Late na ng makauwi sina Kristoff mula sa police station. Mabilis na lumabas si Olivia para kausapin ang mga ito. Nadatnan niya si Kristoff na naninigarilyo habang nakasandal sa kotse. "Ngayon na lang kitang nakitang manigarilyo muli." She said. Bumuga ng usok si Kristoff at nilingon siya ng may mariing titig. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong rosas na roba. "Your robe's thin. You'll catch a cold." He spat and inhaled his cigarette. Alam niyang galit ang binata. Tumabi siya rito at sumandal na din sa sasakyan. Guilty si Olivia sa ginawa niya. She's involved in another trouble. Pero ayaw naman niyang maging bilanggo na lang sa loob ng bahay para manatiling ligtas. "Are you still angry?" tanong niya ng hindi na makatiis. "What do you think?" He asked back and threw his cigarette to

