Chapter 6
“Saang lupalop ba ng mundo tayo pupunta Boss?!” Naman ha! Ilang taon na ba ang dumaan?
“Malamang sa basurahan kung hindi ka pa titigil sa kakadal-dal mo Bokrang baka itapon kita doon!... Aishh! At pwede ba huwag mo muna akung tawaging Boss baka mabuking tayo ng maaga eh”
Ay ganun? Sige hindi nalang Boss…peru teka?
“Anong gagawin natin sa basurahan?” napakamot tuloy ako sa ulo… Joke ba iyun?
“Aissshh! Manahimik ka na nga lang”
Sungit talaga! Ha! Bwesit…. Kung hindi ka lang cute nunca pagtitiisan kita…. At tiyaka Wait! Baka lolo niya ay isang Kulto leader…Naku po postiso ni lolo! Nakakawindang ng kagagandahan iyun! Naman eh! Ito na yata ang pinakamahirap at exciting na drama na napasukan ko….. Magkaka-Oscars talaga ako nito! Nanahimik nalang ako….sabi niya eh
“O ba’t natahimik ka?” Napatingin ako sa kanya…. as in masamang tingin talaga na parang nagsasabi na ‘Adik ka ba?!’ “What?!”
“Ako ba’y pinagloloko mo?! Sabi mo tumahimik na ako ngayon may pataka-taka ka pang nalalaman diyan? Naka-drugs ka ba?” O hayan! Saan kayo nakakakita ng maid na sinasagot-sagot ang amo? Ako lang iyun ehehhee
“May sasabihin pala ako”
“O di sabihin mo na! Dali!”
“May lakad?!”
“Hindi gagapang”
“Ewan ko sayo…. Tanda mo ba ang sasabihin mong kwento sa lolo ko?”
“Opo! Na-met kita sa sementeryo naka-all black ako tapos naging si jowa mo ako tapos…. Bwa!!”
O_o
“I’m serious Bokrang” awtoridad ang boses ni among tunay “At anong sementeryo? Sa Park tayo unang nagkita….muntik na kitang masagasaan, tapos sinungitan mo ko dahil nasira lahat ang tinda mong bulaklak”
“Naman! Ba’t kasi ginawa mo pa akung Rosalinda? Tindira talaga ng bulaklak?" Pang Rosalinda ba ang beauty ko? O pang Kalye dungis sa daan?
“Huwag ng mareklamo… alangan namang sabihin ko na nanggaling ka sa isang may kayang pamilya? Halos kilala ni lolo ang mga mayayaman na tao sa labas at loob ng bansa”
“Pati taga mars kilala niya?”
“Just bear with me okay…” he sighed in frustration “Now…. Tell me kung paano tayo nagkakilala?”
“ Ayun na nga isa lang akung mababang klaseng babae sa bansang Pilipinas… isang simpleng dalagang Pilipina na nagtitinda lamang po ng mga Fresh na bulaklak sa daan o sa Park. Aksidente ko namang nakadaupangpalad itong si Alexander na ubod sa yabang at mukhang pinaglihi sa sama ng loob ng nanay niya sa kalabaw. Inaway ko siya! Sabi ko bugbugan tayo oh! Labas ka diyan…. Tapos ayun na nga… Na inlove na pala siya sa nakakakunotnoo kung kagandahan ahahaha…. Oh diba bongga!”
“Hahhahahahah!! Gusto kita hija” Oh bilis naming nakarating no? kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian with Alexander’s Lolo and family…. Hindi naman pala sila Kulto eh… na adik lang sa Korea, para kasing lumabas ang bahay at lolo niya sa isang manga na ang story ay Old Ancient korea.
“Naku lolo Bff na tayo” napaka-Friendly ko talaga…hahhaha
“Naku hija hindi parin ako makapaniwalang na inlove ka sa apo kung iyan? Hahhaa… Naku talo pa niyan ang presidente ng Pilipinas sa rami ng pinoproblema…. Pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niyang si Xander palagi ehehe”
Napatingin ako kay Mr. Among Tunay na Ubod sa Kasungitan… As usual Nakakunot nanaman ang noo
“Naku lolo, kaya nga po may tinatawag na Love is blind ehehhe”
“Naku apo baka Love matters all lang talaga ahahaha”
“Pwede din? Eheheh” Ayos din naman pala itong si lolo napaka-Party-Party ang dating
“O apo bakit di kana nagsasalita diyan?” puna ng lolo ni Xander sa kanya
“Kayo nalang” sumubo ito ng isang sushi gamit ang chopsticks “Mukhang nagkakasundo naman kayo e—uh! Uh! Uh!.... what the--”
“Ano ka ba naman Mik-mik my love” napalakas yata ang hampas ko sa likod niya…he-he-he “Pagod lang siguro si Mik-mik may loves lolo kaya parang may dalaw nanaman po he-he-he” Then Xander glared at me saying ‘Patay ka sakin mamaya’ Binigyan ko rin siya ng masamang tingin na balik saying ‘Wait lang! Wala pa akung kabaong’
“Don’t worry, hija sanay na ako sa apo kung iyan” *smile* Ako po malapit ng mapikon!
“Oo nga po lolo eh…. Para tuloy akung sira kapag kasama siya at nagsasalita ako…. hindi man lang sumasagot” iyun pala may earphones sa tenga! Sus! Saktan ko iyang Ears mo eh!
“Hayy naku pagpasensiyahaan mo na iyang apo ko”
“Huwag kayong mag-alala lolo love ko naman ‘to eh” Oh! Echos lang ahahaha
“Hahaha… “ tumawa lang ang lolo niya
“Sa katunayan nga po lolo nag-iba na po ang motto ko sa buhay simula ng makilala ko si Mik-Mik my love eh” Matalim nanaman ang tingin niya saken? Naku! Baka ayaw niyang tawagin ko siyang Mik-Mik? Naman! Ang cute nga nun eh… powdered milk lang na binibinta sa kanto ahahahha…
“Talaga?! Ano naman?”
“Noong una ang motto ko lang po ay: Go Bokrang Go! Ngayon Patience is a Virtue ahhahha”
“Ahahhaha…. Tama…. Patience is a Virtue talaga”
“Puro ka kalokohan” sa wakas nagsalita na si Pikon…ahahah… di kinaya? Kinawit ko ang braso ko sa braso niya… tsansing na yata ito eh “Ano ka ba naman Mik-Mik hindi mo ba nagustuhan ang motto ko para sayo?”
Hindi niya ko sinagot sa halip sinubuan nya ako ng lecheflan…..
O_O
Leche Flan? Itlog? OH MY EGGS!!! Ang allergy ko!! Patay ako T_T Kain ka kasi ng Kain!!
*gulp*
Pinakawalan ko na siya…. Waaaaaaa!! Magiging kamatis nanaman ako!! T_T
“O Hija, may problema ba?”
Malaki po! Mas malaki at malala pa sa problema ng Bansang Pilipinas!!
“W-wla po” ngumiti nalang ako ng pilit
Huhhuhuhu…. Ayokong maging kamatis!! Hindi ko pa naman dala ang gamut ko sa allergy! Naku Alexander ka!!! Pupulbusin kita!!!!
“Hoi Ano bang nangyayari sayo?”
“Kasalanan mo ito eh!!!”
“Bakit nanaman?!” Ang kati-kati na ng katawan ko…..namumula na ang kamay ko….naku! kapag umabot ito sa mukha ko tiyak magiging kamatis na ako sa pula…. Baka nga kasing pula na ng bilog ng watawat ng Japan!
“Pinakain mo kasi ako noong Letse na Leche Flan na iyun!!” hinarap ko na siya, kamot-kamot ko naman kamay at braso ko… Langya!!
“O anong problema don?” o_O
“Ayoko sa itlog!! May allergy ako sa itlog!!” Kainis talaga!! T_T papatayin talaga kita!
O_O
Hinaklit nya iyung braso ko na pulang-pula na… Shock ka nuh?! Kakainis ka talaga!
“Ba’t di mo sinabi kaagad? Ba’t mo rin kinain”
“E malay ko bang leche flan iyun?! Naman eh!!” Hinila na niya ako bigla
“S-saan tayo pupunta?”
“Sa Clinic”
“Huh? Saan iyun?”
“Teka! Dala mo ba ang gamut mo sa allergy mo?”
“H-hindi”
“Edi sa clinic na tayo ng bahay namin”
“M-may clinic kayo dito?” Sosyal! Ba’t di nalang Ospital para bongga na!
“Mahina na si Lolo kaya may maliit na clinic dito para sa kanya….” Stop “And next time Bokrang sabihin mo ng maaga kung anong mga bawal sayo…Aissshh!!” patuloy na kami sa paglalakad E hindi ka naman nagtatanong eh?
CLINIC
“Okay na po ba siya Doc?”
Tumango “Yes, she’s okay now…. mawawala narin iyang mga pantal at pamumula sa katawan niya in a few days”
“Thanks” he sighed in relief
“Ehehehe….next time huwag mo na siyang pakakainin ng may itlog… Pwede naman siya ng itlog peru hindi iyung katulad ng sa leche flan”
“Ah…ok po…salamat ulit”
“Sige maiwan ko na kayo”
“At ikaw!” binalingan ako ng masamang tingin ni among tunay…Scary!
“Bakit na naman?! Ako na nga itong nagmukhang kamatis may gana ka pang pagalitan ako”
“Aisssh! Sa susunod sasabihin muna sa akin ang mga bawal sayo at ng di ka mapahamak” sincere “At huwag kang kain ng kain ng bawal sayo”
“Sayang din ang grasya at tiyaka hindi ko naman namalayan na Leche Flan iyun eh” ngumuso ako na parang bata “Buti nalang hindi ako nagtransform bilang Kamatis…Naka! Laking gulo iyun baka mapagkamalan akung pag sahug sa pagkain”
“Baliw ka talaga” *smile* Wow! Nag-smile siya….Galing mo talaga Bokrang!
“Mik-Mik---“
Kunot noo nanaman “One more thing huwag mong E-murder ang pangalan ko….Anong akala mo sa pangalan ko powdered milk na binibinta sa kanto? Mag-isip ka ng iba”
“Ayoko nga! Ang cute eh….ba’t ko papalitan?” Bleeh!! It’s payback time na! Sinisiraan mo ang pangalan kung Bokrang now it’s my turn to shine!! Mega shine!! Floorwax! Wahahahaha!!
“Ako ba’y pinagloloko mo Bokrang?!”
“Hindi ba obvious? Gusto mo spell ko pa?”
“Ako ang amo mo!”
“Hindi naman ako ang aso mo nuh….and remember I’m ur fiancé now”
“And so?” hala! Lumalapit si among tunay
“So la ti do….do re me fa so la” huwag ka ngang lumapit saken hunghang ka!! At baka magdilim ang mata ko at ma r**e pa kita ng di-oras!!
“Natatakot ka na ba saken?” inches away na kami…. I can smell his sweet breath… At kailan pa naging matamis ang hininga niya para sayo?
“H-hindi ah….kahit ilapit mo pa iyan hindi iyan uubra” naje-jelly lang ang mga tuhod ko…kung hindi ako naka-upo tiyaka matagal na akong natumba sa sahig..
“Talaga?!” lumapit pa siya
Bwesit ito ah!! Kapag…. lumapit ka pa sisiguraduhin kung sisigaw ka! Lumapit….
Naghahanap ka talaga ng gulo ah!
Lapit….
“WAAAAAAAAAAAAA!!! BOKRANG!!!”
Tumayo ako at tumakbo palabas ahahahah…. Buti nga sayo! Kinagat ko lang naman ang kamay niya ahahahhahaha…. Galing ko talaga!!
“PAtay ka saken kapag na-abutan kita!!”
“Kung maabutan mo ko!! Bleeeh!!” kumaripas na ako ng takbo
“Itatapon talaga kita sa Basurahan kapag na-abutan kita!!”
“Hhahahaha…. Ewan ko sayo! Mamasura ka!!”
“Wanna bet?!!”
“Bahala ka!!”
Takbo na!!!!!