Chapter 3– Heya
Roxy POV:
Paano ba, anong gagawin ko para hindi ako makasal kay Kerven.
And then a light bulb pop up on my head. Paano kaya kung tumakas ako bago ang araw ng kasal? O ngayon na? Kaso kung ngayon na hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral baka polutin ako ni kuya sa kariton
Oww, alam ko na. I will run away after the graduation day and before the wedding day!
But, they need us. Maba-bankrupt ang company nila kung hindi sila tutulongan nina mommy at daddy
O, pwede rin pagkatapos ng kasal ako ang aalis, edi walang kasalanan si Kerven at ang pamilya niya kung ako ang aalis walang magagawa sina mommy kung hindi ang tulongan parin sila
That's better.
But let me tell u a short story the reason why I hate Kerven Sturt Saldaver..
*
"Oy! Roxy, mamaya, ah pagkatapos ng klase sa likod ng skwelahan!" tumaas baba ang kilay ni Nika
"Oo, dadating ako tataposin ko lang 'tong isang sub. e c-cut ko na 'yong ibang subject!" Family friend kasi nina dad, at mom ang magiging professor ko sa next sub. kaya baka mahalata niyang wala ako. Isumbong pa ako non
"Sige, hihintayin ka namin.."
"Tirhan niyo ako ng pwesto!"
"Oo naman, sige!" sabay silang kumaway sa akin. In this time, hindi pa nila alam na anak ako ng may-ari ng paaralan na ito
Nagtakbohan sila palayo. Nays, ang boring naman kasi dito mas exciting parin kapag may thrill. Kakatapos lang din ng launch break namin
Napaatras ako ng pagharap ko nakita ko si Kerven nakatayo sa harapan ko at ang seryoso ng tingin niya sa akin
What is his problem?
"Excuse me.." sinubukan ko siyang iwasan pero hinigit niya ako sa braso pabalik
"What!?"
"Hindi ka mag c-cut ng class.."
"Pake mo? May pake ka ba?" naiirita kong tanong sa kanya
"Wala.."
Inismiran ko siya at nauna ng pumasok sa loob ng classroom, umupo ako sa tabi ni Glaizer
Buong discussion lumulutang ang isip ko, gusto ko ng matapos 'to. Kaya noong nag bell ako ang unang napatayo napatingin sila sa akin, bumalik ako sa upoan ko
Pagkaalis ng teacher tumayo ulit ako. May humatak sa akin pabalik sa pagkakaupo
"Ano.. ba!" sinubukan kong tumayo ulit pero hindi niya binitawan ang kamay ko
"Hindi ka nga sasama sa kanila!" natahimik ako lalo na ang buong classroom ng sumigaw siya
"Then why? Are you my father? Hindi nga nila ako pinapakialaman, eh.."
Sinubukan ko ulit tumayo pero kumuha siya ng tali at tinali ako sa upuan.
"Y-you! Let me go!" hindi niya ako pinansin at buong klase hindi na ako nakaalis sa upuan ko. Hindi niya ako kinalagan hanggang sa hindi nag-uwian.
"Mitch, help me.. Glaize," nagkunwari silang hindi nila ako naririnig
Sabi pa ng ibang teacher tama raw ang ginawa niya sa akin!
I will fired them to my school!
"Oh, ngayon ka umalis wala ng klase.." kinuha niya ang tali na nakapalibot sa mga kamay ko at nauna ng lumabas ng classroom
"Saldaver!"
*
Simula noon nakasanayan na niyang pakialaman ng pagbubulakbol ko. First year college kami niyan.
Nagsimula akong magbago noong grade 12 ako, matapos kong malaman ang isang sekreto, ang pagkawala niya at ang pag-iba ng turing ni ate sa akin
*
"Okay, class get a sheet of paper we will have a quiz, don't worry it just a 20 items from our previous lesson.." lahat ng mga cells ko na natutulog nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog nila
I bet, mapapahiya na naman ako nito kapag hindi ako gumawa ng paraan!
Tinignan ko ang mga na copy ko sa subject ng professor na ito, tinanong ko rin sina Glaizer kung anong topic. Halos mapatalon ako sa upoan ng makita na meron akong copy sa notebook
Pinasok ko ang notebook sa loob ng damit ko
I raised my hand to get his attention
"Yes, miss Luzminesma?"
"Ahm, sir can I go out? Mag c-cr lang?"
"Go ahead, bumalik ka agad may quiz pa tayo.." I smirk
Got you.
Pagdating sa cr, kinopy ko sa maliit na papel ang sa tingin kong itatanong mamaya sa quiz
An evil smile on my face
Kapag hindi tumitingin si sir tumitingin ako sa kodigo ko.
Mga nakalimang sagot palang ako may humablot na sa hawak kong papel halos himatayin ako sa takot na baka si sir iyon. Pero si Kerven lang pala
He crumpled the paper and throw it on the trash bin
"Makikita mong lalaki ka, mapapatay talaga kita!" dinuro ko siya
He just shrugged.
Kaya natapos na ang oras na binigay sa amin para sumagot wala na akong naisagot sa enumeration, hinulaan ko lang din ang mga sagot ko sa choices
I got 8
Fckyou!
First year college kami noon at kada cutting classes ko palagi niya akong pinapakealaman. Hanggang ngaton second year college na kami
*
Tell me! kung dapat bang hindi ako magalit sa hinayupak na iyon. Tapos siya pa ang papakasalan ko?
"Heya, nandito na tayo.." napatingin ako sa labas ng sasakyan
Luzminesma University
"Alright, bye.."
"Mag-ingat ka," humalik ako sa pisngi niya bago bumaba ng kotse
"I will, yaya."
Dumaan muna ako sa cafeteria para mag-coffe hindi ako nag-agahan. Bitbit ko ang kape at toasted bread naman sa kabila kong kamay naghanap ako ng bakanteng mesa
Nasaan na ba 'yong dalawang 'yon
Finally, nakahanap din ako ng mesa, solong-solo ko pa
Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakalagay ang binigay ni Kerven na engagement ring
I know it's just a plain gold but it's too expensive. Bakit hindi nalang siya bumili ng peke? Edi hindi pa nabutas ang bulsa niya, o hindi kaya ang binili niya nito dinagdag nalang niya sa pera nila para maiahon nila nang mga-isa ang company nila
"Can I seat? Unless your a selfish.." speaking of the good boy tinaasan ko siya ng kilay,
"Kung uupo ka, umupo ka sa kabila."
Pa epals din 'to eh
"Selfish ka nga.."
"Umupo ka na, fishtea.."
Nginitian niya ako ng malapad, linapag niya sa harap ko ang isang tray may dalawang drinks at dalawang plato na spaghetti
"Naiingit ka? sa'yo na 'yang isa,"
I rolled my eyes
"Miss Luzminesma, your lucky to have a wealthy family, you have your expensive clothes, things, and make up. You can eat more than 3 times a day, may kakayahan ang pamilya mong paaralin ka, sana maisip mong hindi lahat katulad natin, merong iba diyan na makakapag-aral lang sila kung magtatrabaho muna sila bago o pagkatapos nilang pumasok, para may mabaon sana maisip mong pahalagahan ang meron ka ngayon."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, unti-unti iyon pomoproseso sa utak at tumatagos sa puso ko
Maraming napapatingin sa mesa namin paano magkasama kami, ako na anak ng may-ari ng school, at siya na isa sa mga heartthrob dito. I didn't admit na gwapo siya sa paningin ko, it's just 'yon ang sabi ng mga nasa paligid ko, duh
"Hindi ko na kayang ubusin sa'yo na 'yang isang plato.." inusog niya 'yon malapit sa harap ko pati ang isang drink
Grr.. I'm craving for spaghetti!
"Sure?" tanong ko sa kanya
Tumawa siya ng malakas biglang uminit ang pisngi ko, napatingin din ang iba sa amin
Meron pang may kumuha ng picture noong tumawa siya, what a view
"It's yours, binilhan talaga kita.." kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago kinuha ang tinidor
"Why don't you ate your breakfast before going to school?" ang daldal talaga nito, napapanis ba laway niya kapag hindi siya nakakapagsalita?
"Paano mo na naman 'yan nalaman?" pinunasan ko ang gilid ng labi ko
"Pinuntahan kita, kaso hindi na kita naabotan kasi umalis ka raw nang hindi kumakain."
"So, pati pagkain ko papakealaman mo na rin?"
"It's my responsibility to take care of my fiancee-"
"Responsibility! I'm just a responsibility–"
"At gusto ko ang ginagawa ko, I want to take care of you. Let me finish, okay?" Tumayo siya at bumalik sa counter at iniwan akong nakanganga
What's going on with him?
At dahil hindi ko nakita kung nasaan na ang dalawang 'yon hindi na ako nakatakas kay Kerven. Sabay kaming naglalakad papunta sa room, I mean sa first sub. same course lang naman kami
Umupo agad ako sa upoan ko. Nandito na pala silang dalawa
"We're have you been?" inayos ko ang nagulo kong buhok ng dumaan kami kanina sa field, ang lakas ng hangin akala mo nasa beach ang paaralang ito
"Cafeteria.."
"With Kerven?"
"Uhh, yeah?" no need to lie, it's obvious
"Sana ol!"
"Hey, boo what's with that ring?" turo niya sa binigay na singsing ni Kerven. Automatic napatingin kami sa isa't-isa.
Should I tell them the truth?
"Huh?" nagkunwari akong hindi ko narinig ang tanong nila, sana wag na silang magtanong pa!
"Gusto mo pa tagalog? bakit ka may singsing? Anong meaning niyan!"
"'yan ba ang tagalog ng sinabi mo kanina?" supalpal ni Mitch kay Glaizer
"Epal mo naman,"
"Ano, Rox?" tinaasan nila ako ng kilay
"Uh, it's just a cheap ring.." suddenly a word slip from my mouth
Napatingin ulit ako kay Kerven. Nakita ko sa mga mata niya kung paano siya nasaktan sa sinabi ko, umiwas siya ng tingin sa akin
Omoo! did I hurt his feelings? I-I didn't mean it! Ayoko lang matukso ng mga kaibigan ko!
"Eh, bakit mo sinuot kung cheap pala?" tumunog ang upoan niya ng tumayo siya para umalis, padabog niya ding kinuha ang backpack niyang sumabit pa 'yon sa armchair
"Anong meaning, huh?" natahimik ang buong classroom dahil sa ginawa ni Saldaver na pagdadabog
"Fine, it's a pretty good ring and.." mabilis akong tumayo at hinabol ang palabas na si Kerven
Hinawakan ko ang kamay niya at sabay 'yon pinakita sa kanila "we're engaged, he's my fiancee."
Eat me, eat me Earth! ayoko na!
Their jaw dropped, specially Kerven. Glaizer and Mitchell then their eyes, twinkled
"Yieeee!"
"Ano? Kuntento ka na?" tanong ko sa kanya, hiyang-hiya na ako!
Ngumiwi siya sa akin pero hindi niya napigilan ang mapangiti kalaunan ay natawa siya
"Yup, my fiancee.."
"Ewan ko sa'yo," tinulak ko siya palayo sa akin at bumalik na sa upoan ko. Bumalik na rin siya
"Cheap pala, huh."
"Paano kayo naging mag fiancee?"
"Selos ka?"
"Tangina mo, nagtatanong lang!"
"Arrange married." In 2 words magbabago ang buhay ko
Hindi ako nakapag-cut ng class ngayon, hindi ako tinatamad makinig sa klase
"Oo, engaged na raw sila"
"Huhuhu, sana ol."
"Hindi na available si Kerven."
"Kay Kheron nalang tayo, ehe."
The ground has ears, the news has a wings
Wala naman akong naramdamang pagsisisi noong sinabi ko 'yong tungkol sa totoong connection na namin ngayon ni Kerven
All I need to do is to make sure about my friend feelings. Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain ng lunch
"Glaize?" tumigil siya sa pagsubo at napatingin sa akin
"Yes?"
"May feelings ka pa ba kay Kerven?" natawa siya bigla, napatingin na rin si Mitch sa amin
"Oh, come on wala na, I swear.."
"Mamatay ka man?" tanong ni Mitch
"Mamatay ka MAN!"
"I just want to make sure na hindi ka nasasaktan.."
"Wala ngang isang buwan nang maging kami, eh wala na 'yon tsaka hindi ako nasasaktan, okay? Boto pa nga ako sa'yo para sa kanya, yay!"
"Sure?"
"Sure!"
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hinayaan sila
"Siya nga pala, binigay ko kay Kerven ang no. mo hiningi niya, eh.."
Nabulunan ako sa kinakain kung pizza, bigla silang nataranta at sabay nila akong inabotan ng tubig
"Bakit.. mo.. binigay!" nauubo kong tanong, tumawa si Glaizer kita pa sa ngipin niya ang chocolate cake
"Fiancee mo siya diba?"
"Gaga ka!"
Ngayon lang ako nakaramdam na hindi tinatamad makinig sa discussion, good mood ako, eh bakit ba
Nakapagrecite pa nga ako at nakasagot ng tama
"Anong pinakain sa'yo ni Kerven kanina, huh!"
"Hotdog.." sagot ni Glaizer
Nagtawanan silang dalawa, hindi ko nalang pinansin
"Heya," tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Bakit niya ako tinawag na Heya!? Sinenyasan siya nina Glaizer at Mitchell na bawiin ang sinabi niya
Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan ko at Heya pa
Magalit ka selp hindi mo siya binigyan ng pahintulot diba?
"Bakit?" Malumanay kong tanong, napalunok ako, nakita ko talaga kung paano manlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko
"Sasabay ka sa akin, I'll drive you home,"
"Okay.."
***