Kabanata 77 “Glenda...” manghang tawag din ni Tita Mads sa kaniya. Tila nanigas ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan siya. Agad akong napalingon kay Mama nang maramdaman ang nanlalamig niyang kamay. Tahimik lamang siya habang nakatitig kay Ma’am Glenda. They are staring at each other’s eyes like they forgot about us. Ang atensyon nilang dalawa ay nakatuon lamang sa isa’t isa. Ang mga mata ay hindi nagsisinungaling... alam ko iyon habang nakatingin kay Mama. Her eyes glistened while looking at Ma’am Glenda. Mixed emotions glittered her eyes, she really missed her. Pareho naming tinawag ni Tita si Ma’am Glenda ngunit ang mga mata niya ay kay Mama lamang nakadapo. Tila ba wala silang pakialam sa amin. “Ma...” marahang tawag ko ngunit hindi siya lumingon. Nakailang ulit pa ako kay

