Makukuha ng mga larawan na iginuhit gamit ang magkakaibang kulay na pintira ang pansin ni Zeke habang sila ay maglalakad sa pasilyo papunta ng Council Hall. Mahaba ang hallway patungong Council Hall at nasa pinakaitaas na palapag ng gusali ito. Marami ang nakasabit na larawan sa magkabilang dingding ng hallway. Pagkalabas pa lang mula sa elevator ay bubungad na agad ang pinakaunang painting na nasa tabi. Kukunot ang noo ni Zeke sa bawat painting na matatapunan ng kanyang tingin. Maguguluhan siya sa mga nakapinta sa bawat litrato na nakasabit. Halos lahat kasi ng nakaguhit ay tila tungkol lahat sa digmaan. Ang digmaan na wala pa siyang kaalam-alam kung kelan nangyari at kung paano nagsimula’t natapos. May painting na nakikipaglaban ang ilang Dream Walkers sa Night Terrors. Marami siyang ma

