Tahimik silang dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Walang nag-iimikan pero tanging kumportable lang ang madarama sa kabila nito. Napalingon lang siya sa gawi ni Kristoff na nilalaro ang kaniyang mga daliri ng bumuntong hininga ito. "What's the problem?" tanong nito. "You are late for your class. You need to go.” sagot ng binata at binitiwan ang kamay niya. Kumunot ang noo ni Olivia sa pagpoprotesta. "But I'm already late, anyway. Let's just stay here." She tried to convinced him. Mas gugustuhin niya pang umupo rito sa loob ng sasakyan kaysa makinig sa nakakatamad niyang mga professors, mas gugustuhin niya ang pakiramdam ng palad ni Kristoff sa palad niya. "No... You're on your last semester. Stop being a brat and attend your class." seryosong sagot ni Kristoff. Umirap si Olivia

