Kabanata 13 “Zairo!” Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig ang tumawag sa kaniya. Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng isa sa mga photographer kanina sabay nagpeace sign. Akala ata ay nakakaistorbo siya kaya agad akong umiling. I gestured him to enter the room. Zairo immediately stood and walked towards him. “Why?” “Umuwi si Anthony kasi may emergency. Kulang ng photographer palitan mo na raw.” Mabilis na tumugon ng tango si Zairo. Hindi ko inalis ang tingin sa kanila habang patuloy silang nag-uusap. “Okay, sure. Wait a minute…” he glanced at me again. “You will go, Arthana?” “Hindi ako sure.” Zairo nodded as he went through the door. His eyes darted to me again for a while before finally going out. Napasandal ako dahil nakahinga nang maluwag. Mag-isa na rin ako sa

