NAGISING. Si Leigh sa sunod sunod na katok nakatulog siya sa sofa ng makaalis ang Mr. Zorro na yon .
Kahit mabigat ang kaniyan katawan ay pinilit parin nito tumayo dahil sa totoo lang gusto pa talaga nito matulog na lang buong mag hapon. Nag lakad na lang siya papunta sa pinto Alam niyang hindi siya patutulogin ng kung sino man ang kumakatok sa pinto niya.
" Andyan na po... ano ba" nayayamot niyang Sabi. Pag bukas niya ng pinto ay tumanbad sa kaniya ang mukha ng kasintahan. Na si Mark may dala itong bulaklak.
" Hi!." Bungad nito sa kanya. Bago pa siya nakapag react ay hinalikan na siya nito sa pisngi. Napatuwid siya dahil nahihiya siya rito dahil birthday niya pero hindi siya nakapunta nang dahil sa kagagawan ng Mr Zorro na Yon.
"Mark?" aniya niya dahil hanggang ngayun ay hindi pa siya nakaka balik sa realidad tulog pa ang utak niya sa nangyari ngayun araw. Parang nakaka pagod isipin na sa isang araw lang ay daig pa niya ang nag shooting sa isang action movie sa Hollywood kasama Chris Evan. Bunga Diba.
" Babe. You look unhappy ng makita ako it's something wrong?. any bothering you?" Naka poker man ang mukha nito sa kaniya pero nandoon pa'rin ang pag alala. Bothering? Mayron ba? Yes, ba isasagot niya?
" No.. Nothing M-medyo sumama lang ang. Pakiramdam ko... Sorry di ako naka punta kanina. Pasok ka. " pang yaya niya sa kasintahan. Nakalimotan niya ibalik sa kusina ang mga gamit na ginamit niya sa stranghero kanina.
Nataranta siya nang lingonin niya si Mark ay sa labas pa ito nakatingin kaya nag madali siya lumapit sa table ng sofa niya para kunin yonng.
" May nag punta ba rito kanina?" tanong ng kasintahan. Napatigil siya sa pag lilinis ng ginamit nila sa sugat ng Mr Zorro na yon. Nilingon niya ito.
" Sino naman ang pupunta rito." pag sisinungaling niya. Nakita niyang nag kibit balikat lang ito. Naku konsinsiya siya sa kasintahan almost one year, na sila mag kasintahan pero ngayun lang siya nag sinongaling.
" Never mind come here Babe it's my birthday right let's celebrate.. " pag lalambing sa kaniya ng kasintahan.
" I'm sorry.. Happy birthday.. Mag luto na lang ako at dito na tayo kumain sa bahay.." alok niya para maka bawi naman siya sa kasintahan.
" Hmm.. I think that is good idea Babe.. "
Nag simula na siya mag luto ng adobong baboy at nag luto rin siya na mashaallah carry Indian food. Favorito kasi niya Yun.. Nakapag sain narin siya.
One hour luto na lahat. Nakalalay din sa kaniya si Mark.
Si Mark ang nag ayos ng maliit niyang. Mesa nag lagay ng mga Plato mga kurbiytos, bago niya nilagay ang mga niluto niya.
Pag katapos nila kumain siya na rin ang nag hugas ng kipag kainan nila. Nakaupo naman sa sofa si Mark naririnig niya itong may kausap sa cellphone.
" Anong Oras ba sila darating.? Nasa kaniya ba ang dragon gold?" ring niyang sabi ni Mark sa kausap hindi rin naman niya marinig kung sino yong kausap niya.
" Yes pero sigurado akong nasa kaniya ang Annex B. Kung nahuli siya ni Thunder ghost malalaman niya na hawak nito ang Annex B. " hindi naman siya sesmos pero nag tataka lang siya kung ano ang Annex B. Lumapit sa kaniya si Mark at napasinghap pa siya ng halikan siya nito sa pisngi at yumakap ito sa likoran niya.
" Aalis muna ako ngayon babalik ako ng Maynila may importante lang akong aasikasuhin. Pero babalik din ako agad" pag papaalam nito sa kaniya. Tumango naman siya. Hinatid na niya ito sa labas ng pintoan.
Nang makaalis si Mark naligo na lang siya at nag bihis gusto na lang muna niya mag-pahinga at matulog muli.
Nagising siya sa sunod sunod na ring ng kaniyang cellphone. Kinuha niya yon at di na tinignan kung sino ang tumatawag.
" Hello.." inaantok niyang sabi. Nakapikit parin ang mga mata.
"Hello Autumn? .." napadilat siya ng mata nang marinig ang boses ng kaniyang Mama na umiiyak. Umusbong ang kaba sa kaniyang dibdib dahil hindi iiyak ang Mama niya kung walang masamang nangyari.
" Mama.? A-anong nangyari asan si Papa." bumili ang pag t***k ng puso niya ayaw niya may masamang mangyari sa mga magulangniya. Kaya siya nag titiis na malayo sa kanila dahil alam niyang pinu-proteksyonan lamang siya ng mga ito. Malungkot man na malayo siya sa kanila pero kaya niyang tiisin wag lang mapahamak ang magulang niya.
"Autumn ang Papa mo hinuli siya ni Mr Brantley. Dahil sa utang ng Papa mo sa kaniya." humagulhul na ito. Nag alala siya sa Ina dahil may sakit ito sa puso pag masyado ito depress ay inaataki ito.
"MA. Calm down. baka kayo mapaano niyan Hintayin mo ako Ma uuwi na ako d'yan." Sabi niya tinignan niya ang orasan na nakasabit sa malapit sa pinto ng kaniyang kwarto. Alas kwatro na iyo ng madaling araw. Napahaba na pala ang tulog Niya.
Pag katapos nila mag usap ng Mama niya agad naman siya nag-impaki ng mga mahahalaga niyang gamit. Tumawag na din siya sa cebu airlines Para mag-book ng ticket. Kahit may kamahalan ang ticket pag rush ay okay lang makauwi lang. may pera naman siya pambili.
11:Am ng lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT. nag taxi siya pauwi sa mansion ng mga Rodriguez. Pero gaya ng dati nag papangap naman siya na kasambahay. Kaya kailangan pa niya mag sout ng lumang damit.
Kilala naman siya ng mayordumo nila dahil matagal na itong naninilbihan sa mga magulang niya.
" magandang araw Nanay Mila." magaling niyang bati sa may edad na babae.
"Leigh? Jusmiyo ikaw nga bata ka kumosta kana" masaya nitong sabi sabay yakap din sa kaniya. Wala itong anak or asawa dahil dito na ito tumanda sa mga Rodriguez.
" Ayos lang ako Nanay Mila kayo po lumosta naman dito." Namimiss din niya ito siya rin ang nag alaga sa kaniya noon mula nh pumasok sa illegal na negosyo ang papa niya ay si Aling Mila na ang tumayong nanay niya. Kaya tanging malalapit lamang nilang pamilya ang nakakaalam sa totoo niyang pag katao.
" si Mama po nanay Mila" lumingon siya sa bandang sofa na madalas imuupoan ng mga magulang pag napapa rito siya.
" Ah.. Eh.. Nasa ospital ang Mama mo Leigh sinugod namin siya kaninang umaga. Tatlong araw na ngayun hindi umowi ang Papa mo.." Para siyang binuhosan NG malamig na tubig. Mahal na mahal Niya ang magulang.
" Pupuntahan ko siya. Nanay Mila." nanginginig Niyang Sabi.
Pumonta siya sa kwarto Niya at naligo NG saglit at nag bihis NG simpling damit sanay na siya mag sout NG mga simpling damit. Naka Jean siya NG black at medyo kupas na at Naka white T-shirt at pinosod Niya ang mahaba Niyang buhok bagay na bagay sa kaniya pag nakapusod ang buhok Niya.
" aalis na po ako Nanay Mila." aniya Niya sa mayordumo nila.
" Dahil muna ito Leigh hindi kapa kumakain. Kahit ang Mama mo Wala pang kain Yun" Niya ni nanay Mila sabay niabot sa kaniya ang peperbag na may laman NG mga pag kain.
Nag Taxi Lang siya napunta sa Johnson medical hospital. Pero hndi siya bumaba sa tapat NG hospital bumili muna siya NG bulaklak Para sa mama Niya. Habang patawid siya sa kalsada at nakagitna na siya NG biglang sumulpot ang mga sasakyan at may tatlong motor na hinahabol NG limang sasakyan. Naalanganin na siya hindi Niya Alam Kung San siya tatak o pabalik ba or paderetso na Lang Naka helmet naman ang tatlong motor na Ducati mukha PA naman mamahalin ang mga motor.
Habang papalapit sa kaniya ang mga motor ay Lahat na yata NG Santo na tawag Niya. Ayaw PA Niya mamatay kailangan PA siya NG mga magulang Niya. Napayuko na siya habang nag dadasal. Imbes na lampasan siya NG isang motos ay umiikot ito sa kaniya at tumigil sa tabi Niya. Nakapikit Lang siya. Narinig PA Niya ang sunod sunod na putok at kalansing NG pestola nito.
"ride.. Hurry.." narinig Niyang Sabi NG lalaki NG hindi siya kumikilos ay hinila siya nito pasakay.
"kahit kailan ang bagal mo" napadila siya NG Mata NG marinig ang boses na Yun Si Mr Zorro. Agad naman siya sumakay. Pag kasakay Niya Ay mabilis nito pinalipad ang motor
" humawak ka NG mahigpit" rinig Niyang Sabi nito hawak parin niya ang peperbag na dala Niya naririnig PA Niya ang mga putok NG baril mula sa sasakyan na humabol sa kanila umikot NG umikot ang motor hanggang sa wala na siyang narinig na putok. Hindi Niya Alam Kung saan sila na punta nimulat Lang Niya ang kaniyang Mata NG huminto na rin ang motor.
" holy cow.. B-buhay PAba ako?" hmihingal Niyang Sabi nakita rin Niya ang dalawang lalaki na kasamahan nito pero hindi tinatangal ang sut na bonnet
Tinangal nito ang helmet Niya pero nakamask naman ito. Tumingin ito sa kaniya. Nakita na naman Niya ang maganda nitong Mata.
" Why are you here? Kailan ka dumating dito." tanong nito sa kaniya.