CHAPTER 2

1585 Words
AN: Good morning guys! Salamat po sa inyong lahat sa pag-support ulit dito sa bago na story ko. Mag-iingat kayong lahat Stay Home for safety ❤ ----------- Sakay ng mamahalin niyang kotse hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi rin ako makapagtanong dahil baka magkamali ako ng itatanong ko. "S-Salamat." mahinang sabi ko habang narito ako sa likod, gumalaw ako niya patagili lang at muling humarap sa unahan habang nagmamaneho. Hanggang sa huminto kami sa isang magandang bahay mataas ito ganon rin ang gate. Kusang umangat ito at pinasok na niya ang kotse, napalapit ako sa binta dahil manghang-mangha ako sa ganda ng bahay kahit madilim ay kita ko ito. "Bumaba ka na." Napalingon ako at naiilang pa ako kumilos dahil nag-aalala rin ako sa itsura at amoy ko. "B-bakit dinala mo ako dito? Saka bakit kilala mo ako?" "Importante pa ba 'yon? Nahanap kita at ngayon nandito ka na sa mga kamay ko. Bakit hindi mo na lang isipin na isa itong napakagandang panaginip." Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng malaya ko ng nasilayan ang mukha niya. Matangos ang ilong niya at ang gwapo niya habang nakangiti sa akin. "Maligo ka na rin ang sama na ng amoy mo." sabi pa niya sabay talikod niya. Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa sinabi niya at sumunod ako sa kanya, pinagmamasdan ko ang likod niya habang maangas na naglalakad ito. Tama siya bakit ko ba kailangan ko 'yon tanungin? Ang importante ay inalis niya ako sa lugar na 'yon at niligtas na rin.. Saka ko na lang siguro tatanungin kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko. Masayang nakasunod na ako sa kanya papasok sa loob may sumalubong agad sa kanya na dalawang babae at yumukod sa kanya. Napatingin sila sa akin na may pagtataka sa kanilang mukha. "Bagong katulong ka ba ni, Sir?" Tanong nitong babae na parang kaedad lang niya at hanggang balikat ang buhok nito, yung katabi naman niya ay mukhang mas matanda sa amin. "H-Hindi ko po alam." sagot ko na lang dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang ganap ko dito. Napatango sila sa akin at muling bumalik itong lalaki at hinarap ang dalawa. "Dalhin niyo siya tabi ng kuwarto ko at dalhan siya ng mga gagamitin para makaligo siya." Matapos nitong magutos ay muli itong naglakad at umakyat sa hagdan, napapangiting hindi sila makapaniwala ng tingnan nila ako. "Sabihin mo nga ano ka ba ni, Sir Anthony? Aba, ngayon lang yan nagdala ng babae rito at dito na patitirahin. May mga nagpupunta dito na mga babae ni Sir, pero hanggang doon lang." Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi nila dahila ang pangalan ng taong nagligtas sa akin ang tanging nasa isip ko. Anthony, yon pala ang pangalan niya. Salamat ulit, Anthony. "Halika na nga mukhang wala ka naman sa sarili eh." Natatawang sabi nitong maikli ang buhok. "Ikaw talaga Gema, syempre baka naguguluhan at ang daldal mo kasi kaya ganon." sabi naman ng isa at mahinang tinampal siya sa ulo. Napangiti naman ako sa kanila dahil mukha naman pala silang mabait. "Sandali ba't ganyan ang itsura mo saan ka ba nagsuot at ganyan ka karumi? At ako nga pala si, Linda at ito si, Gema." Ngiting pakilala nila sa akin. "Mahabang kuwento saka na lang, Gema at Linda." sagot ko habang paakyat na kami sa itass. "Siya sige, maligo ka na at linisan mo mabuti ang katawan mo. Kailangan gumanda ka ah." nakangising sabi ni, Gema. Iniwan na nila akong dala at mas lalo akong napahanga sa ganda ng loob ng kuwarto, dati sa t.v ko lang ito napapanood ngayon narito na harapan ko. Naglakad ako at tiningnan ko ang paligid, hanggang sa makarating ako sa malaking banyo na parang may maliit na swimming pool na kulay puti at may bula-bula siya sa ibabaw. Hinubad ko ang lahat ng damit ko at lumusong ako agad doon sa may tubig na parang ang bango-bango dahil. Medyo nilamig ako dahil isang linggo na ako mahigit na hindi naliligo. Talagang pinagsawa ko ang katawan ko sa paghilod at pagsasabon ng paulit-ulit sa buong katawan at pag-shampoo ng ilang beses. Nag-toothbrush rin ako ng ilang ulit. Umahon ako at nagpunta ako sa shower at doon muli kong binasa ang buong katawan ko. Medyo nangayayat ako dahil sa walang sustansya ang nakakain ko at kung minsan ay wala akong makain. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilaan kong mata at napahilamos ako dahil ayoko ng isipin pa 'yon. Pero nanlaki ang mata ko pagharap ko sa may pinto dahil naroon si Anthony nakasandal habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko malaman kung paano ko itatago ang hubad kong katawan dahil sa titig na titig siya sa akin. "Tama nga ako, maganda ka. Bunos na  ang sexy mo na katawan." Iba ang dating ng pagkakasabi na niya na yon dahil sa mga mata niyang parang si Daniel Padilla kung makatitig sa'yo. Para kang malulusaw. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakalapit na siya sa akin. Naamoy ko ang mabangong amoy niya, balak kong takpan ang kahubaran ko ngunit pinigilan nito ang kamay ko. Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng lumapat ang palad nito sa basang bewang ko. At sinandal niya ako sa tabi ng shower. "Nakita ko na lahat, hindi mo na kailangan 'yan takpan. Soon, i claim this." Napapikit ako ng damahin nito ang ibaba ko at umakyat ang kamay nitong isa sa mayaman kong dibdib. Nakuryente ang buong katawan ko, nalanghap ko rin ang mainit na hininga nito na malapit na ngayon sa labi. Napadilat ako at sinalubong ko ang mata niya, hanggang sa bumaba ang labi nito sa labi ko. Saglit na dumampi lang 'yon sa akin at naramdaman ko na mas lalo pa siyang dumikit sa katawan ko. "M-mababasa ka." sabi ko sa kanya at yumuko siya at bahagyang lumayo. "Mas gusto ko ang basa." seryosong may kahulugana na sabi niya at tumalikod na. Naiwan akong natitigilan at parang nanghihinang napakapit ako sa tubo ng shower. Ano ba tong nararamdaman ko, bakit parang ang rupok-rupok ko? Ganon ka talaga Shiela. Kaya nga na-virginan ka agad ng boyfriend mo. Pero atlest one time lang 'yon, pero hinahanap-hanap mo pa rin naman.  Napailing na lang ako sa pagkusap at pagtatalo sa isip ko. Lumabas na ako ng banyo suot ang bathrob na nakasampay dito at sinilip ko pa baka naroon siya at naghihintay sa akin. Ngunit wala siya doon, kaya nagtuloy-tuloy na akong lumabas, napansin ko agad ang kulay pulang damit na nakalatag sa higaan at pares ng mataas na sandals. Dinampot ko ang damit na nasa ibabaw at mayamaya'y, teka nasaan ang panty at bra? Tanong ng isipan ko dahil tanging ito lang ang nandito sa higaan ko, hinanap ko pa pero wala talaga. "Shiela ba? Bilisan mo raw aalis na kayo ni Sir." Napalingon ako at si Linda pala 'yon. "Teka, Linda. Wala bang bra at panty to?" takang tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam eh, iyan lang ang pinadala ni Sir. Baka gusto niya wala kang kahit na anong suot sa loob." sabay bungis-ngis niya. "Sige na bilisan mo na." lumabas na ito. "Walangya, ngayon na nga lang makakapagsuot ulit ng bagong panty at bra wala pa?" mahinang sabi ko at balak ko na itong isuot ngunit bumukas ang pinto. Pumaso si Anthony na salubong ang kilay at nakapamulsang sumandal sa pinto. "A-a, sa-sandali, magbibihis na ako." Natatarantang sabi ko at napailing na lang ako at hinayaan na bumagsak ang bathrob na suot ko. Halos hirap akong isuot ang damit dahil kita ang likod at pati rin sa harapan, mabuti at may padding ang dress na 'to kaya pala hindi na kailangang mag-bra. Pa-simple na tiningnan ko siya na nakatayo lang doon habang pinagmamasdan ang ako. Matapos 'yon ay umupo ako sa kama upang maisuot ang high heels na 'to, hindi kaya ako sanay sa ganito kataas goodluck sa'yo Day. Hirap na hirap akong isuot ito, hanggang sa makita ko na lumakad si Anthony at kinuha sa kamay ko ang sandals at sinuot niya ito sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, sumunod ang isa pang sandals. Halos pigil ang paghinga ko sa dahan-dahan na pagsuot niya at umakyat ang kamay nito paakyat sa hita ko. Napakapit ako higaan dahil sa ginawa niya. Matapos 'yon ay huminto ang kamay nito sa itaas ng hita ko at inalis na niya ito. Hinatak niya ang kamay ko at halos masub-sob ako sa dibdib niya. "Ayusin mo na ang buhok mo at ang mukha mo, hihintayin kita sa baba." Napatango na lang ako sa kanya at lumabas na ito, ito na naman nanlalambot na naman ako dahil sa ginawa niya. Humarap na ako sa salamin at ginamit ang mga make -up doon, ito ang talent ko na alam na alam ni Anne, magaling akong mag-make up. Sinimulan ko na ang pag-aayos sa mukha ko at ng matapos ako 'ay lumabas na ako ng kuwarto. Dahan-dahan pa ako sa pagbaba ko dahil baka matapilok ako, natigil ako sa pagbaba dahil naroon si Athony at titig na titig siya sa akin at ang lakas ng dating nito sa ganon itsura niya. Muntikan pa akong madulas dahil sa maling hakbang ko dahil sa pagtingin rin sa kanya. Napansin ko na napangiti ito kaya napangiti na lang din ako, ng malapit na ako sa baba ay lumapit ito at kinuha agad ang kamay ko at inangkla sa braso niya. "Mas maganda ka ngayon at hindi na ako makapaghintay na maangkin ka." Nanoot sa buong katawan ko ang sinabi nito at naghalo ang kaba at excitement na hindi ko maintindihan, pero isa lang ang alam ko sa sinabi niya. Aangkinin niya ang katawan ko, pero hindi na ako virgin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD