing sa labas ko na hihintayin ang susundo sa akin. Nagmano at humalik ako sa pisngi ni Mama bago umalis.Sinabi naman nito na mag-ingat ako sa pupuntahan ko.Tahimik lang akong nakasunod kay Gella ng maya-maya pa ay tumikhim ako at tinapatan ang mga hakbang nya. I was trying to start a conversation with her.I asked if she is going somewhere and nalaman kong may interview pala ito sa may IGC( Ignacio's Group of Companies)ng 2pm .Napangiti ako sa sagot nito dahil malapit lang dun ang Pablito's. Agad akong pumara ng taxi para makasabay ko ito.Sana di ako maunahan ng mga nagdaraanang mga jeep.Batid kong ito ang gustong sakyan nito. Nakahinga ako ng maluwag ng may vacant taxi na huminto sa harap namin. I asked her to take the ride with me and e da-drop lang sya sa pupuntahan nya.Alam kung ang-atubili sya pero napilit ko pa rin. Wala naman kaming imik sa taxi.Kahit pa gusto kong makipag usap ay parang biglang bumahag ang buntot ko.Sakto namang nag vibrate ang phone ko and I my face lit up when I saw Mira's name on the screen.Di kalaunan ay huminto ang taxi at biglang balik ako sa realization that I was with Gella inside the taxi. I paid for the fare though she gravely insisted na sya na magbabayad. Di ko alam paano pero bigla ko nalang nasabi sa kanya na sisingilin ko sya dun one day.Sometimes I almost don't think and can't control whatever comes out of my mouth.Nababalisa din ang isip at puso ko. Napansin kong pinamulahan si Gella sa tinuran ko.It put us both in an awkward situation yet at the back of my mind,napapangiti ako dahil I know I just made the move.A move in getting to know this woman more.I hardly don't know what's with her but my system can't resist whatever this woman is effortlessly and unconsciously doing to me.