Andrew POV:
Nung gabi din na yon ay umalis ako ng bahay nag check in muna ako sa hotel. dito ako magpapa umaga.
mag papaalam ako ky alice ng personal bago mag pa manila.
nag text ako ky alice
Andrew - good morning mahal ko
alice - good morning din sayo kuya ?
Andrew - teka bakit may kuya nanaman?⁰
alice. - ay sory po nagkamali lng ng type
Andrew - haha ok lang mahal ko.
alice - ???
Andrew -alice mahal ko sabay tayo mag lunch magkita tayo mamaya susunduin kita. maghihintay ako malapit sa gate ng school nyo.
Andrew - wag mo sabhin kay vina at baka sumama ito ang una natin lunch date ???
yan ang laman ng text ko kay alice.
ilang sandali pa ay nag reply
alice - wow ang sweet mo naman may pa lunch ka pang nalalaman, ok buti at half day lang ang pasok namin ngaun wala ung prof. namin sa tatlong subject sa hapon.
napa ngiti ako ng mabasa ko ang reply ni alice.
Andrew - unang araw ng pangliligaw ko kaya dapat magpa good shot . reply ko kay alice.
Alice - haha ok???
11:30 palang ay naka abang na ako malapit sa gate ng school nila alice.
nakita ko na si alice na palabas ng school kaya agad akong kumabas ng sasakyan para salubungin sya malayo palang ay kita ko ang ganda ng ngiti ni alice.
alice pov:
paglabas ko ay agad kong nakita ang kotse ni Andrew
palapit na ako ng lumabas sya at kinikilig ako ng sobra, ang ganda ng ngiti nya sakin kaya gumanti din ako ng isang magandang ngiti.
pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse. san tayo kakain tanong ko kay Andrew pag kapasok nya sa kotse.
san mo ba gustong kumain baka may gusto kang kainan sabihin mo sakin. ah wala naman ok lang ikaw bahala kung san tayo mag lunch.
tumunog ang phone ni Andrew habang nasa biyahe kami. pero hindi nya pinapansin ang tawag ng mommy nya.
bakit ayaw mong sagutin ang tawag ni tita sayo? ah mamaya na tatawagan ko na lng si mommy mamaya pag hindi na ako nag dadrive.
sa isang japanese resto kami huminto. pag pasok namin ay giniya kami ng isang stap nila para sa table namin.
si andrew ang pinag order ko ng lahat ng pagkain namin.
maya maya pa ay muling tumunog ang phone nya at hindi nanaman nya sinagot ang tawag mula sa mommy nya.
bakit di mo sagutin baka importante. pauuwiin lang ako sa bahay kaya tumatawag sakin si mommy.
ganun ba uwi na tayo pag katapos natin mag lunch, hindi pwde napatingin ako kay Andrew dahil sa sagot nya, bakit hindi pwde?
kagabi palang ay umalis na ako ng bahay naka check in ako sa hotel malapit dito. pero bakit nahinto kami saglit sa pag uusap ng dumating ang mga order namin.
bakit ka umalis sa bahay nyo tanong kong muli kay Andrew
kumain na muna tayo lumalamig ang pagkain natin.
nang matapos kaming kumain ay tinanong nya ako kung may gusto daw ba akong pasyala.
ah wala naman kasi hindi naman ako palalabas na tao.
mahal ko dapat lumalabas ka din minsan mag explore ka enjoy mo ng kabataan mo pero hindi ko sinasabi na mag lakwatsa ka haha
napatawa ako sa banat ni kuya Andrew sakin na un. teka sabihin ma na sakin ang dahilan kung bakit ka umalis sa bahay nyo kaya pala ayaw mong ipaalam ko kay vina na sabay tayong kakain ng lunch.
si daddy at mommy kasi pinipilit akong ipakasal kay amanda para sa negosyo namin. naka tingin lang ako kay Andrew anong sagot mo hindi ako pumayag may mahal akong iba at un ang gusto kong pakasalan pag dating ng araw.
sino naman ang mahal mo?
ikaw, ikaw , ikaw, ikaw lang ang mahal ko wala ng iba ikaw lang ang gusto ko makasama habang buhay.
ang haba ng hair ko sobrang kilig ang nararamdaman ko ngaun.
mahal din kita Andrew at ikaw din ng gusto kong makasama sa pag tanda ko.
ok sige na mamasyal na tayo ikaw ang bahala kung san tayo mamasyal sabi ko kay Andrew.
lumabas ng kami ng resto at sumakay sa kotse, nagpunta kami sa isang mall na medyo malayo layo sa lugar namin dalawang oras ang binayahe nmin bago kami nakarating sa mall.
pinag shopping ako ng damit, shoes, bag, panay ang tangi ko pero ayaw pumayag ni Andrew.
sya ang namili para sakin pinag titinginan nga kami ng mga kapwa namin namimili kasi nag kukulitan kami habang namimili.
ang sale lady naman na nag aassist samin ay panay ang pa cute kay Andrew na parang hindi nya ako nakikita.
ok na yan mahal ko sadya kong nilakasan ang pagtawag ko ng mahal ko para matahuan ang sale lady na nasa harap namin.
napalingon sakin si Andrew ng tinawag ko syang mahal ko ang ganda ng ngiti nya sakin at nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko ang cute mo pag nagseselos ka mahal ko.
nanlaki ang mata ko sa sinabi nya sinimangutan ko lang sya.
nang matapos kaming mag shopping nag bayad na sa cashier.
sunod ay nag punta kmi sa arcade lahat ng rides ay sinakyan namin na parang mga bata.
nag enjoy talaga ako ng sobra lalo na at si Andrew ang kasama ko.
dun na din kami kumain ng dinner. at nag text na ako sa lola ko na malalate ako ng uwi kasi may project kami na kaylangan tapusin. nag sinungaling pa ako sa lola ko hay.
natapos nag dinner namin ng mapansin ko na parang tahimik si Andrew. kinuha nya ang kamay ko na nasa mesa
at dinala sa labi nya para halikan
i love you alice
kinilig nanaman ako
hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na sumagot ng
i love you too Andrew
hindi ka mag sisi sa pag sagot mo sakin mahal ko lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ako sa nuo.
aalis muna ako babalikan kita pag naayos ko na ang lahat. maghhintay ako Andrew basta tuparin mo ang pangako mo na babalikan mo ako.
nang palabas na kami ng mall ay sobrang lakas ng ulan at nag kukumpulan ang mga tao sa gilid trapick na din dahil baha na daw ang daan.
naku pano tayo makakauwi ang lakas ng ulan at baha na ang ilang dadaanan natin pauwi.
bumalik muna kami sa loob ng mall at nag lakad lakad muli ng makatanggap ako ng text sa lola ko
lola - apo malakas ang ulan at baha na dito sa labas ng bahay natin. wag kang mag alala sakin ok lang ako. jn ka na muna maki tulog kila vina at baha na ang daan pauwi dito sa bahay.
alice - opo lola uuwi din po ako agad pag hupa ng baha
pagbaba ko ng phone ko ay naka tingin si Andrew sakin may
may problema ba mahal ko? nag text ang lola ko baha na daw sa labas ng bahay, akala ni lola kasama ko si vina kaya sabi nya sakin na dun daw muna ako matulog sa bahay nyo kasi baha ang daan pauwi sa bahay.
walang problema sumama ka muna sakin sa hotel. pangako wala akong gagawin na walang pahintulot mo.