NAGULAT pa si Yaya Saling nang makita siya. Isinama na ito ni kanyang abuela sa Maynila simula nang mamatay ang kanyang Mama Rita. Nilapitan siya ng matanda ay niyakap siya ng mahigpit. “Kumusta ka na?” tanong pa nito sa kanya nang kumalas sa pagkakayakap sa kanya. “Hindi ko man lang nakita ang Papa mo sa huling pagkakataon. Ayaw kasi ng Lola mo na pumunta ako,” maiyak-iyak nitong wika sa kanya. “Okay lang ya, maiintindihan ka naman ni Papa,” sagot niya rito. “Nasaan si Lola?” tanong niya. “Nasa office niya,” sagot pa nito sa kanya. “Pupuntahan ko lang, aalis din kasi ulit ako.” “Bakit? Babalik ka ulit ng probinsiya?” tanong pa nito. “Hindi yan, may ginagawa kami ngayon ni Hendrix na trabaho at kailangan namin pag-aralan,” sagot niya pa. Sandali siyang nagpaalam dito at pinuntahan

