NATIGILAN si Dyna nang makita kung sino ang kanyang bisita. Siya lamang mag-isa sa bahay ni Arwin dahil umalis ito. Tinalo niya pa ang nakakita ng multo. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang lola ng asawa. Bigla siyang nakadama ng takot. Pinasadahan siya nito ng tingin mula paa hanggang ulo. Nakakapanliit ang mga titig nito. "Hindi mo ba ako papapasukin sa bahay ng apo ko? Ikaw ba ang bagong maid?" tanong sa kanya nito kaya hindi siya nakakibo. "Pasensya na po kayo. Sige po, pumasok po kayo," sagot niyang niluwagan ang gate. Nagkataon pa na walang maid ngayon araw at wala rin si Mang Nilo kaya siya talaga ang magbubukas ng gate. Taas noong pumasok ang matanda sa gate. Nakakatakot ito kung tumingin. Kung pwede nga lang na magpakain siya sa lupa ay ginawa niya na makaiwas lamang

