CHAPTER 4

1585 Words
AN: Kamusta si Anthony? Malibog na cool ba? Hahaha. Gusto kong magkaibang personalidad nila ni Steven. Pero hayop sa kama. ------------- Masakit ang ulong nagising ako at dahan-dahan na bumangon. Tahimik dito sa kuwarto at natigilan ako dahil wala akong damit. Saka ko naalala ang nangyari sa amin ni Anthony kagabi. Nakakahiya ang rupok ko talaga kahit kailan. Hindi ko tuloy alam kong paano ako haharap sa kanya. Hanggang ngayon damang-dama ko ang nangyari sa amin, ang haplos niya at 'yung pag-angkin niya sa ibaba ko na hindi ko naranasan sa unang s*x namin ng syota ko. Tumayo ako upang maligo para mawala ang sakit ng ulo ko natigilan ako dahil may bakas na konting dugo sa sapin. Masakit talaga no'ng bigla niyang pinasok sa loob ko dahil seventeen pa lang ako noong na-virgin ako, ngayon magbebente uno na ako nito. Hinayaan ko na lang at nagpunta ako sa banyo, sarap na sarap ako sa lamig ng tubig at parang ayokong umalis doon. Mayamaya'y lumabas na ako at nagtapis ng tuwalya at muntikan na akong mapasigaw ng makita si Anthony, bagong ligo rin ito at gwapong-gwapo sa itsura nito. "Mabuti naman at lumabas ka na, bilisan mo aalis tayo." sabi lang nito at tumalikod na. Bakit parang ang lamig naman ng pakikitungo niya? Parang kagabi lang ay sarap na sarap siya sa akin. Pinagsawalang bahala ko na lang ang nasa isip ko at napansin ko na may paper bag sa ibabaw ng kama. Tiningnan ko ito at nakitang damit ang laman, may bra at panty. Pantalon na dinem at isang bluse, may flat na sandals rin sa sahig. Mas mainam pa na ganito ang suot ko kaysa sa kagabi na parang panggahasa ang suot ko. Namangha ako dahil lahat ng 'yon ay kasya sa akin mukhang magaling siya kumuha ng sukat. Baka sanay na talaga siya dahil marami nga daw siyang babae sabi ni Gema at Linda. Tinali ko lang paitaas ang buhok ko at nagpulbos saka manipis na lipstick, matapos yon ay lumabas na ako kuwarto. Akala ko naroon ulit si Anthony sa baba ng hagdan at hinihintay ako pero wala siya doon kaya medyo nalungkot ako. "Ang ganda naman ng babae na 'to, parang kahapon lang ay para kang taong grasa. Ngayon diyosa na, sana all." natatawang puri ni Gema. Napatawa na lang ako sa sinabi nito dahil totoo naman ang sinabi niya dahil mukha na talaga akong taong grasa no'n. "Nandoon na pala si Sir sa labas puntahan mo na lang siya doon at mukhang naiinip na." sabi pa nito ulit at nakangiting umalis na. Naglakad na ako palabas at nakita ko nga nasa gate na ang kotse ni Anthony at kita ko sa side mirror ang seryoso niyang mukha. Nagmadali na lumapit na ako at binuksan agad nito ang pinto at pumasok na ako, tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung kami pupunta pero wala akong balak na magtanong. Hanggang sa huminto kami sa isang spa & dermatologist nagtataka man dahil mukhang mamahalin ang lugar na 'yon. Nailang na sumunod ako kay Anthony papasok sa loob at binati siya ng mga stuff doon. "Good morning sir." "Gawin niyo ang mga dapat na gawin sa kanya, mas pagandahin niyo pa 'yan." seryosong sagot nito. Nalilito na napatingin ako sa kanya habang umupo ito sa bakante na sopa doon. Inakay naman ako sa loob at dinala sa isang kuwarto, tulad ng mga nakikita ko sa mga artista na kung ano-ano ang ginagawa sa mukha ko at sa balat ko. Paglabas ko ng silid ay pakiramdam ko parang napakalinis ng mukha ko at ang kinis. Nakita ko na mataman na pinagmamasdan ako ni Anthony pagkakita niya sa akin. Bitbit ko ang mga gagamitin ko raw sa pang araw-araw tulad ng mga cream, toner mga ganon. Muli kaming lumabas at sumunod ay sa isang botique kami ng mga damit nagpunta, siya ang pumili ng lahat ng mga damit ako ay nakaupo lang sa malambot na sopa. At karamihan sa mga kinuha niyang damit ay puro panggahasa na naman. Ang daming paper bag ang dala ng mga stuff dito at sumabay sa amin paglabas. Nilagay lahat ng mga damit sa kotse, muli ay tahimik na kami sa loob ng kotse. "Nagugutom ka na ba?" Maya'y baling nito sa akin. "Hindi pa naman gaano, may pupuntahan pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya at tumango ito. Hanggang sa huminto kami sa isang sementeryo ngunit hindi ito katulad na nakikita ko sa mga palabas na maganda. Dahil lumang sementeryo na ito at parang wala ng nag-aasikaso dito. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito o sino ang dadalawin niya. Inaalalayan niya akong humakbang at sumampa sa mga nitso, firstime ko makarating sa ganitong sementeryo na halos wala ng madaanan. Sa probinsya namin hindi naman ganito kasikip. Huminto na kami at parang may kung anong hinahanap sa paligid si Anthony, may dinampot itong putol na sanga at tinanggal ang mga basura hanggang sa luminaw na ito at may pangalan akong nakita. Hermenia Suarez. Oh my! Mama niya? Ibig sabihin wala na pala siyang mama, paano naman ang ama niya nasaan na kaya? "Sampung taon ako ng mamatay ang nanay ko sa sakit na t.v, nahawaan siya ng papa ko. Dahil lagi niyang sinasabayang uminom ang papa ko huwag lang umalis lagi ng bahay." Hindi ako sumagot at hinayaan ko siyang magsalita pa, mahirap rin pala ang pinagdaanan niya. "No'ng edad ko ay labing siyam. May umampon sa akin na isang napakayaman na lalaki at isang bigatin na boss." Muling kuwento niya at nangaling rin pala siya sa hirap at napakasuwerte niya dahil inampon siya ng lalaki na sinasabi nito. "Nasaan na yung sinasabi mo na umampon sa'yo? Hindi ko ata siya sa nakita sa bahay mo?" Tanong ko at narinig ko ang mahinang palatak niya na nakangiti. "Ayon nag-asawa na nakatagpo ng isang babae na kayang iwan ang lahat ng kasanayan niya. Pero ako, malabo pa siguro mangyari 'yon." sagot nito at namulsa. "Ang swerte naman pala ng napakangasawa ng umampon sa'yo." sabi ko at naging seryoso uli ito at hinawakan na siya sa kamay. "Halika na baka nagugutom ka na." aya na nito. Napasunod na lang ako sa kanya habang inaalalayan akong maglakad at sumampa sa mga nitso na dinaanan namin kanina. Paglabas namin ay maraming bata ang nakasilip sa binta ng kotse niya at paikot-ikot, pagkakita sa kanila ay agad na nagtakbuhan ito palayo. Napakamot sa sentido si Anthony pagakita sa mga bakas ng kamay ng mga bata, pinapasok na niya kami sa loob ng matigilan kami. "Hindi ka na nga nakakatulong sa akin tumakas ka pa doon sa kay Mr. Vicente, talaga bang binibigyan mo ako ng kahihiyang babae ka! Ha!" "Tama na tay, ayoko talaga sa gusto mo. Matanda na yon para sa akin, bakit hindi niyo na lang ako hayaan na maghanap ng sarili ko?" "Melissa?" Narinig ko na mahinang sambit ni Anthony at agad itong lumapit doon sa mag-ama na nagtatalo at halos kaladkarin ang babae. Sumunod rin ako kay Anthony at nakita ko na humugot ito ng baril at mabilis na hinatak babae doon sa ama at tinutukan ito ng baril. "Hoy! Taran- Anthony?" Natigilan ako dahil kilala siya ng lalaki at yung babae ay hindi makapaniwalang nakatingala sa kanya. Sumunod ay napatingin ito sa akin at biglang yumakap kay, Anthony. May kirot akong naramdaman sa puso ko. "A-Anthony, ikaw ba talaga 'yan?" Hindi naman sumagot si Anthony habang nakayakap sa bewang nito. "Hayop ka! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago, umaasa ka lang sa iba lalo na sa anak mo. Ito ang pera, akin na itong anak mo." Tulalang napatingin ako sa nagkalat na lilibuhin sa lupa habang pinupulot ito ng lalaki. Matapos 'yon ay hinatak nito ang babae papunta sa loob ng kotse. Naiwan akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ako dito at nakatingin lang doon sa kotse. "Ano pang ginagawa mo diyan!?" Singhal na tawag nito. Napalakad naman ako bigla at binuksan ang pinto ng kotse ngunit nandoon nakaupo 'yung babae, kaya doon na lang ako sa likod umupo at siniksik ang sarili sa mga pinamili namin kanina. "Salamat at nilgtas mo ulit ako, lagi ka talagang nariyan para sa akin. Hindi ako makapaniwala na ikaw na yan dahil mas lalo kang gumawpo at mukhang maganda na ang buhay mo 'di tulad ko na ganon pa rin." Nakikinig lang ako sa kanila at pakiramdam ko hindi nila ako kasama lalo na si, Anthony. "Wala 'yon ginawa ko lang ang dapat dahil sa ama mong walang kuwenta." Wika ni, Anthony. "Sinabi mo pa hindi talaga siya nagbabago at mas lalo pa siyang lumala dahil kung kani-kanino na lang na mayamang lalaki niya ako dinadala kahit mukhang lolo na." "Wala talangang utak ang ama, hayaan mo hindi na yan mangyayari ulit sa'yo. Doon ka na sa akin titira simula sa araw na 'to." Nakita kong namilog ang mata ng babae sa tuwa na bagay na kinalungkot ko na hindi ko maintindihan. "Talaga ba? Nako, salamat talaga Anthony. Hayaan mo at kung ano maitutulong ko ay gagawin ko para sa ginawa mo sa akin." "Hindi ko kailangan ng kapalit, kaibigan kita kaya kita tinulungan saka babae ka." Biglang yumakap muli itong babae sa braso ni Anthony at napapatingin na lang ako sa ibang direksyon. Pero ang mas kinagulat ko ng halikan niya si Anthony sa labi. Nakita ko na nagulat ito sa ginawa ng babae sa kanya. "Oh? Huwag mo sabihin na hanggang ngayon ay naninibago ka pa rin sa akin? Dati ko naman yang ginagawa sa'yo noon." sabay tawa nitong babae, napailing na lang si Anthony. Pinili ko na lang ipikit ang mata ko dahil sa hindi ko alam ba't ganito ang nararamdaman ko naiinis ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD