Didilim ang mukha ni Xenon matapos nitong marinig ang boses ni Zeke lalo pa nararamdaman sa boses nito na tila nasasaktan ito, at nasa hindi maayos na kalagayan. Hindi niya maiwawaksi sa kanyang isipan na nahihirapan ang mahal niya kahit boses lamang nito ang kanyang narinig. Kilalang-kilala niya si Zeke sa bawat maliit na detalye nito. Kaya nakakasigurado siya na hindi siya nagkakamali sa mga isipin na pumapasok sa kanyang utak. Maririnig mula nina Xenon at Ford ang malakas na pagsigaw ni Zeke. Sa pagkakataon na ito, mas ramdam ang sakit at paghihirap sa boses nito. Hindi lubos maisip ni Xenon kung ano ang nangyayari sa mahal niya at kung ano ang ginagawa ng mga Night Terror kay Zeke. Mapapamura si Xenon sa loob ng kanyang isipan at sa sarili. Tila unti-unting hindi gumagana ang kanyang

