KABANATA 2

1685 Words
Kabanata 2. Sa city ng Zakar City, status and wealth are the most important thing. Kaya hindi na nakakapagtaka kung lahat ng imbitado sa banquet party ay mga wealthy families lamang. I heard na may kumalat na pagkakaroon ng banquet party sa isa sa mga wealthy families. It could be one of them. There are three major wealthiest family and well-known in the whole country. The Razylve Family, Azerron Family, and lastly the Verasian Family. However, hindi lamang sila kilala dahil sa kanilang impluwensiya at kapangyarihan. They are also known for the three kingdoms ruled by them, the Rasvan Kingdom, the Azelion Kingdom, and the Halrion Kingdom. Each kingdoms are different and notable. The Razylve Family who domain the Rasvan Kingdom which had always withstand their noble name and status in the country. Same as well for the Azerron Family from Azelion Kingdom. Hindi din mawawala ang rivalry sa pagitan ng dalawang pamilya. Sa kabilang banda, magkaiba naman ang Halrion Kingdom sa dalawa. Unlike the two family, the Verasian family isn't kind of socialize and negotiable. Madalas din hindi sila nakikita sa mga banquet party or iba pang selebrasyon. Sa madaling salita, mahirap sila mahagilap. Katulad namin, may ability din ang tatlong pamilya pero walang nakakaalam kung ano ang ability ng Verasian family. Kilala ang aming pamilya dahil na din sa mapanganib naming kakayahan. Kaya namin pumatay sa pamamagitan lamang nito kung nanaisin lamang namin. Sa tatlong pamilya na 'yon, hindi na nakakapagtaka kung isa sa Razylve Family at Azerron Family ang magbubukas ng banquet party. After all, they are the most prone of opening such a party. However, I'm not really fond of associating myself with the other families. There is only one thing that I want. Simula noong nangyari ang araw na 'yon ay marami na ang nagbago sa akin. Nakatatak na sa isipan ko ang aking hinagpis at higanti. Kailan man ay hindi ko makakalimutan ang lalaking 'yon. It is his own fault why he should ended up miserable in grave. No one can kill him other than me. He's bound to die in my hand and take my wrath. Killing him would be my greatest sin that I could be over thrilled. After all, that man deserves eternal death for what he did. The only one big problem there is that there's no trace of that man nor any sign of clue. Ngayong araw ay balak kong umalis ng Imperial House at pumunta sa Zakar City para maghanap ng karagdagang impormasyon. Tungkol 'yon sa panghihimasok ng mga outsiders. Maaaring may ugnayan ito sa nangyari noon. Ayaw kong palampasin lamang ito. Agad akong tumayo at lumabas ng Imperial Library. I don't really fond of reading books ngunit ito lamang ang makakatulong sa akin lalo na't kung tungkol naman ang binabasa ko sa labas ng Imperial Empire na alam kong mapapadali ang layunin ko. Tuluyan kong nilisan ang Imperial House at hindi na nag-abalang magpaalam. Suot ang maitim na cloak ay sigurado akong hindi gaanong makakuha ng pansin sa iba ang mukha ko. Ang pinakamalapit na city sa Imperial Empire ay ang Zakar City. Kasunod nito ang Ressin Town. Nang makarating ako sa Zakar City ay bumungad na sa akin ang masiglang mga mamamayan na abala sa kanilang ginagawa. Kilala sa pinakamalaking city sa buong Zilton Country ang Zakar City kaya hindi na nakakapagtaka kung lahat ay maraming ginagawa. “Alam mo bang may panghihimasok na nangyari sa territory ng Zilvaed family?” “Kaya nga, hindi ata natatakot ang mga 'yon sa kayang gawin ng mga pamilyang Zilvaed. Alam naman nilang pinagbabawal ang mga outsiders kagaya natin ang pumasok sa loob ng teritoryo ng Zilvaed family na walang pahintulot sa kanila.” “Kalunos-lunos naman ang pwedeng kinahihinatnan ng mga taong 'yon kapag nahuli sila ng Zilvaed family.” “Kilala pa naman ang pamilyang Zilvaed sa mapanganib nilang abilidad. Sigurado akong walang sinasanto ang bawat pamilya nila.” Napatingin ako sa dalawang babaeng nag-uusap sa kabilang gilid. Sa itsura at pustura pa lamang nila ay makikita na ang pagiging banayad sa galaw at elegante sa suot nilang damit. “Miss, bili na po kayo ng aking tinda.” Nawala ang aking atensyon sa dalawang babaeng nag-uusap sa tabi. Napatingin ako sa isang batang lalaki na tumawag sa akin. Hawak nito ang may laman na basket. Tinignan ko ang dala nitong basket. Laman doon ang kumpol na red apples. “Magkano ang isang mansanas?” nakangiti kong tanong dito. Namula naman ang mukha ng batang lalaki na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang pa lamang. Dahil sa matangkad ako dito ay madali nitong makikita ang aking mukha. Nakatingala ito sa akin habang nakatitig. Ngunit agad din naman ito nanumbalik at umiwas ng tingin sa akin. “Ehem. Limang tanso na lamang po ito para sayo, miss.” “Pero magkano ang tamang presyo ng isang mansanas?” tanong ko ulit dito. Kita ko naman na nadala ito sa sinabi ko. “Walong tanso,” hindi makatingin na sagot nito sa akin. “Sige, bigyan mo ako ng dalawang mansanas. Ano nga iyong ngalan?” tanong ko pa dito. Gulat naman itong nag-angat ng tingin sa akin. “Ako? Renz po ang aking ngalan.” sagot niya ng makabawi sa gulat. Napatango naman ako. “Kung ganoon, Renz ito ang aking bayad.” ani ko sabay lahad ng isang pilak. “Pero wala po akong panukli sa isang pilak, miss.” nakatungo at nahihiyang usal nito sa akin. Alam ko naman 'yon dahil isang libong tanso ay katumbas ng isang pilak at isang libong pilak naman ay katumbas ng isang ginto. “Sayo na ang sukli, Renz.” nakangiti kong ani dito. Gulat naman ulit itong nag-angat ng tingin sa akin. “Ngunit, sobrang laki po ng iyong binayad at mura lang po ang aking tinda.” gulat pa nitong sambit sa akin. “Inuulit ko, sayo na ang sukli.” usal ko pa. Kumunot naman ang aking noo nang makita kong lahat ng tinda nito ay binalot niya. “Bakit lahat ay binalot mo, Renz? Dalawang mansanas lang ang hinihingi ko,” “Malaki po talaga ang isang pilak na binayad niyo sa akin at hindi ko po maaaring kunin ko lamang ito kaya lahat na lang po ng mansanas ay ibibigay ko po sa inyo,” usal nito. “Hindi ko kailangan ng sukli, Renz. May natitirang pilak pa naman ako dito. Gusto mo bang malaman ang aking ngalan?” usal ko sa bata. Mabilis naman tumango si Renz sa akin. “Pero dalawang mansanas lang ang kailangan ko, maaari ba iyon?” suhestiyon ko dito. Pumayag naman ang bata sa bandang huli. Napangiti ako at yumuko upang lumapit sa batang maliit na si Renz. “Amara Zilvaed,” mahinang usal ko dito. Namutla naman ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Tinapik ko lang ng mahina ang pisnge nito sabay kuha ng dalawang mansanas at inilagay ang pilak sa loob ng basket nito. Napatawa na lang ako sa reaksyon nito. Pailing-iling na lang akong iniwan siya doon habang hindi pa din ito nakakabawi sa pagkamutla. Kids these nowadays get easily scared. But they are super cute especially when their face get paled. Kinagat ko ang mansanas na aking hawak. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa tamis ng lasa nito. Naglibot-libot pa ako bago ako naghanap ng karwaheng masasakyan. Malawak at malaki ang Zakar City lalo na't malayo din ang patutunguhan ko kaya kinakailangan ko talaga ng masasakyan. Habang naglalakad ay nakarating ako sa isang field na malayo sa Zakar City. Naamoy ko kasi ang isang klase ng bulaklak na kilalang-kilala ko kaya sinundan ko lamang ito. Sa pinakagitna ay may nakatayong green house. Ngunit pansin ko ang limang lalaki na nagbabantay sa may labas ng green house. Nakasuot silang lahat ng itim na cloak at mask. Dahil na din walang kahit na sinong tao ang naliligaw sa lugar na ito kaya malaya silang magtanim ng mga red lilies. Ang Red lily ay isang uri ng nakakalason na bulaklak kapag inamoy at kinain ito kaya walang nagtatangkang lumapit sa red lily. Sa pagkakaalam ko ay nakakaya ng red lilies na mapahina ang buong katawan ng isang tao kapag naamoy lamang ito. Isa din sa mapanganib na klase ng bulaklak ang Red lily sa buong Zilton Country. Lumapit ako sa kanila at bago pa man sila makalapit sa akin ay mabilis na silang natumba ng sabay-sabay. Pinatigil ko lamang ang paggana ng isipan nila. Kailangan ko pang pumunta sa Ressin Town kaya naman ayaw kong magtagal pa sa lugar na ito. Ang ginawa ko lamang ay pinasunog ko sa sampung bandits na nakita ko sa malapitan. Matapos matupok ang buong greenhouse at binasa na rin upang hindi kumalat ang apoy ay agad ko din silang binayaran ng sampung pilak. Agad din naman akong umalis at bumalik ng Zakar City upang maghanap ng masasakyang karwahe patungo sa Ressin Town. Ilang minuto lamang at nakahanap din naman ako ng masasakyan. Umabot ng kalahating oras ang aming nilakbay bago kami nakarating sa outskirts ng Ressin Town. Bumungad sa akin ang tahimik ngunit masiglang pamumuhay ng bawat taong-bayan. Matatayog ang bawat gusali at matitibay ang mga bahay na gawa sa pavements. Masasabing walang pinagkaiba din ang Ressin Town sa Zakar City. Pagkababa ko sa karwahe ay napansin kong may nagmamatyag sa akin. Maaaring may intensyon ito sa akin. Pinabayaan at hindi ko na lang ito pinansin. Pero bago iyon, inayos ko muna ang aking cloak para iwas pansin. Nagpatuloy akong naglibot sa paligid hanggang sa mapansin ko ang nagtitinda ng pagkain. Sa harapan nito ay doon nahanap ng aking tingin ang nakalikod na lalaking nakasuot ng kapa. Rumehistro agad sa aking isipan ang mukha ng isang lalaki. The mysterious man that is miles away and that is the dangerous commander. Zarektrion Viserion. The most dangerous and powerful commander in the Imperial Empire. The man who is cold-blooded and keen. The man who flee the people from poverty and the man who destroyed most of the war in the repute of Zilton Country. The man that everyone's praises and the man who is irksome.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD