HINDI malaman ni Dyna na nakatulog siya pagkatapos ng nangyari sa kanila. Paggising niya ay wala sa tabi nya si Arwin. Napatingin siya sa oras, alas tres na pala ng hapon at tatlong oras siyang makatulog dahil sa pagod. Bigla siyang nag-alala na baka bumalik na ng Maynila ang lalaki. Hindi niya man lang na natanong kung magtatagal ba ito sa San Nicolas o babalik din kaagad lalo na at may kasama pa itong iba. Ayaw nya naman itong pigilan na umalis dahil wala siyang karapatan para gawin iyon pero sa kabilang bahagi ng kanyang puso ay ayaw niyang umalis ang lalaki. Ayaw niyang iwan siya nito. Pakiramdam niya kasi ay may kulang kapag wala ito sa kanyang tabi… Nalulungkot siya at aminado siya roon pero sino nga ba siya para pigilan ito? Asawa nga siya pero hanggang kama lamang ang kanyang obli

