Patuloy ang magiging diskusyon ng Council sa naging mungkahi ni Council Hiroshi. Hati ang Council sa naging suhestiyon ni Council HIroshi. Ang tatlo ay sasang-ayon na subukan nang ipadala si Zeke sa isang maliit at normal na misyon, ung saa chimera lamang ang haharapin. Ang iba pang tatlo, kasama na rito si Council Emilio at Council Elvera ay tutol dito dahil sa tingin ng mga ito ay hindi pa talaga handa si Zeke na humarap sa labanan. At kung isasama sa bilang si Council Hiroshi, magiging apat na ang sang-ayon. Lamang ng isang boto kumpara sa hindi sang-ayon. Ngunit, mabuti na lamang at si Council Emilio ang magdedesisyon sa huli basi sa opinyon ng mga miyembro ng Konseho. Si Council Emilio ang magtitimbang ng dalawang kampo. Oo nga’t mabilis na matuto si Zeke at madali niyang natututunan

