THREE

525 Words
May ngiti sa mga labi niya na nakipagkamay siya sa isang may-ari ng isang pambublikong hospital sa Aurora,ang kanya sunod na mission na makipagpartner para sa medical mission ng hospital. "Salamat sa iyong napakabuting layunin na makatulong sa mga hospital na gaya nito na kailangan ng financial support para makapaghatid ng tulong sa mga kabaryo namin na hindi naaabutan ng medical attention," anang ng may edad na lalaki na may-ari ng hospital. "Maraming salamat din po at hinayaan niyo ako pangunahan ang mission na ito," aniya. "Isa kang anghel na pinadala ng Diyos dito sa aming lugar,muli,salamat sa iyo,Doktora Amore," malugod na saad nito sa kanya. Isang matamis na ngiti ang tinugon niya rito at sa iba pang naroroon na magiging kasama niya sa medical mission. "Asahan mong nakahanda na ang lahat sa makalawa pati na rin ang mag-iiescort sa inyo paakyat sa bundok," anang muli nito sa kanya. "Salamat,Mr.Crus," pagtango niya rito. Pagkaraan,isa-isa niya kinausap ang makakasama niya na aakyat sa bundok. Nasa labingdalawa ang lahat. Anim na nurses at anim silang doktor. Pediatrician, Obygyne doctor at siya na surgeon doctor. Ibinilin niya sa mga ito ang kakailanganin nilang mga gamit na dapat na dala ng mga ito. Pagkatapos ng pagpupulong niya sa mga ito agad na bumalik siya sa Dalia Hotel kung saan naroroon pa rin siya nakacheck in. Agad na binati siya ng dalawang gwardya. "Amore!" Napahinto siya ng tawagin siya ni Mandy. "Mandy," magiliw niyang saad. Niyakap nila ang isa't-isa. "Kanina pa kita hinihintay," anito. "Hmm,Bakit kaya?" nakangisi niyang turan. Tumawa ito. "Gusto ko na anyayahan kang magdinner kasama si Jamiel..antagal na din kasi ng huli tayo nagkita," anito. "Wow,gusto ko yan,hindi ko tatanggihan yang libreng dinner na yan," playful niyang saad. "Alright,see you later,okay?" anito. "Okay,later!" aniya. "Mabuti naman naisipan mong dito ka muna sa Aurora?" untag ni Mandy habang magkakaharap sila kumakain sa rest house ng mga ito na nasa bahagi dulo lang ng karagatan na pag-aari ng pamilyang Dornan nakatayo ang bahay. "Naisip ko kasi hindi pa ko dito nakakapaghatid ng tulong since ilang beses na kong napapadpad dito," tugon niya habang maganang sumusubo sa masarap na pork adobo na luto ni Mandy. "Kailangan mo bang ng tulong? Sabihin mo lang baka may kailangan ka?" untag ni Jamiel. Nginitian niya ang mag-asawa. "Hay naku,Jamiel..mas mayaman pa ko sayo," maangas niyang saad dito. Napailing na lang ito na may ngiti sa mga labi. "Pero salamat sa offer..magsasabi ako agad kapag kinapos ako," aniya na binuntutan pa niya ng pagkindat dito. "Parang ang exciting ng trabaho mong yan kaso hindi ko naman pwede iwan ang kambal," anang ni Mandy. Nakita niya na masuyong hinawakan ni Jamiel ang kamay ni Mandy na nasa gilid lang ng plato nito. Napangiti siya sa kasweetan ni Jamiel na dati-rati naman ay hindi expressive na tao ito pero mula ng matagpuan nito si Mandy,ang mate nito ay nagbago ito. Ang lahat-lahat rito. "Dito ka lang,alam mo naman ayokong nawawala ka sa paningin ko at ng kambal natin," anang ni Jamiel. "Grabe ha,naiinggit tuloy ako sa inyo!" aniya na kinatawa ng mag-asawa. Sila kaya ng mate niya? Magiging sweet din kaya sa kanya ang lalaking yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD