NAPANGITI na lamang si Dyna dahil sa kanilang ginawa ni Arwin. Hindi niya naman gawain yun pero pagdating kay Arwin ay hindi niya natatanggihan ang mga gusto nito. Oo, obligasyon niya iyon lalo na at pinakasalan lamang siya ng lalaki dahil sa kanyang kasalanan sa pamilya nito. Isa lang naman ang dahilan niya kaya niya sinusunod si Arwin. Kailangan niyang magbayad ng utang na loob sa lalaki. Pumayag itong wag siyang makulong kahit na wala naman siyang kasalanan iyon nga lang ang kapalit ay ang maging asawa niya. Para sa kanya okay na rin naman na ang buhay niya kay Arwin lalo na at natutupad niya na ngayon ang kanyang pangarap. Makakapagtapos na siya sa kanyang pag-aaral at ganun din si Dino. Higit sa lahat ay may perang ibinigay si Arwin sa kanya. Kung sx lamang ang habol sa kanya ng lalak

