HINDI alam ni Arwin kung ano ang sasabihin niya kay Dyna, kung paano niya sasabihian na may seventy percent itong minana mula sa kanyang ama samantalang sya ay thirty percent lang. Kahit gustong-gusto niyang sabihin dito ang totoo ay hindi niya magawa. Kilala niya naman si Dyna, hindi ito mukhang pera kagaya ng naisip niya noon. Mabuting babae ito at saksi siya dun. Kahit na ang limang milyong ibinigay niya rito ay hindi pa rin ito nagagalaw sa bangko. Ito ang babaeng papangarapin mong makasama habang buhay—-iyon nga lang ay iba ang sitwasyon nilang dalawa. May mga bagay siyang hindi niya kayang ipagtapat dito. Kung tutuusin ay mas mayaman pa sa kanya si Dyna ngayon. Kahit na pagsamahin ang one hundred percent na pera ng kanyang ama ay hindi niya pa rin mapapantayan ang yaman nito… Ang g

