♤Xyra's P.O.V
?
Masyado yata akong maagang pumasok. Pagdating ko kasi dito sa school.
Wala pa masyadong Students.
Dumeretso ako sa locker ko para ilagay yung mga gamit ko.
Naalala ko may P.E pala kami mamaya, buti nadala ko ang P.E uniform ko.
Lalabas na sana ako dito sa locker room pero may nabangga akong magandang babae.
"Ayy sorry, diko sinasadya" sabi ko.
"Ayus lang" nakangiti nyang sabi.
"Teka, ikaw ba yung naka top 1 sa exam for scholarship?" Tanung nya.
"Oo" tipid kong sagot.
"Ohh, nice to meet you, I'm Clere Digusman. You are?" sabi nya at inabot ang kamay nya. Tinanggap ko naman ito.
"Nice to meet you too, I'm Xyralyn Alcantara, just call me Xyra" nakangiti kong sabi.
"Friends?"-sya. "Oh yeah friends" sabi ko.
"Oh sige kita lang tayo mamaya may practice pa kasi ako" sabi nya.
"Oh sige" then umalis na sya.
Sa wakas nagkaroon din ako ng kaibigan. Akala ko puro mayayabang ang mga students dito pero mali ako.
May mabait din pala kagaya ni Clere.
At kahit papano maeexcite akong pumasok lagi dahil may friend na ako.
Lumabas na ako dito sa locker room pero napahinto ako kasi may naririnig akong mga boses.
"Uy sige na Dude, isama mo na ako!"
"Wag ka ngang makulit, pag sinabi kong ayoko, Ayoko!"
"Hoy Divon tumigil ka nga jan!"
Sinundan ko yung mga boses at ayun nakita ko si Mokong.
May utang pa pala ito sakin kaya sisingilin ko sya ngayon.
Lumapit ako sakanila. Tatlo lang naman sila dito sa tapat ng bulletin board.
"Hoy Mokong!" sigaw ko sakanya. At napalingon silang lahat sakin ng nagtataka.
"Miss sinung tinatawag mo?" Tanung nung lalaking makapal ang kilay.
"Sya!" sabi ko sabay turo kay Mokong. At nagsitawanan naman ang mga kasama nya.
"Mokong na pala ngayon ang pangalan mo Dude? Wahaha!"
"Hoy, ikaw pangit na babae ka tigilan mo ko. Di nga kita kilala eh tapos bigla bigla ka nalang sumusulpot. At kung crush mo ko pwedi wag ka masyadong paobvious" sabi nya.
Ano daw? Pangit ako? Ang ganda ko kaya para sabihan nya ng pangit.
At teka, crush, cruah ko sya? Eh gago pala yan eh.
"Hoy, ang kapal ng mukha mong feelingero ka. Kahit kailan hindi ako magkacrush sa isang tulad mong unggoy ka. At isa pa hindi ka naman talaga gwapo, ang pangit mo kaya!" nakangisi kong sabi.
Kala nya sya lang ah. Marunong din ako noh.
Nakita ko sa mukha nya ang sobrang pagkainis.
"Anung sinabi mo?" tanung nya habang unti-unting lumalapit sakin kaya napaatras ako.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo" dagdag pa nya at patuloy parin sa paglapit sakin.
Napasandal na ako sa isang poste kaya naman-
"Bingi ka ba, at kailangan pang ulitin!?" Pasigaw kong sabi sabay tulak sakanya palayo.
Pero bigla akong may naramdaman na kakaiba nung itulak ko sya.
May nahawakan kasi akong 6pack na pandesal.
Tumakbo nalang ako palayo sakanila, sapat na sakin na nainis ko sya.
.
Natapos narin ang second period kaya after nitong reces ay P.E na namin.
Pumunta ako ng locker ko para magpalit ng P.E uniform.
Pagkatapos kong magbihis ay dumeretso na ako sa gym.
But I feel something wrong. Lahat kasi ng nadadaanan ko ay nagbubulungan at nagtatawanan.
Hayyst, masanay na dapat ako.
Pagdating ko dito sa gym ay mas lalong lumakas ang tawanan nila at lahat sakin nakatingin. May dumi ba ako mukha?
"Wow ibang klase na pala ang style ng P.E jagging fans ngayon noh."
Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Mokong na tumatawa habang sakin nakatingin.
Sinamaan ko sya ng tingin pero tinaasan nya ako ng kilay na parang sinasabing 'ANO?'
Mayamaya lang may naramdaman akong nagtakip sa likod ko gamit ang jacket nya.
Paglingon ko si Cleire pala.
"Girl, yung likod mo!" sabi nya.
"Ha?" Nagtataka kong tanong pero hinatak muna nya ako papuntang cr.
"Anung nangyayare?" tanung ko ng makarating kami dito.
"Yung likod mo may butas" sabi nya at tinignan ko yung likod ko.
Tama sya may butas nga at ang laki ng butas na sinadya pa. Kaya pala kanina pa nila ako pinagtatawanan. Nakakahiya, kita pa naman yung panty ko.
Huhuhu sinung walang awang gumawa nito. Hindi ko maiwasan mapaluha.
Hirap na hirap na nga kami tapos sisirain pa ang gamit ko, wala na akong pambili nito eh.
"Hey, wag ka ng umiyak jan" sabi nya pero diko maiwasan ang mga luha ko eh.
"Di bale, halika sumama ka sakin" nakangiti nyang sabi at hinila nya ako palabas dito sa gym.
"Saan tayo pupunta?" tanung ko.
"Sumama ka nalang" sabi nya.
Pagdating namin dito sa parking lot ay sumakay kami sa isang magarang sasakyan.
Sa backseat kami sumakay, may driver din kasi sya eh.
Gusto kong maghinala dahil kakakilala ko palang sakanya tapos dadalhin nya ako sa unknown place.
Pero magaan ang loob ko sakanya.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking Condominium.
Pumasok kami dito at sumakay kami sa isang elevetor.
Wow firstime kong makasakay nito.
Mayamaya lang ay nagbukas na ang elovetor at naglakad na kami.
Nandito na kami sa tapat ng roon #157. Nagtype si Cleire ng password then nagbukas ito.
"Pasuk ka" sabi nya kaya pumasok ako.
Namangha ako dito sa loob ang ganda kasi. Pagpasok palang kasi ay makikita mo na ang hagdanan.

Para syang bahay lang di halata na Condo sya.
Mula sa hagdanan na yun ay may nakita akong babaeng bumaba.
So may kasama pala sya dito. Then bigla naman may lumabas na babae din mula sa kusina ba yun, ay ewan.
"Oh Cleire! Sinu yang kasama mo?" tanung nung nagmula sa hagdanan.
"Buti nandito kayong dalawa, Sya si Xyralyn our new friend!" nakangiting sabi ni Cleire.
"Wow! It means makokompleto na tayo? Yehey!" sabi nung galing sa kusina, ay ewan pala.
"Umupo ka muna" sabi ni Cleire kaya umupo muna ako, wow ang lambot ng bench ah.
Lumapit yung dalawa samin. Magkatabi kami ni Cleire at nasa harapan namin yung dalawa.
"Hi Xyra, ako nga pala si Lorna Tina Smith, call me Tina" sabi nung galing kanina sa hagdanan. Ang ganda nya, nila pala.
"Ako naman si Cloe Kim Madrigal, call me Cloe" sabi nung isa.
Akala ko di nila ako tanggapin pero kagaya ni Cleire ang babait din pala nila.
"Xyra wag kang mahiya dito ah, parte kana ng Friendship namin." sabi ni Tina.
"Salamat sa pagtanggap sakin as your friend." sabi ko.
"Kami dapat ang magpasalam sayo dahil sa may new friend na kami, nagsasawa na kasi kami sa mukha ng bawat isa."
Biro ni Cleire kaya natawa kaming lahat.
Lumapit samin yung dalawa at nag group hug kami.
Diko inaasahan na makatagpo ako ng mga mabuting kaibigan na kagaya nila.
Ang saya ko kahit napahiya ako kanina.
.....To be Continue.....