Kabanata 17 Tulala ako sa patong-patong na libro at papel. A slow and relaxing music is playing but I still can’t focus. Bumuntong hininga ako sa pag-aakalang makatutulong iyon gaya ng dati. Tuwing may problema ako at mga iniisip ay nakikinig ako ng slow music lalo kapag need ko na mag-aral. It helps me to relax and focus to distract myself from problems. Pero iba ngayon, hindi pa rin ako mapakali pagtapos ng mga nangyari. “s**t,” bulong ko at ibinaba ang librong hawak. Nakauwi na ako kanina pang umaga rito sa condo ni Tanya. Hindi ko na nakausap pa si Mama dahil madaling araw pa lang daw ay umalis na sabi ni Tita. Pinatuloy lang din naman ako ni Tita na bumalik dito dahil mukhang nagkausap na sila Mama. Wala rin siyang ibang binilin pa sa akin o paalala. Palagi namang ganoon, walang

