JULIAN WY SIMULA pa kaninang pag-alis namin sa bahay hanggang ngayong nagda-drive na ‘ko papunta sa airport kasama ang mga bata para sunduin ang mommy nila, hindi na ‘ko mapakali. I mean, hindi ako komportable. Kylie and I haven’t seen each other since the divorce went through, and by the end of it all, things weren’t exactly civil between us. I’m worried about introducing any negativity into the kids’ lives. Masaya na sila ngayon, bumalik na sila sa dating sila at nag-aalala ako sa kung ano’ng maaring maging epekto sa kanila na muling makita ang mommy nila, knowing na after nito, kailangan ulit nilang magpaalam sa isa’t-isa. I would hate to see my little girl become so quiet again, and I’m worried na lunurin na naman ni Jayden ang sarili niya sa games para lang malibang siya at makaiwa

