I LOVE YOU, LUPA MAN AKO
written by: Blackrose
Chapter 5 -Girl Of My Dream
------,--'-,-{@
"He...llo.."
"Kevin, you're still in bed?"
I tried to reach for my watch na nasa may side table. It says 10:38am. "Patay!!" sabay tapik sa noo.
"What? My God Kevin why are you still in bed? And worst is you're still asleep when I've called. Three times ako tumatawag to you before mo sinagot." inis na litanya ni Alexandra, ang girlfriend ko.
"Sorry baby, I'll make up to you later. Promise..." bawing sabi ko.
"You are so madaya talaga Kevin. You said last night that you'll pick me up dito by 10am today. Hello? What time is it already?"
"Sorry sorry baby. I'll be there. Wait for me. Promise. Just give me a sec. Okay?" dali-dali akong tumayo.
"Okay. If you're not here by 11:15, I'll go at the mall by myself." pagkaklarong sabi ng dalaga.
"Okay. Before 11:15 I'll be there. Love you baby!" sabay off ng cp at hagis sa labas ng bathroom. Safe naman kasi heavy carpeted ang room ko.
Buti na lang kamag-anak ko si Flash kapag ganitong nagigipit ako sa oras lalong-lalo na if si Alexandra ang at stake. Matagal na kaming in a relationship ni Alexandra. Actually, you guys won't believe her name. Maria Alexandra Nicole Francis Bustamante Tamayo... Well that's her name. Tama, siya lang naman ang nag-iisang anak ng negosyanteng Raul Tamayo na may-ari ng Tamayo Group of Companies sa Cargo Shippings here and abroad. Magkasosyo sila ni daddy sa business at magkumpare pa. Her mom died early due to heart failure and hindi na nag-asawa pa ang daddy nito. To be exact, we are celebrating our 8th years of being together as bf/gf... Today. Yes! We were still young that time when my dad and her dad decided to made an arrangement between the two of us. Gusto nila kami ni Alexandra ang magkatuluyan. Hindi naman mahirap pakisamahan at mahalin si Alexandra. She's kind although may pagka-maldita minsan, loving, thoughtful, malambing na madalas e PDA (Public Display of Affection) na kami.. yun nga lang ay most often bossy dahil syempre spoiled sa daddy nito. But over-all, I learned to love her as time goes by. Sa 8 years naman na relationship namin ay may on and off rin kami. Natural na yun sa magka-relation. Hindi naman pwedeng perfect diba? Madalas nga lang ay unmistaken 3rd-party ang reason why we broke up. But as much as possible, we tried to settle everything before pa makarating sa mga magulang namin. Part na ng relationship namin ang both parents namin. Tulad ng last argument namin, kailangan pa ng diskarte ng daddy ko sa daddy niya para lang magkabalikan kami ni Alexandra. That's how crucial our relationship is... Grabe!! Business is always at stake talaga plus our parents' friendship. Kaya mahirap kaya maging kaaway si Alexandra.
"Yes! Yes! Yes!" suntok ko sa hangin pagkarating ko sa mansion ng mga Tamayo.
"Pasok po kayo Sir Kevin. Si Ms. Alexandra po ay nasa may pool area, kanina pa po kayo hinihintay." straight na sabi ni Kuya Guard sa akin.
Tumuloy na ako sa loob. Kabisado ko na ang mansion na ito. Lahat ng sulok ng kabahayang ito ay alam ko na. Nung una kong tungtong rito ay halos maligaw ako sa laki pero ngayon syempre kahit nakapikit ako ay hindi na ako madadapa. Pagdating ko ng pool area, I immediately saw her. She's facing the pool kaya hindi niya ako napansin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.. but to my surprise...
"What took you so long Kevin?" bland na tanong niya sakin. Kapag first name basis si Alexandra sakin, I know she's irritated or mad at me.
Niyakap ko siya ng mahigpit sabay halik sa leeg nito. "Uhhmmm baby, you smell great! Anong pabango mo this time?" I need to soften her mood dahil kung hindi.... Yari ako. Yari na naman ako sa daddy nito and even to my own dad. Daddy's girl pa naman ang gf ko.
Hindi natinag sa upo niya si Alexandra. "You're not late sa 11:15, that's good! But hell, you're almost an hour late to our agreement Kevin!"
"I'm so sorry baby.. What can I do to make it up to you? Anything? Name it." humarap na ako sa kanya.
"Anything?" taas ang kilay na sagot naman nito.
"Yes! Anything!" konti pa ay shoot na ako. Kilala ko na ito ng sobra kaya alam ko kung ano ang mga weaknesses niya. Shopping for bags or jewelries at yung ano... ehem! Hindi ko na pwede pa i-elaborate yun last kasi parental guidance is recommended. Hehe..
"Let's go to my room." hila niya sakin. Buti na lang at kahit I'm rushing kanina I bathe well naman. Hehehe..
*After an hour*
Right now we are here at Rustan's. Mingling ourselves sa mga tao sa loob ng mall. We had our lunch sa Kenny Roger's Roasters, favorite niya dito then after we ate ay nag-watch muna kami ng movie. The rest of the afternoon was shopping for this and that. Ilan paper bags na naman ang bitbit ko as usual. Nakakapagod rin talaga kapag kasama ko si Alexandra wherein siya ay parang walang kapaguran talaga basta she's at the mall. Hay naku! Girl's nga naman, mahilig sa shopping. We ended up sa Gerry's Grill, my favorite place naman to eat. Miss ko narin dito. After that I take her home.. Sa house nila baka kung ano pa isipin niyo. I have class tomorrow kasi pero if wala siguro ay malamang she'll be sleeping over sa amin.
Quarter to seven pm na.
Grabe nate-tense ako habang palapit ng palapit ang oras na sinabi kanina ni Nicolas. Parang kung anong ewan ang nararamdaman ko. Oo! Nag-decide na ako na sumama at maging date ni Nicolas sa birthday party nito dahil narin sa mga kasamahan ko rito sa trabaho na parang bubuyog na hindi ako tantanan hangga't sa nakuha nila ang sagot na gusto nilang marinig. Hindi naman siguro alangan ang suot ko sa event although alam ko na mga mayayaman at prominenteng mga tao ang andun mamaya. Naka-skinny jeans lang ako na black at buti na lang ay parati akong may dalang extrang damit pang-uwi. Yun na lang ang sinuot ko. Tumingin muna ako sa salamin.. Ayos naman. Hindi naman masagwang tignan ang baby pink kong blouse na may design na butones sa gilid. Sila Julia at Lanie naman ay kanina pa nakahanda sa event. Mga excited! Ngiting sabi ko sa sarili ko habang sinusuklay ang aking buhok. Muntik ko ng malimutan magsabi kay nanay na baka gabihin ako at may event lang akong pupuntahan kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nagtext ako sa kapitbahay namin para ipaalam kay nanay na mahuhuli ako ng uwi. Kasalukuyan akong nagpupulbo ng marinig ko ang boses ni Nicolas sa labas. Dumagsa ang mga mumunting paru-paro sa dibdib ko. Pinili ko munang huwag lumabas para ma-relax ako ng konti at hindi naman masabi ni Nicolas na excited ako sa lakad namin.
"Hi Sir." sabay na bati nila Julia at Lanie sa binata.
"Hello rin." ngiting sagot ni Nicolas. Lumingon ito sa piligid na tila may hinahanap. "Si Sam ba nakauwi na?" malungkot na tinig nito.
"Hindi po Sir, andun po siya sa loob nagbibihis lang po." si Lanie ang sumagot.
Biglang nagliwanag ang mukha ng binata sa narinig at sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa labi nito. "Talaga? I'm really thankful naman na pupunta kayo sa birthday party ko."
"Sandali Sir ha tatawagin ko lang po siya. Maupo po muna kayo Sir." magalang na sabi ni Julia sabay pasok sa quarters nila.
"Andyan na siya bff?" kabang tanong ko.
"Oo bff. Ang gwapo niya kahit na naka-rugged outfit lang din siya tulad natin." tuwang sagot naman nito.
"Naku bff, kinakabahan ako. Huwag na lang kaya tayo tumuloy? O kaya kayo na lang ni Lanie ang sumama sa kanya." upo tayo ako sa silya habang pinipiga-piga ang kamay ko.
"Ano ka ba naman Samantha?! Ikaw talaga ang gustong makasama ng tao, hindi kami. Extra lang kami. Kaya niya lang kami niyaya ay para may kasama ka at nang hindi ka mailang dun. Tumigil ka nga jan! Huwag ka ngang KJ jan! Nakagayak na tayo at umasa na yung tao tapos bigla kang magba-back out! Saka bff, nasabi ko na kay Nicolas na andito ka sa loob at nagbibihis lang."
"Kasi naman..." kabado parin talaga ako sa hindi ko mawaring dahilan.
Hinawakan nito ang kamay ko. "Sam, cool ka lang. Hindi ka naman kakainin o lalapain dun saka eto deal natin. Ganito na lang, kung may hindi magandang mangyayari mamaya or worst ay may manglait sa'yo dun, ako mismo ang magyayaya sa'yo na umuwi na tayo."
"Promise?"
"Promise bff. Hindi ako papayag na may mang-api sa'tin dun." sabay yakap niya sakin.
"Salamat Julia." ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.
"Tara na dali at kanina pa naghihintay ang Prince Charming Gwapo mo!" excited na sabi nito at hinila na ako palabas.
"Hi Sam. Good evening to you." bati ni Nicolas.
"Good evening din." Tama si Julia. Napaka-gwapo nga ni Nicolas ngayon. Naka-rugged ito. Kupas na pantalon, brown polo na nakabukas at puting panloob. Clean cut siya na halatang bagong gupit lang. Tinanggal rin nito ang hikaw sa kanang bahagi ng tenga niya na ngayon ko lang napansin na ginawa niya. All-in-all, ruggedly handsome siya tonight. In fairness naman.
"Shall we go? They are waiting for us." inalalayan ako ni Nicolas palabas ng pinto hanggang sa makasakay sa sasakyan nito. Hindi na ako nagulat ng sa front seat niya ako pinaupo.
Habang binabagtas naming ang kahabaan ng Edsa, napansin ko na kanina pa ito tingin ng tingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? May mali ba sa suot ko? Mas pinili ko na lang tumingin sa kanang bahagi ko para maiwasan ko ang mga tingin niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi ng mga oras na yun.
*In Nicolas's Mind*
Sobrang saya ko ngayong birthday ko. Thank you Lord! First time kong makaka-date si Sam, ang girl of my dream. Kahit simple lang ang suot niya tonight, she's still beautiful. Bagay pala sa kanya ang baby pink na color, lalong lumalabas ang kinis at puti at ganda niya. Ang swerte ko talaga tonight, akala ko uuwi ako sa amin ng solo-flight at magbe-birthday kasama lang ang mga barkada ko. Buti na lang she decided to be my date tonight. Grabe!! Men! Heaven talaga ang feeling ko ngayon! Para akong nagda-drive sa ulap at the moment. I look at her again while she's looking outside the window, I cant help myself but to sing kahit in my mind lang.
~I look at her and have to smile, as we go driving for awhile...
Her hair glowing in the open window of my car...
And as we go the traffic lights, watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening...
AND I'VE GOT ALL THAT I NEED,
RIGHT HERE IN THE PASSENGER SEAT...
OH I CAN'T KEEP MY EYES ON THE ROAD,
KNOWING THAT SHE'S INCHES FROM ME....~
Right, she's just an inch away from me. Tinamaan talaga ako sa babaeng ito. Oh Cupid!! Sana panain mo rin ang heart niya para ma-in love rin siya sakin. Yun ang birthday wish ko talaga, wala nang iba pa. I'm so excited that my parents will finally meet Samantha especially my mom who has been persistent to me to bring her sa amin. It's been a long time that she have insisted me of bringing Samantha sa house pero syempre I can't just bring her there dahil for one ay hindi naman kami. I know that Sam is tense right now. I can see it in her eyes kanina pa lang sa canteen. Kaya nga kahit ang gusto ni mom ay formal ang event dahil nga 21st birthday ko, I really insisted na rugged ang motif ng birthday ko. Hindi pwedeng mailang ang nag-iisang babae sa buhay ko, not tonight.. Not ever. I planned this a month ago pa...
*Flashback*
"Pare, Nicolas, malapit na ang birthday mo ha! Saan ba tayo?" tropa 1
"Last year I remember we went sa Boracay, that was the best birthday you had pare! Remember Tanya? She was HOT!!!!" tropa 2
"Yah right." sagot ko.
"O bakit naman ang sad mo pare? Dahil ba wala ka pa gf this coming birthday mo?" tropa 3
"E di si Kathleen Santiago na lang ang gawin mong gf pare sa birthday mo. Tutal ay kanda-habol sa'yo yun. For sure, she won't say No to you," tropa 4
"I already have a plan.. This time I'll celebrate my birthday sa house. Tutal 21st birthday ko 'to. Tapos I'll invite Sam." explain ko.
"Ah, yun naman pala... Sige pare ayos rin yan plan mo. Maybe by this time ay sagutin ka na ng Samantha mo." tropa 4
"Yun eh kung... She will come with you Pareng Nicolas!" tropa 1
*End of Flashback*
"Yan na ba ang bahay niyo Sir?" manghang tanong ni Lanie
"Yes, we are here." simpleng sagot ko.
------,-'--,--'-{@