Ilang linggo na mula ng nakapag-leave ako sa trabaho at umuwi sa amin. Sina Arlene at Giro ang naghatid sa akin.Giro insisted to give me a lift,alam nya ang sitwasyon ng dinadala ko pero ni minsan ay di ko sila naringgan dalawa ni Arlene na nagbusisi tungkol sa ama ng dinadala ko.Hindi ko na rin ikinuwento pa sa kanila dahil baka di ko mapigilan ang sarili na mapaluha sa harap nila.Ayokong kaawaan ng kahit na sino. I thanked them both nang papauwi na sila.These two havr been so lind to me.Di ko alam lung paano pasasalamatan sina Arlene at Giro sa lahat ng kabutihang ginawa nila sa akin. "Gell,kung may kelangan ka,tawagan mo lang kami ha.Andito lang kami.Palusog at palakas kayo ni baby. Dadalaw kami ulit dito pag nakabakante kami sa trabaho." sabi ni Arlene sa akin bago ito umalis. "

