Hindi napigilan ni Olivia na sundan si Avery ng palihim. Buhat buhat nito ang anak niya at naglalakad sa kahabaan ng mall. Maingat siyang nagtatago sa bawat stall. Hindi niya alam kung bakit di niya napigilang sundan ang babae. She's curious about the kid. Pasulyap sulyap lang siya sa babae na ngayon ay may katawagan sa cellphone. Maitim ang buhok ng bata pero halata ang kakisigan. Lalong yumuko si Olivia ng mapansin ang lalaking papalapit sa kinatatayuan ni Avery. Seryoso ito at kinuha ang bata sa bisig ng ina. Hinalikan ng bata ang pisngi niya. Lumunok si Olivia at dumiin ang kamao habang tumitingin sa mga ito. He looked more mature. No doubt if he's a family man. Moreno pa rin ang kaniyang balat at mas lalong lumaki ang katawan. Avery's complexion and body build complimented her. Ma

