SIX

439 Words
Hindi niya mapaniwalaan na nakikita at kasama niya ngayon ang lalaking na ilang araw ng gumugulo sa sistema niya. Akalain mo nga naman mukhang naiinip na si tadhana at muli sila pinagtagpo dalawa. Gusto na niya tayong magkalove life? anang ng pilyang saad ng inner wolf niya. Napangisi siya sa sinabi ng kanyang inner wolf. "Ang ganda mo talaga kapag nakangiti ka,Amore," pukaw sa kanya ni Dr.Miguel. Ang pediatrician na kaagapay niya maglakad. May itsura naman ito kaso nga lang hindi niya type ito. Batid niya na nakuha niya ang atensyon nito kaya inasahan na niya na didikit ito sa kanya pagkaraan na magkilala sila nito ng isang araw. "Salamat..hindi lang ikaw ang nagsabi niyan kaya sanay na ko sa mga compliment na yan," prangka niyang saad na gusto niya ipabatid na hindi siya kinikilig sa papuri nito. Nakikini-kinita niya ang pag-ikot ng mga mata ng inner wolf niya. Mahina naman tumawa ang doktor. "Hindi na ko magugulat,sa gandang mong yan sureness naman na marami ng nagsabi niyan sayo," amuse nitong saad. Gusto niya mabagot pero dahil friendly siya nginitian na lang niya ito. Agad na napataas ang isang kilay niya ng bigla nitong hawakan ang siko niya ng makita may malaking ugat ng puno sila madadaanan. Nagpapaimpress,gurl..bored na alingawngaw ng inner wolf niya. "Thank you,sanay na ko sa matatarik na lugar..alam mo bang hindi na mabilang ang pag-akyat ko sa mga kabundukan?"saad niya rito at bahagya itong natigilan . "Talaga?" maang nitong saad. "Yep,kaya okay lang na wag mo na kong alalayan," nakangiti niyang saad kahit papaano sweet ang paraan niya sa pagreject rito. Saglit ito natigilan at tila napapahiyang nag-iwas ng tingin sa kanya. "Okay,pasensya na.." mahina nitong saad. "Okay lang yan," nakangiti pa rin niyang turan at tinalikuran na ito. Agad na tumutok ang mga mata niya sa lalaking na nasa unahan ilang metro ang layo sa kanya. Hindi ito lumilingon sa kanila kaya alam niyang hindi nito alam na nandun siya. As if naman na maalala ka pa niya,gurl? Anang ng inner wolf niya. "Well,ipapaalala ko sa kanya kung sino ako," nakangisi niyang saad at nagpatuloy na sa paglalakad habang ang mga mata ay nakatutok sa lalaking iyun. Alvin Vecerel. Her mate. Gusto niya lumingon sa mga nakasunod sa kanila kasi pakiramdam niya may humahatak sa kanya na lumingon pero ayaw niya dahil alam naman niyang mga matang puno ng paghanga lang ang masasalubong niya kapag nilingon niya ang mga ito. Ipinilig niya ang ulo. Safety first. Wala siyang balak na makipaglandian sa mga babaeng nurses na kasama nila. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. May tatlong oras pa bago nila marating ang ituktok ng bundok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD